webnovel

Mabilis na progreso

Éditeur: LiberReverieGroup

Hindi kayang suportahan ng kumpanya ang mga magagaling na empleyado at hindi rin sila pwedeng kumuha ng mga walang karanasan na mga tauhan. Ang mga taong tulad niya ang hinahanap nila.

Makikita sa resume ng babae na siya ay matiyaga at mahusay sa kanyang trabaho. 

Sinenyasan ng tingin ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan. Napa-ubo muna si Ye Mu Fan bago kausapin si Yao Jia Wen: "Nice to meet you. Miss Yao, ba ang pangalan mo? Nabanggit ka sa akin ng kaibigan ko."

Mabilis na sumagot si Yao Jia Wen, "Ikaw po si… Chairman Ye? Kagabi, nakasalubong ko ang kaibigan mo at binigay niya sa akin ang calling card mo. Pero ayoko sanang tawagan ka na lang bigla kaya dumeretso ako sa kumpanya niyo para sa interview…"

Tumango si Ye Wan Wan. "Mag-usap lang kayong dalawa."

Maraming katanungan si Ye Mu Fan kay Yao Jia Wen at ang bawat tanong niya ay nasagot niya ng maayos.

Pagkatapos ng sampung minuto, tumango si Ye Mu Fan dahil natuwa siya sa mga naisagot ni Yao Jia Wen, at pagkatapos ay tiningnan niya si Ye Wan Wan. "Ano sa tingin mo, Boss?"

"Okay lang, maayos naman. Kung wala nang problema, pwede ka nang magsimulang magtrabaho bukas," sagot ni Ye Wan Wan.

Walang masabi si Yao Jia Wen at makikita na nangangamba siya.

"Ano iyon, may problema ba?" Tanong ni Ye Mu Fan.

Mukhang malungkot at hiyang-hiya si Yao Jia Wen. Nangangamba siya nang tanungin niya si Ye Mu Fan, "Ah… pwede ba na… pwede ko bang i-advance ang sweldo ko ng tatlong buwan…"

Hindi pa nga siya nagsisimulang mag-trabaho pero gusto niya nang makuha ang tatlong buwan niyang sahod. Hindi papayag ang kahit anong kumpanya sa kagustuhan niya.

Makikita naman sa itsura ni Yao Jia Wen na matagal na siya sa industriyang ito, kaya dapat alam niya ang patakaran na ito. Siguro wala na siyang choice kung hindi sabihin ang request niyang ito.

Agad na sumagot si Ye Mu Fan, "Susundin ko ang requst mo kung matagal ka nang nagta-trabaho dito. Per hindi ka pa nagsisimula at nagre-request ka na ng advanced pay… anong rason mo para sabihin ito?" 

Lalong nahiya si Yao Jia Wen. "Pa… pasensya na. Alam ko na walang rason para mag-request ako… nilaan ko kasi ang lahat ng pera ko sa aking trabaho para tulungan ang mga trainees namin noon… hindi ako nakapag-ipon ng ilang taon… umalis rin ako sa trabaho ko at biglang nagkasakit ang papa ko…"

"Ah, naaawa ako sayo, pero hindi ito salungat sa procedures ng kumpanya…"

Kung nangyari ito noon, binigyan siguro siya ng pera ni Ye Mu Fan kapag nakita ng lalaki ang nakakaawa niyang itsura. Ngunit ngayon, kailangan niyang unahin ang kumpanya at makikita na mas naging mature na si Ye Mu Fan.

Nag-isip muna si Ye Mu Fan bago siya humarap kay Ye Wan Wan. "Boss, ano sa tingin mo?"

Nakita ni Yao Jia Wen na tinanong ni Ye Mu Fan si Ye Bai. Focused siya habang pinapanood niya ang pangyayaring ito.

Hindi ba't si Ye Mu Fan ang boss ng kumpanyang ito?

Bakit nanghihingi ng permiso si Ye Mu Fan kay Ye Bai?

Makikita rin kay Ye Mu Fan na natatakot siya kay Ye Bai...

Sumagot si Ye Wan Wan, "Okay lang. Papuntahin mo siya sa finance department para makuha niya ang salary niya bukas."

Tatlong buwan na sahod para sa isang mahusay na empleyado. Pwede na rin ito.

Huminga ng maayos si Yao Jia Wen at masaya niyang sinabi, "Salamat, salamat Director Ye. Salamat Chairman Ye!"

Ye Wan Wan: "Hindi mo kailangang magpasalamat. Sapat na ang kakayahan mo para gawin namin ang request mo."

Biglang napatahimik si Yao Jia Wen at nagulat siya. Sinabi ni Ye Bai na pumayag siya hindi dahil naaawa siya, pumayag siya dahil sa abilidad ni Yao Jia Wen. Sa salitang iyon, nawala ang kahihiyan at kinilala ni Ye Bai ang kanyang mga kakayahan.

Yao Jia Wen: "Salamat…"

Chapitre suivant