Matapos makabalik sa Little Rose Garden, pinatawag ni Ye Wan Wan ang grupo para sa maliit na pagpupulong.
Tiyak niyang sinabi na sa China, isa siyang businessman na kailangan sumunod sa batas. Hindi siya basta-basta makikipaglaban o papatay.
Nalubay si Ye Wan Wan nang makita ang lima na sinulat iyon sa maliit nilang kwaderno.
Rinig ang makina ng sports car mula sa labas. Natapos na ang pagdiriwang ni Si Ye Han at nakabalik na sa bahay.
Dahil kay Tangtang, kinausap ni Ye Wan Wan si Si Ye Han. Pumayag siya na susubukan niyang pumunta gabi-gabi sa Little Rose Garden para magpaggap sila na isang pamilya.
Buti na lang, hadang tumulong si Si Ye Han sa kanya.
"Ah-Jiu, nakabalik ka na!"
Tinignan ni Ye Wan Wan si Xu Yi, na nasa likod ni Si Ye Han. May hawak siyang iilang mga bag.
Tinignan iyon ni Ye Wan Wan at napansin na may mamumulaklaking mga laruan. "Oh, saan galing ang mga iyan?"
"Niregalo ni Xie Zhezhi," sagot ni Si Ye Han.
Nagulat at hindi makaimik si Ye Wan Wan.
Talagang si Xie Zhezhe. Hindi ko inakala na sobrang mapagbigay ng megastar Xie.
Gustong sabihin ni Ye Wan Wan na maliit na bahagi lang ang galing mula sa megastar habang ang iba ay kinuha ng 9th master pero hindi niya nagawang sabihin iyon...
Napansin ni Si Ye Han na gabi na pero gising pa si Ye Wan Wan, kaya tinanong niya, "Bakit hindi ka pa tulog?"
Umiling si Ye Wan Wan, "May gumawa ng gulo sa lugar ng pagfilm namin pero wala, ayos naman na ang lahat!"
Pinagpasyahan ni Ye Wan Wan na paikliin na lang ang istorya.
Maya-maya, niyapos ni Ye Wan Wan ang braso ni Si Ye Han at sabi, "Hey, may mga tao dito sa bahay na kailangan ng rehabilitasyon. Masyado silang mapusok at agresibo kapag aayusin nila ang isang bagay. Paano sila tumitigil kapag nag-umpisa na silang makipaglaban?"
Tinignan siya ni Si Ye Han na hindi mabasang itsura.
Kumurap si Ye Wan Wan. "Ano? May nasabi ba akong mali?"
Si Ye Han: "Wala. Basta maalala mo ang sinabi mo ayos lang."
Naguluhan si Ye Wan Wan. Bakit kakaiba ang sinabi niya?
"Nasaan si Tangtang?" kaswal na tanong ni Si Ye Han.
"Natutulog na!" sagot ni Ye Wan Wan habang hinila niya si Si Ye Han para umupos sa sofa. "Ah-Jiu, may kailangan pala akong sabihin sa 'yo…"
Si Ye Han: "Ano iyon?"
Inosenteng kumurap si Ye Wan Wan at sabi, "Masyado tayong abala sa trabaho. Tingin mo ba parang masyadong nalulumbay si Tangtang kapag mag-isa lang siya sa bahay?"
Sumulyap si Si Ye Han sa kanya, "So?"
"Hehe, bigyan natin ng alagang hayop si Tangtang! Nalilinang ng mga alaga ang pagmamahal ng mga bata at pwedeng kasama lagi ni Tangtang, hindi ba maganda?" sabik na pagmungkahi ni Ye Wan Wan.
Sumagot si Si Ye Han, "Anong klaseng hayop ag gusto mo? Ipapabili ko na kay Xu Yi para sa 'yo."
Umiling si Ye Wan Wan, "Hindi na, hindi na. Hindi naman natin kailangan maging abala masyado. Hindi ba may hayop na tayo?"
Natahimik si Si Ye Han at sumimangot habang nakatingin sa kanya.
Agad na nagpatuloy si Ye Wan Wan, "Mayroon tayo si Great White! Bakit hindi mo dalhin si Great White dito para samahan si Tangtang! Paniguradong magugustuhan iyon ni Tangtang!"
Si Ye Han: "…"
Buong galak na sinabi ni Ye Wan Wan, "Sobrang cute ni Great White at masunurin at maamo! Gaano na lang kaganda kung masasamahan niya si Tangtang! Hindi ba maganda ang ideya ko?"
Si Xu Yi, na tahimik inaayos ang mga bagay: "..."
Talagang gusto mo si Si Lu Te bilang alaga?
Miss Wan Wan… Naintindihan mo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang "maamo"?
Naramdaman niya na hindi papayag sa katawa-tawang hiling ang 9th master...
Si Ye Han: "Xu Yi, ihanda mo na ang Great White."
Xu Yi: "Opo!"