webnovel

Sana ay nasa pamilya ko na lang ikaw

Éditeur: LiberReverieGroup

Nang makita ng bata na nanahimik ang grupo ng mga mersenaryo, tiningnan ng batang lalaki ang tato na nasa gilid ng leeg ng isa sa mga tauhan at bumulong siya sa sarili niya, "Noise of Dragons mercenary group…"

Nabigla ang mersenaryo nang marinig niya iyon. Paano malalaman ng batang may edad na apat o limang taong gulang ang simbolo ng Noise of Dragongs mercenary group?

Mali yata ang pagkakarinig ko sa sinabi ng batang ito...

Ayon sa kanilang imbestigasyon, walang bata sa loob ng bahay, kaya paano sumulpot na lamang bigla ang batang ito...

Kung paano man ito nangyari, mas mainam nang itago nila ang kahit anong ebidensya ng kanilang magdakip kay Ye Wan Wan. Kailangan nilang dalhin rin ang batang ito sa kanila.

Agad na hinablot ng mersenaryo ang bata at hinagis niya ito aa loob ng kotse.

Hindi siya sigurado kung natakot o na-traumatize ang batang lalaki, pero ang batang ito ay nanahimik lamang at hinayaan niya na itapon siya ng mersenaryo sa kotse.

Sa isang lugar na liblib, may dalawang tao na handa nang umatake. Gayunpaman, bigla silang umalis nang makita nila ang mga mata ng bata at bumalik sila sa tinataguan nila.

"Kapitan, may nakita akong batang lalaki. Bigla siyang sumulpot sa may bakuran ng biglaan…"

Noong una, gusto pang tanungin ng mersenaryo kay Tang Long kung anong gagawin niya, ngunit umupo na ito sa harapan na upuan ng kotse habang nagtatanong siya, pinatakbo na ni Tang Long ang kotse at nasubo ng mersenaryo ang napakaraming alikabok.

Nabigla si Ye Wan Wan nang makita niya ang bata na hinagis sa loob ng kotse.

Ako dapat ang dadakpin ng mga ito 'di ba? Bakit kinuha rin nila ang batang ito?

Hindi pa ako nakarinig ng mga mersenaryo na mga kidnappers at nag-eextort...

At tsaka, mukhang hindi naman ito gagawin ng tulad ni Tang Long.

Ano… ano naman ang meron sa batang ito?

Nagiisip ng mabuti si Ye Wan Wan. Mabilis na napukaw ang atensyon niya sa batang lalaki na ito.

Ang bata ay may suot na sapphire blue little suit na may pink bow tie. Maayos ang posture niya at napakaganda ng phoenix na mga mata niya. Medyo nakagilid ang kanyang mga mata at makikita ang kataasan at pagka-arogante sa kanyang mga mata. Matangos ang ilong niya at manipis ang kanyang labi kaya napakagara at nakakaakit ang kanyang mukha.

Kakaiba ang ugali ng batang ito kung ikukumpara sa isang ordinaryong bata. Napakagara ng kanyang buhok na halatang isang mayaman na pamilya ang nag-aalaga sa kanya...

Nyeta! Kayang gumawa ng kaguluhan ng batang ito kapag lumaki na siya...

Anong klaseng mataas pa sa langit na genes ang gumawa sa bata na ito, huh?

Uh, saglit lang...

Tinitigan pa ni Ye Wan Wan ang bata at namangha siya. Maliban pa sa napakaganda niyang damit, parang pamilyar sa kanya ang batang ito, para bang nakilala niya na ito noon...

Nagulat si Ye Wan Wan dahil kalmado ang batang ito at malumanay siya pagtapos siyang itapon sa loob ng kotse.

Habang sinusuri ni Ye Wan Wan ang bata, tinitingnan din siya nito.

Napansin ni Ye Wan Wan na nakatingin sa kanya ang baga. *cough* "Anong apelyido ng pamilya mo? Bakit dinakip ka rin nila?"

Lumaki ang mga mata ng bata. "Hindi mo ako kilala?"

Napakurap si Ye Wan Wan. "Huh? Kilala ba natin ang isa't isa?"

Habang tinitingnan ko siya, parang lalo siyang nagiging pamilyar sa akin...

Tiningnan siya ng bata at lalong sumama ang tingin nito sa kanya. "Anong apelyido ng pamilya ko?"

Yung tanong...

Kakaiba ang tanong na ito, tama?

Nagtataka si Ye Wan Wan. Pero… wow! Ang… ang cute! Mas cute siya kapag naiinis siya!

Yung mga kamay ko...

Bakit hindi ko ito makontrol…

Saglit lamang!

Lalong dumilim ang ekspresyon sa mukha ng bata nang makita niya na nanahimik na si Ye Wan Wan.

Kumalma na si Ye Wan Wan matapos ang ilang sandali. Kinamot niya ang kanyang baba at nginitian niya ang cute na bata. "Kahit na hindi ko alam kung sino ang pamilya mo… sana sa pamilya ko na lang ikaw!"

Chapitre suivant