"Mayroon pa ho ba kayong ipag-uutos, CEO Xi?" humarap si Chang An upang magtanong.
Bahagyang nagkabuhay ang madilim na mata ni Mubai ng siya ay nagtanong, "Kumusta ang pisikal na kondisyon ni Xinghe??"
Pinag-isipang maigi ni Chang An ang pangyayari at matapat na sumagot. "Mukha pong nanghihina ang pisikal na aspeto ni Ms. Xia ngunit maayos naman po ang kanyang mentalidad. Siya po ay mahinahon at matiim po ang kanyang mga mata habang kami ay nag-uusap. Maaari hong maigi na siya."
Napayapa ang kalooban ni Mubai. "Salamat, makakaalis ka na."
"Yes."
Pagkaalis ni Chang An, tinitigang maigi ni Mubai ang ibinalik na cheke. Kinukunsensya siya at pakiramdam niya ay kailangan niyang bumawi kay Xinghe.
Siguro ay dapat niyang i-clear ang kanyang schedule, at ibigay ito ng personal sa kanya.
Sinabi ni Xinghe na ayaw nito sap era niya pero para kay Mubai, ang perang ito ay nararapat talaga para sa kanya, at ayaw niyang magkaroon siya ng utang na loob dito.
Matagal itong pinag-isipan ni Mubai bago siya nakapagpokus sa kanyang trabaho.
Sa kabilang banda, si Xinghe ay hindi tinigilan ni Xia Zhi hanggang hindi siya pumapayag na mabalik sa ospital.
Kinulit siya ni Xia Zhi na magpasuri ng buong katawan. Ginawa na nito ang lahat, nagmamakaawa at nananakot pa pero walang epekto hanggang sa…
"Sis, kapag hindi ka pa rin pumayag na pumunta sa ospital, tatawagan ko si Xi Mubai at hihingin ko sa kanya ang isang daang milyon. Alam kong ang pagtanggi mo na magpadala sa ospital ay dahil sa problema natin sa pera kaya makakatulong ang chekeng iyon!", pananakot ni Xia Zhi.
Hindi napigilan ni Xinghe ang tumawa.
Tumayo na siya mula sa higaan at sumusuko na, "Sige, panalo ka na. Pupunta ako sa ospital sa isang kondisyon."
Masayang sumang-ayon si Xia Zhi. "Yes! Sige, sabihin ang kondisyon!"
"Kapag ayos na ang katawan ko ayon sa resulta, hindi mo na ko kukulitin kung gusto ko manatili sa bahay, ayoko ng amoy ng ospital."
Mabilis na tumango si Xia Zhi. "Oo, pangako!"
Ang kanyang agarang misyon ay madala ang kanyang ate sa ospital. Makakapaghintay ang iba pang mga problema.
Nagmamadaling inempake ni Xia Zhi ang kanilang overnight bags, at sinamahan si Xinghe sa ospital.
Bumalik si Xinghe sa ospital na tinakasan niya kahapon. Bahagya siyang pinagsabihan ng mga doctor at nurse na nakakilala sa kanya.
Tinanggap niya iyon ng may ngiti, at nagsitigil na ang mga ito.
Maayos na ang katawan ni Xinghe pagkatapos ng pagsusuri, ngunit gusto ng doctor na manatili si Xinghe sa ospital ng ilang araw upang maobserbahan siya.
Ang pananatili sa mamahaling ospital na iyon ay siyang magbibigay ng malaking butas sa kanilang wallet.
Ayaw aminin ni Xinghe pero nagpaplano na siyang umuwi ng araw na iyon. Hindi naman sa hindi niya iniingatan ang sariling katawan ngunit ayaw niyang maging pasanin pa ng pamilya ng kanyang tiyuhin.
Naiipit siya sa nag-uumpugang bato dahil alam niyang kailangan niyang maging malusog bago siya makalabas at makapagtrabaho.
Ngunit heto siya, nakahiga sa ospital ng may swero at siya ay nakokonsensiya at nagagalit sa sitwasyon.
Maayos niya itong matatanggap kung hindi niya naaalala ang lahat, ngunit ngayong nakuha na niya ang lahat ng alaala niya ay nagagalit siya dahil sa wala siyang magawa.
Kung maaari lamang sana na tanggalin na niya ang swero at agad na maghanap ng trabaho.
Gaya ng kasabihan, hindi lahat ay mabibili ng pera, ngunit may mga bagay na kailangan ay mabibili at mapapatakbo ng pera.
At ramdam ni Xinghe ang limitasyong iyon dahil sa kakulangan ng salapi…
Kahit si Xia Zhi ay matiyagang naghahanap ng pagkakakitaan. Kahit sa ospital ay nagta-type ito sa kanyang apat-na-taong laptop.
"Ano ang ginagawa mo?", tanong ni XInghe.
Inialis ni Xia Zhi ang mga mata sa screen at ngumiti. "Gumagawa ng freelance work. Humingi kasi ng tulong sa akin ang aking senior sa pagsulat ng software program. Magkakaroon tayo ng 300 RMB pag natapos ko ito."
Bahagyang kumislap ang mga mata ni XInghe. "Babayaran ka agad kapag tapos na ang trabaho?"
"Yup, alam ng senior ko na ito ang sitwasyon natin kaya palagi siyang nagbabayad agad. Sa totoo lang, gusto nya akong bigyan ng isang proyekto na nagkakahalaga ng 2000 RMB pero masyado itong mahirap at kailangan niya ito sa loob ng dalawang araw. Gumagawa ako ng mensahe para sabihin sa kanyang hindi ko ito magagawa."