Ang rason kung bakit nanghamon si Mubai ay para kumbinsihin si 001 na magtrabaho para sa kanyang kumpanya.
Mayroon siyang kaunting agam-agam tungkol sa genius status ni 001 pero naniniwala siya na mahusay itong talent. At ayaw niya na mapunta sa wala ang mga talentadong tao.
Sa ilalim ng ngalan ng Xi Empire, sigurado siyang tatanggapin ni 001 ang mapayapa niyang alok.
Puno ng kumpiyansa na naghihintay ng oo si Mubai mula kay 001.
Pero nasorpresa siya ng deretsahan siyang tinanggihan ni 001!
Not interested! Balik nito. Pagkatapos noon ay agad na umalis si 001 mula sa pag-uusap nila at winalis nito ang lahat ng digital footprints nito.
Agad na sinubukang mahanap ni Mubai kung saan ito pero nabigo siya.
Tinitigan niya ang 'Not Interested' na nakalagay sa kanyang screen, at pumintig ang labi ni Mubai sa inis.
Gaano ba kasama ang pangalan niya para makatanggap ng maraming pagtanggi nitong mga nakaraang araw?
Pero nasorpresa siya sa kakayahan ng 001 na ito. Sinubukan niyang hanapin ang katauhan nito sa maikling pag-uusap nila pero nabigo siya.
Isa nga marahil na genius si 001 dahil naharang nito ang lahat ng kanyang galaw.
Isa pa, si 001 ay may katapangang taglay tulad ng isang hermitanyong eksperto dahil sa pagtanggi nito sa kanyang alok kahit na alam nito kung sino ang kausap nito.
Ang tunay na mga henyo ay palaging mga kakaiba.
Pagkatapos ng maikling pag-uusap na ito, lalo lamang nagsumidhi ang interes ni Mubai kay 001…
Nakasimangot si Xinghe pagkatapos niyang mag-log out sa kanilang usapan.
Hindi niya akalaing makukuha niya ang interes ni Mubai.
Sinabihan niya ang sarili na mag-ingat sa hinaharap dahil ayaw na niyang magkaroon pa ng ano pang ugnayan kay Mubai. Sino mag-aakala na may iba pa pala itong paraan para mahanap siya.
Mukhang hindi na magandang ideya na gamitin ang forum para maghanap ng pagkakakitaan.
Hindi naman talunan ang pakiramdam ni Xinghe. Kung wala siyang mahanap na solusyon ngayon, mayroon pa namang bukas.
Hindi niya akalain na may mangyayari na magpapagalit ng husto sa kanya kinabukasan!
Pagkatapos nilang lumipat sa villa, naging masiyahin na si Xia Zhi. Noong araw na iyon, gusto niyang magluto para sa kanyang pamilya kaya umalis siya ng bahay ng maagang-maaga.
Dapat ay nakabalik na siya sa oras ng almusal.
Inihanda na ni Xinghe ang kanilang agahan at ang parte nito ay nasa mesa, naghihintay hanggang sa ito ay tuluyan ng lumamig.
Halos tanghalian na pero hindi pa din ito dumarating.
Nag-aalala na si Chengwu, "Bakit hindi pa dumadating si Zhi galing sa palengke?"
"Tatawagan ko siya para tanungin," pagpapayapa ni Xinghe sa nag-aalalang tiyuhin. Tinawagan niya si Xia Zhi at nasagot ito pagkatapos ng ilang ring.
Ang kakaibang boses ni Xia Zhi ay nagsalita sa kabilang linya, "Ate, napatawag ka?"
Pamilyar na si Xinghe sa mga palusot ni Xia Zhi. Alam niyang may hindi magandang nangyari ng marinig niya ang boses nito.
"Nasaan ka, bakit hindi ka pa umuuwi galing sa palengke?"
"Tama, nakalimutan ko sabihin sa iyo na nakatanggap ako ng tawag kaninang umaga mula sa lecturer. Gusto niya akong katagpuin sa paaralan. Anyway, mayroon pa akong gagawin kaya huwag na ninyo akong hintayin," rinig ni Xinghe ang pekeng saya sa boses nito. Hindi siya naniniwala sa sinasabi nito.
"Nasaan ka?" deretsahang tanong niya, hamon dito para magsinungaling ulit.
Nanghihinang sumagot si Xia Zhi, "Sa may residential compound gate…"
"Got it." Ibinaba na ni Xinghe ang telepono at sinabi sa kanyang tiyuhin, "Tiyo, may ginagawa daw si Zhi sa paaralan dahil sa kurso niya, ipinasasabi na huwag na daw natin siyang hintayin. Ibibilli kita ng gusto mong kainin, ano ang gusto mo?"
Ang matapat na si Chengwu ay hindi nag-isip na siya ay nagsisinungaling. "Kakainin ko kung ano man ang mabili mo." Sagot nito.
"Sige po, magpahinga na muna kayo. Tatawagin ko na lamang kayo pagbalik ko."
"Sige, mag-iingat ka. Huwag ka masyadong bumili ng marami, dadalawa lang tayo dito, huwag mo pahirapan ang sarili mo na maraming bitbitin…"