webnovel

Ito pala ang iniisip ni tito

Éditeur: LiberReverieGroup

Nameless Nie: "May nakilala ka na bang bata na hindi kaaya-aya ang ugali? Siya ay isang little devil na napadpad sa lupa!"

Biglang nagsalita si little devil, "Devil…?"

Hindi inalam ni Nameless Nie kung sino ang nagsasalita at tumango na lamang siya. "Tama, isa siyang little devil? Alam mo ba ang lahat ng kalbaryong dinanas ko sa Nie family ng ilang taon? Ito ang sinasabi ko sayo, Little Sweetie - walang kwenta kahit na mahanap natin ang magulang niya. Napakabagsik niya at alam ko na hindi siya kukupkopin ng sarili niyang mga magulang!"

Tinakpan ng dayuhan ang kanyang mukha sabay napahawak sa kanyang noo nang marinig niya ang sinabi ni Nameless Nie. Sumuko na siya sa pagligtas sa kanyang kapitan.

Lumiit ang mga mata ni little devil habang dahan-dahan siyang nagsalita na binibigyang diin ang bawat salita: "Ganoon ba? Ano ba ang tingin ni tito?"

Nabigla si Nameless Nie nang marinig niya ang boses ng bata at dumungaw siya sa baba ng puno. Napagtanto na niya na hindi karaniwan ang nagsalita kanina kaya nanigas ang kanyang leeg habang tumitingin siya sa baba ng puno...

Sa isang saglit, nakita niya ang batang ninuno na dapat 1,000 milya ang layo sa kanila, ang little devil na ayaw tanggapin ng sarili niyang magulang. Ito nga ang tunay niyang ninuno na nakatayo sa harap niya...

"Ffff-f*ck!!!!!!"

Bumalot sa tuktok ng bundok ang isang malakas na miserableng sigaw.

"Bang!" Nahulog sa ilalim ng puno si Nameless Nie at malakas ang pagkakalaglag niya sa may damuhan.

Kinaskas ni Nameless Nie ang kanyang ngipin at tiningnan niya ang dayuhan na tagabuhat ng bricks. "Little Sweetie! Bakit hindi mo sinabi sa akin?!"

Mukhang inosente si Little Sweetie. "Sinabi ko sayo pero wala kang pakialam…"

Nagdabog sa lapag si Nameless Nie at galit niyang tiningnan ang manhid na mikha ng bata. "Ikaw… paano mo ako nahanap? Umabot na sa ganitong lebel ang stalking skills mo?! Leche, punyeta! Tao ka ba talaga?"

Nakakapanliit na tiningnan ni little devil si Nameless Nie na nasa lapag. "Kailangan ko pa ba ng stalking skills para mahanap ka?"

Galit na galit si Nameless Nie. "Hoy hoy hoy, huwag mo akong maliitin! Ito ang sasabihin ko sayo - hanggang ngayon! Wala pa rin makakatalo sa akin sa pagtago! Hanggat ayaw kong may makahanap sa akin, walang makakahanap sa akin!"

Mayabang na nagsalita si Nameless Nie.

Little devil: "May nagsabi sa akon kung masaan ka, kaya hindi ko kailangang talunin pa ang record na wala pang nakakahanap sayo."

Nabigla si Nameless Nie. "Ano? May nagsabi sayo? Hindi kaya… hindi pwede, imposible! Ang bawat isang miyembro sa team namin ay tapat at maasahan; hindi sila mabibili ng pera at hindi sila magpapadala sa kasamaan!"

Biglang nag-ring ang phone pagkatapos magsalita ni Nameless Nie.

Sinagot ni little devil ang tawag nang walang kibo sa kanyang mukha. "Hello? Anong problema?"

Maririnig ang nakakatakot na boses ng isang lalaki na tumatawag: "Hello, little young master. Ako ito, ang deboto. Wala naman pong problema; gusto ko lang malaman kung nahanap mo na ang kapitan? Liblib ang lugar na iyon, kaya naisip ko na bigyan ka ng detalye kung paano makakapunta doon. Pagkaakyat mo sa tutok ng bundok, kumanan ka at maglakad ka ng 500 metro, pagkatapos ay kumaliwa ka. Pagkatapos nito…"

Hindi pa tapos magsalita ang deboto nang biglang may kumuha ng phone sa kanya. "Bobo ka ba? Gumilid ka nga diyan, deboto ka! Little young master, little young master, ito po si Little Flower. Ginuhit ko na ang posisyon ni kapitan sa mapa at sinend ko na ang imahe na iyon sa phone mo. Tingnan niyo na lang po!"

Nameless Nie: "…"

Dayuhan na tagabuhat ng bricks: "..."

Sampung segundo na-blangko si Nameless Nie bago niya ninakaw ang phone. "DALAWANG BASTARDO! Bakit niyo ako pinagtaksilan! Hintayin ko ako na—"

Chapitre suivant