Nang maramdaman na niyang nasa kanyang mga kamay ang CD, agad na napayapa ang loob ni Xiao Mo.
Nagsumikap siyang tumayo at ng makatayo na siya, mayroong siyang nalasahang kalawang sa kanyang bibig.
Ito ang dugo na mula sa kanyang mga bagang dahil sa sobrang pagtangis ng kanyang mga ngipin.
Humigit ng malalim na paghinga si Xiao Mo at tinanaw ang direksyon ng pinuntahan ni Chui Ming. Pagkatapos noon ay binilisan na din niya ang pag-alis niya.
Kahit na ano ang mangyari, kailangang mairehistro niya ang kanilang software bago pa magsara ang panel…
Napapaisip siya kung ano na ang nangyari sa panig ni Xia Zhi, kung nahanap na ba nito si Xi Mubai.
Mas maayos ang mga bagay kay Xia Zhi.
Desperate times called for desperate measures. Tinawagan ni Xia Zhi ang kanyang senior na si Junting para direktang hingin ang numero ng telepono ni Mubai.
Matapos niyang matanggap ang tawag, agad na nag-utos si Mubai na dalhin sa kanya si Xia Zhi.
Sinundan ni Xia Zhi si Chang An sa isang marangyang break room. Nakaupo sa loob si Mubai na naghihintay sa kanya.
Ito ang unang beses na nagkaharap si Xia Zhi at Mubai.
Kalmadong nakaupo sa sofa ang lalaki, ang ekspresyon ay hindi mabasa. Kahit na alam niyang si Xia Zhi ang pinsan ni Xinghe, hindi siyia kumilos ng naiiba sa normal na kilos niya.
Tila baa ng taong nasa harapan niya ay isa sa kanyang mga tauhan o isang estranghero.
Nabalisa si Xia Zhi dahil sila ng ate niya ay naging marahas sa pagtanggi ng cheke ni Mubai noong nakaraang nag-alok ito ng tulong sa ospital.
Inisip niya kung sumama ang loob ni Mubai at tanggihan siyang tulungan nito.
Nagkaroon na ng agam-agam si Xia Zhi habang nakatayo siya. Hindi naisip ng kapatid niya na pumunta kay Mubai para humingi ng tulong kaya baka naman nagmalabis na siya.
Dahil diborsyado na sila. Walang responsibilidad si Mubai na tulungan sila. Mainam nga na hindi sila binibigyan nito ng kaguluhan hindi tulad ng ilang indibidwal na kilala ni Xia Zhi.
Pero masyado ng huli ang lahat para isipin ito ngayon.
"Magsalita ka, ano ba ang napakaimportante na kinailangan mo pang makiusap kay Junting para hanapin ako?" Tanong ni Mubai.
Sumagot si Xia Zhi ng nakabulong, "Mr. Xi, alam kong hindi kita dapat na inistorbo pero ikaw lamang ang tanging tao na makakatulong sa ate ko ngayon. Kaya pakiusap pakinggan mo ako."
Dumilim ang mga mata ni Mubai. "Xia Xinghe? Ano ang nangyari sa kanya?"
"Si Chui Ming at ang kanyang mga alipores ay inihabla siya ng libelo. Ngayon ay pinipiit siya ng mga pulis pero may importanteng gagawin ang ate ko ngayon, kailangang mailabas natin siya! Sa kasamaang-palad, wala kaming impluwensiya ng tulad sa iyo para palayain siya," mabilis na pagtatapos ni Xia Zhi at naghintay na rumesponde si Mubai.
Natatakot siya na tanggihan siya ni Mubai.
Ngunit hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Mubai. Nagtanong lamang ito, "Si Xia Xinghe ba ang nagsabi sa iyo na hanapin ako?"
"Hindi, ako ang nagkusang lumapit sa iyo."
Inisip ni Xia Zhi kung guni-guni lamang niya pero naniwala siyang napansin niya ang pagkabigo na mabilis na gumuhit sa mukha ni Mubai.
Nanatiling tahimik si Mubai. May pakiramdam si Xia Zhi na hindi niya makukuha ang hinihingi niyang tulong.
Nalungkot si Xia Zhi pero hindi naman ito maiiwasan, dahil wala namang obligasyon si Mubai na tulungan sila.
"Tapos ka na?" Biglang tanong ni Mubai.
Binuksan ni Xia Zhi ang kanyang bibig pero walang salitang lumabas. Nalaglag ang puso niya sa pinakailalim ng lupa.
Magalang siyang pinapaalis ni Mubai.
Hindi na nagtanong pa ng ibang detalye si Mubai kaya marahil ay hindi na ito makikigulo pa…
"Paumanhin sa pang-aabala ko sa iyo!" Tumalikod na si Xia Zhi para umalis. Hindi na siya nag-isip na ang pangungulit at pagmamakaawa ay makakapagbago pa ng isip ni Mubai.
Pero paano naman ang ate niya?
Mukhang silang dalawa na lamang ni Xiao Mo ang kikilos sa Hacker Competition.
Ang hindi alam ni Xia Zhi matapos siyang umalis sa silid, inutusan ni Mubai si Chang An, "Kontakin mo si Lawyer Kim at dahil siya sa istasyon ng pulis. Ilabas ninyo si Xia Xinghe doon kahit na ano ang mangyari."