webnovel

LUMUHOD? NEVER!

Éditeur: LiberReverieGroup

"Ang tanga ng babae para maintindihang kamatayan ang hanap niya!" Sumbat ni Wu Rong, "Wushuang, huwag ka na mag-aksaya pa ng oras sa kanya. Ipasok na niyo siya at turuan ng leksyon!"

Matagumpay na ngumiti si Wushuang, at dumagdag pa, "Mom, tam aka. Oras na para malaman ng bwisit na ito ang kanyang leksyon. Kayo, ipasok na ninyo ang babaeng ito at hayaan kaming makausap siya ng pribado."

Nasuhulan na ni Chui Ming ang mga pulis.

Dinala si Xinghe sa isang interrogation room na walang camera.

Sumunod sina Wushuang at Wu Rong.

Pagkasarang-pagkasara ng pintuan, agad na lumapit si Wu Rong at binigyan ng malakas na sampal sa mukha si Xinghe. Malakas ang sampal na ito dala ng sobrang galit.

Matagal ng kinikimkim ito ni Wu Rong mula pa ng mapalayas siya sa kanyang villa.

Ngayong nasa kamay na nila si Xia Xinghe, nanamnamin niya ang pagpapahirap sa bwisit na ito!

Ngunit inasahan na pala ni Xinghe ang pananakit na ito mula sa kanila kaya ng sasampalin na siya, gumanti siya ng isang malakas na forward kick…

"Aray!" Napasalampak sa sahig si Wu Rong dahil sa lakas ng sipa, kita sa mukha niya ang sakit.

"Mom!" Nagmamadaling lumapit si Wushuang para tulungan ang ina. Tinapunan niya si Xinghe ng isang makamandag na tingin, at iniutos, "Paluhurin ninyo ang puny*tang iyan!"

Naramdaman ni Xinghe ang biglang pagsipa sa likuran ng kanyang mga tuhod. Napabaluktot ang kanyang mga hita sa sakit pero hindi siya lumuhod.

"Ituloy pa ninyo!" Hirap na tumayo si Wu Rong at galit na sumigaw.

Pahihirapan niya ng husto si Xia Xinghe, ang puny*tang ito hanggang sa mamatay ito!

"Luhod!" Ang dalawang pulis ay diniinan ng husto ang mga balikat ni Xinghe at nagpakawala na naman ng malakas na sipa sa likod ng kanyang mga tuhod.

Sinubukang manlaban ni Xinghe pero, ang isang babae ay walang laban sa dalawang na-train na pulis. Patuloy nilang sinisipa ang likuran ng kanyang mga tuhod.

Pinagtangis ni Xinghe ang kanyang mga ngipin at naghirap siya sa sakit. Ang kanyang mukha ay namutla at ang mga butil ng pawis ay tumutulo na sa kanyang muka.

Ngunit, ang kanyang mga hita ay nanatiling matigas na tulad ng bakal. Kahit na anong mangyari, hindi siya luluhod.

"Inuutusan kitang lumuhod—" Ang kanyang pagtanggi ang nagpagalit sa dalawang pulis, para lalo nilang lakasan ang pagsipa sa kanya.

Isa lamang siyang babae, ang lakas ng loob nitong suwayin sila?

Tinapunan sila ni Xinghe ng maalab na titig. Sa ilalim ng kanyang tingin, pakiramdam ng dalawang pulis ay isa siyang naghihiganting anghel na tinitingnan ang kaluluwa nila. Sinabi ni Xinghe, "Patayin na ninyo ako kung gusto ninyong lumuhod ang katawang ito!"

Nanginig ang mga pulis.

Ang titig ni Xinghe ay dominante at hindi patatalo sa tingin ng mga kriminal na nahuli na nila. Pero, sa matalim na titig nito, imbes na kasamaan, ay naroon ang mala-haring pagmamatuwid.

Natigilan ang dalawa at sumuko. Tumigil sila. Nanatili silang nakatayo na tulad ng estatwa na itinatayo si Xinghe.

"Ako na nga ang bahala sa bwisit na iyan!" Biglang tumakbo papalapit si Wushuang at nagpakawala ng flying kick sa tiyan ni Xinghe.

Nalukot ang mukha ni Xinghe sa sakit.

May suot na 8 centimeters na heels si Wushuang. Idagdag ang puwersa ni Wushuang, ang matalim na heel ay halos bumutas sa tiyan ni Xinghe.

Napayuko si Xinghe sa sakit, ang mga butil ng pawis niya ay tumulo na sa sahig.

Pero hindi siya kakikitaan ng takot sa kanyang mukha.

Itinaas pa nito ang kanyang ulo at pahamong tiningnan si Wushuang.

Nakita ni Wushuang ang walang hanggang kadiliman sa mga mata ni Xinghe. Ramdam pa niya ang pinapakawalan nitong panginginig.

Lalo siyang nagalit. Mas naging determinado siyang wasakin si Xinghe!

Nasulyapan ni Wushuang ang isang police baton. Kinuha niya ito at inihampas ito agad sa ulunan ni Xinghe…

Chapitre suivant