Pagkatapos lisanin ni Xinghe ang ospital, pumunta siya sa malapit na internet café.
Ginamit niya ang natitira nilang pera para rentahan ng maraming oras ang isa sa mga kwarto doon.
Maliban sa pagbabasa, ginamit ni Xinghe ang iba pa niyang oras na nasa ospital sa paghahanap ng paraan kung paano kikita ng pera.
Ngayong panahon na ito, kahit na ang pagkita ng pera online ay nagkaroon ng iba-ibang paraan.
Halimbawa, madaming kumpanya ang nag-aalok ng pera bilang pabuya sa mga hacker kung kaya nilang matukoy ang mga kahinaan ng kanilang security programs.
Babayaran nila ang hackers sa kung gaano kalaki at gaano kadami ang kahinaang kanilang makikita.
Hindi lamang iyon, may ilang organisasyon ang nagtatakda ng mga hacking competition na may pabuyang pera sa mga espesyal na okasyon…
Sa ganitong paraan, nakakita ng mga pagkakataon si Xinghe para gamitin ang kanyang talento sa pagkita ng pera.
Ang orihinal niyang plano ay isa-isahin ang mga ito pero dahil sa sitwasyon nila ngayon ay kinailangan na niya itong isagawa agad-agad.
Maaaring magkaroon ng hindi magandang dulot ito pero wala na siyang oras para mag-alala pa rito.
Kailangan niyang kitain ang 300000 RMB sa loob ng isang gabi.
Naniniwala siyang kaya niya itong kitain ngunit magdudulot ito ng pinsala sa kanyang mental na kalusugan.
Hindi sana niya ito gustong gawin dahil kagagaling lang niya pero wala na siyang ibang pagpipilian pa.
Ang internet café na pinuntahan ni Xinghe ay may kamahalan pero maganda ang lokasyon at may mga amenidad malapit doon na alam ni Xinghe na hindi isasara sa gitna ng gabing kailangan niya.
Isa pa, ang serbisyo sa mga pribadong silid ay nangangahulugang walang iistorbo sa kanya.
Habang nagsisimula ng mabuhay ang computer screen, lumagok ng tubig si XInghe at isinubsob na ang sarili sa IT world na dati ay kaisa siya…
"Ding!" Isa itong message alert na nag-aanunsyo sa gumagamit na may bagong mensahe sa kanyang inbox.
Agad na binuksan ni Xia Zhi ang kanyang telepono. Ang mensahe ay mula sa kanyang bangko.
May incoming transaction na nagkakahalagang 5000 RMB!
30 minuto pa lamang nakakaalis si Xinghe at mayroon na agad karagdagang 5000 RMB sa kanyang account.
Nahihirapang pigilan ni Xia Zhi ang kanyang kagalakan at kuryusidad.
Ano ang ginagawa ng kanyang ate para mabilis na pumasok ang pera?
Naiipit si Xia Zhi sa pag-aalala at kagalakan.
Inilaan niya ang mga nalalabing oras na nakatingin sa kanyang telepono, natatakot na baka hindi niya agad mabasa ang mga parating na mensahe.
Wala pa ulit 30 minuto, isa na namang mensahe ang dumating na nagsasabi na may parating na pera sa kanyang account.
Pagkatapos noon, nakakatanggap siya ng mga bagong transaksiyon makalipas ang 30 minuto o 1 oras.
Ang mga pera ay nagkakahalaga ng ilang libo o ilang sampung libo.
Ninenerbiyos na si Xia Zhi.
Ang pera sa kanyang account ay unti-unting lumalaki…
Hanggang sa narating nito ang kailangang halaga, kaya nagmamadali siyang nagpunta para bayaran ang operation fees. Ang misyon ni Xinghe para sa gabing iyon ay naging maganda ang simula.
Ngunit nag-aalala pa din si Xia Zhi dahil wala pa siyang natatanggap na personal na update mula sa kanya.
Nadagdagan pa ang pag-aalala niya dahil hindi niya alam kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa niya.
Isang parte ng isip niya ay nag-aalala din na baka gumagawa na siya ng illegal.
Ang pinanghahawakan lamang niya ay isang pangako na hindi siya gagawa ng kaestupiduhan at hindi magpapadalos-dalos.
Ipinagdarasal niya ang kaligtasan niya at matiyagang naghintay sa kanyang pagbabalik. Iyon lamang ang kanyang magagawa at iyon din ang hiniling nito sa kanya.
Habang kumikita ng pera si Xinghe, hindi nagpahinga si Xia Zhi. Lumalaban siya sa paraang alam niya, ang ipagbunyi ang mga ginagawa ni Xinghe kahit na pisikal silang magkalayo.
Hindi na niya alintana ang mga alerto ng kanyang telepono dahil buong loob siyang naniniwala na magagawa ni Xinghe ang gusto nitong gawin.
Ang kanyang pag-aalala ay napalitan ng kapayapaan dahil sa kanyang pananalig kay Xinghe…