webnovel

Malakas ang loob pero imbalido

Éditeur: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang nilalaman ng resume ng babae.

Yao Jia Wen, 24 taong gulang. Ang employer niya noon ay ang Wisdom Media, at siya ay naging manager ng mga artista na ⅔ ang rating.

Bata pa ang itsura ng babae pero anim na taon na siyang nasa industriya. Nagtrabaho siya bilang part-time intern habang nag-aaral pa siya sa university, pagkatapos ay umangat siya bilang isang assistant hanggang sa maging manager na siya. Mukhang mapagkakatiwalaan ang babaeng ito.

At tsaka, kinaya niyang mag-alaga ng mga two-third rate na mga artista gamit ang mga resources na pinaglaban niya sa Wisdom, isang competitive na kumpanya. Ang ibig sabihin nito ay marunong siya sa larangan niya.

Makikita sa resume niya na hindi mapalad ang pamilya nila pero handa siyang magtrabaho ng maigi. Anim na taon siyang nagtrabaho upang makarating sa mataas na posisyon, ang ibig sabihin nito at kinailangan niyang maghirap sa trabaho ng maraming beses kumpara sa isang normal na tao.

Kakasimula pa lamang ng kumpanya ni Ye Wan Wan at kailangan niya ng ganitong mga empleyado...

Inabot ni Ye Wan Wan ang resume kay Yao Jia Wen at naisipan niyang testingin niya ito, "Miss Yao, pasensya na pero nakita ko ang resume mo ngayon lang. Kaya matanong lang kita - naghahanap ka ba ng trabaho?"

Tumango si Yao Jia Wen. "Opo…"

"Nakita ko na nagtrabaho ka noon sa Wisdom Media. Maayos na kumpanya ng industriya ang Wisdom, kaya bakit ka nag-quit?" Tanong ni Ye Wan Wan.

Pilit na ngumiti ang malungkot na si Yao Jia Wen. "Tinanggal ako, competitive ang kumpanya na pinasukan ko. Resulta ang hinahanap ng kumpanya at tanggal kami kapag hindi kami naka-quota."

"Miss, naiintindihan mo na naiitindihan mo kung paano ang daloy ng industriya at totoo nga na matindi ang sistema. Mahirap kumita sa industriya kung wala kang pera o koneksyon… anim na taon akong nagtrabaho sa Wisdom pero sa huli, inabandona na rin ako…"

Makikita ang lungkot at sobrang pagkapagod sa mukha ni Yao Jia Wen.

Naiintindihan ni Ye Wan Wan ang pinagdadaanan ni Yai Jia Wen. Masyadong masahol ang industriya. Kahit na mahusay kang magtrabaho, kung wala kang pera o koneksyon, hindi ka pa rin makikilala kahit lumipas pa ang sampo hanggang dalawampung taon. Maraming tao na ang sumuko at nag-iba ng careers.

"Naisip ko kung alam ba ni Miss Yao ang kumpanya na Age of Immortals?" Tanong ni Ye Wan Wan.

Nag-isip muna si Yao Jia Wen bago sumagot, "Nabalitaan ko na ang pangalan na yan. Iyon ba ang bagong kumpanya?"

Tumango si Ye Wan Wan. "Oo, kung interesado ka Miss Yao, pwede mong subukan na mag-apply doon. Naghahanap sila ng mga managers doon."

Pinahatid na ni Ye Wan Wan ang job posting sa posisyon na ito at nagsimula na siya sa proseso ng hiring, noong kinausap niya si Ye Mu Fan tungkol dito.

Hindi makapagsalita si Yao Jia Wen. "At ikaw naman si?"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Ang kaibigan ko ay nagta-trabaho sa kumpanya na iyon bilang director ng talent recruitment department. Nabalitaan ko na hiring sila ngayon at napansin ko na ang resume mo ay tugma sa requirements, kaya nabanggit ko sayo kung alam mo ba ang kumpanya na iyon. Tawagan mo siya kung interesado ka."

Inabot ni Ye Wan Wan ang business card ni Ye Bai kay Yao Jia Wen.

"Ganito iyon," tinanggap ni Yao Jia Wen ang card kay Ye Wan Wan at emosyonal niyang sinabi, "Miss, ang laki ng pasasalamat ko sayo. Salamat. Panigurado na susubukan kong magtrabaho dito!"

Ilang beses siyang pinasalamatan ni Yao Jia Wen bago siya umalis.

Pagkatapos ng pangyayaring ito, nakabili na ng digestive pills si Si Ye Han. Tiningnan niya ang babae na umaalis. "Sinong kausap mo?"

"May nakilala akong babae at nakita ko ang resume niya sa lapag. Noong tinulungan ko siyang tumayo, napagtanto ko na nagta-trabaho rin pala siya sa entertainment industry. Maayos naman siya kaya sinubukan ko siyang i-hire! Ah, tingnan mo ako, ganito na suot ko pero hindi ko pa rin kinakalimutan ang trabaho ko. Ito ba ang masasabi mo na desedido kahit hindi na makagalaw?" Bumuntong hininga si Ye Wan Wan.

Walang masabi si Tang Tang. Maling kasabihan na naman ba ang ginamit ni Mommy?

Hm, mali pala. Parating tama si Mommy. Kahit na mali siya ay tama pa rin siya!

Tahimik na tiningnan ni Si Ye Han ang babae na nasa harapan niya at inabutan niya ito ng bote ng tubig at pills. "Inumin mo na ang gamot mo."

Nag-aalala siyang nagtanong kay Ye Wan Wan pagkatapos niyang magsalita, "Uminom ka pa ng maraming tubig."

Ang babaeng ito… kahit ano pa ang itsura niya… nag-aalala pa rin ako para sa kanya...

Chapitre suivant