webnovel

Ano naman kung apelyido mo ay Nie?

Éditeur: LiberReverieGroup

Nagtataka ang mga mersenaryo habang tinitingnan nila ang isa't isa. Ano naman kung ang apelyido mo ay Nie?

"Mga tao ba kayo? Bakit niyo papatayin ang isang bata?! Wala kayong mga konsensya, huh!" sinigawan ng lalaking may mahabang buhok ang mga mersenaryo.

Hindi sumagot ang mga mersenaryo at naguguluhan ang utak nila kung papatayin ba talaga nila ang batang may edad na apat o limang taong gulang, hindi nila alam kung parte ba ito ng misyon.

Isa sa mga mersenaryo ang humarap kay Si Ming Li na nasa video at kanyang sinabi, "Mr. Si, kausapin muna namin ang kapitan."

"Anong sinabi mo?!"

Galit na galit si Si Ming Li. Siya ang nagbigay sa kanila ng misyon kaya siya lamang ang may awtoridad para utusan ang mga mersenaryo na ito!

"Kailangan naming alamin ang abiso ni Tang Long." inulit ng mersenaryo.

"May sinagot na tawag si Tang Long. Hindi pa siya bumabalik!" naiirita na si Si Ming Li.

"Hihintayin naming bumalik si kapitan Tang Long."

Hindi matawagan si Tang Long kahit na sinusubukan ng mga mersenaryo na tawagan siya.

"Hayaan niyo na nga, pa. Tinapos na nila ang kanilang misyon. Dalhin natin ang sarili nating mga tauhan para gawin ang misyon na ito," sinabi ni Si Yi Qian na nasa tabi ni Si Ming Li.

Pinag-isipan muna ni Si Ming Li ang sinabi ni Si Yi Qian at tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Si Yi Qian.

At tsaka, hawak na niya si Ye Wan Wan at kaya na niyang gawin ang kahit anong gusto niya, ayaw niyang mangialam pa ang mga mersenaryo.

May tinawagan kaagad si Si Ming Li. Ang confidant niya ay nagpadala ng ilang mga kalalakihan na nakasuot ng itim upang pumunta sa kulungan.

Walang masabi ang mga mersenaryo nang makita nila ang mga kalalakihan na ito. Ang misyon nila ay dakipin ang babae at patayin siya kapag nanlaban siya. Dinala na nila si Ye Wan Wan sa kulungan kaya kung iisipin nila ng maigi, ang misyon nila ay tapos na.

Tiningnan ng confidant si Si Ming Li at kanyang sinabi, "Master, utusan mo na po sila."

"Patayin niyo ang lahat, maliban kay Ye Wan Wan." sabi ni Si Yi Qian.

"Kahit ang bata?" tiningnan ng confidant ang bata na malapit lamang sa kanila.

"Ang bawat isa na nasa kulungan pero maliban kay Ye Wan Wan." sabi ni Si Ming Li.

"Noted. Hindi mo na kailangang mag-alala pa master!"

Ngumiti ang confidant. Tiningnan niya ang bawat isa na nasa kulungan at bigla siyang ngumiti.

"Mga walang kwenta. Subukan niyo kaming kalabanin kung kaya niyo!" sabi ng lalaking balbas sarado.

Sumabad ang lalaking may mahabang buhok: "Hindi kayo pakakawalan ng buhay ni master kapag hinawakan niyo kami!"

"Haha, gusto niyo na yata mamatay, ah!" Natawa si Si Ming Li. "Master? Tinutukoy mo ba ang babaeng ito?"

Galit na galit ang lalaking may mahabang buhok at ang lalaking balbas sarado nang marinig nila iyon, dahil hindi nila alam kung ano ang iniisip ng kanilang master.

Limitado ba ang kakayahan ng Rosas ng Kamatayan? Matagal na panahon na ang lumipas sa paghahanap nila ng malakas na kasabwat...

"Hahahaha… sasabihin ko sayo ang katotohanan. Tatlong beses ang dami ng seguridad ng kulungan na ito kung ikukumpara sa dark chambers ng Si family. Kahit ang langaw ay mahihirapan na makaalis dito, kaya bagalan natin at huwag natin itong madaliin. Ikaw na ang susunod. Pahalagahan niyo ang oras na ito at isipin niyo na kung ano ang mga huling salita niyo, bago pa kayo mamatay!"

Pagkatapos magsalita, aroganteng humarap ang confidant sa kanyang mga tauhan. "Gawin niyo na. Unahin niyo na ang bata."

"Papatayin ko ang tatay mo!" Umangal ang lalaking balbas sarado nang makita niya na hindi nila papakawalan ang isang paslit. Makikita ang takot sa kanilang mga mata dahil dito.

Sila na ang susunod na papatayin, pagkatapos patayin ng mga kalalakihan na ito ang batang paslit. Ito na ba ang magiging kamatayan nilang dalawa?

Mahihirapan silang makawala sa lugar na ito kahit na may pakpak sila, dahil maraming guwardiya, mga eksperto at kahit ang mga mersenaryo ay nandito rin...

Sa pagkakataon na iyon, bumalik na si Tang Long na may suot na kulay ginto na salamin.

Chapitre suivant