webnovel

Gumagalaw na banggkay?

Éditeur: LiberReverieGroup

Nanlamig si Ye Wan Wan. May takot sa kanyang mga mata at nag-umpisang isipin ang nakakatakot na pelikula na napanood niya noon.

Baka… multo iyon?

"Hindi pwede, 'di ba?"

Nakaramdam ng malamig na ihip ng hangin sa kanyang likod at gininaw siya.

Mabilis na tumakbo si Ye Wan Wan patungo sa kotse, agad niyang binuksan ang pintuan at umupo sa kotse.

Matapos niyang subukang pakalmahin ang sarili, nilabas ni Ye Wan Wan ang telepono at inisip na tawagan si Si Ye Han, pero natatakot siyang baka mag-alala ito...

Matapo na pag-isipan niya itong muli, naisip niya na mas maiging hayaan niya ang pulis na asukasuhin ito.

"Ano ulit ang number ng pulis, huh…" inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo at bumulong sa sarili.

"110 'yung number para sa pulis na trapiko." bigla na lang, may isang matamis at marahan na boses ang tumunog sa may kotse.

"110 'yung number para sa Ministry of Public Security…'yung number siguro ng pulis trapiko ay…"

Bago pa makumpleto ni Ye Wan Wan ang pangungusap niya, nanliit ang kanyang mga mata. Kung hindi lang dahil sa maliit na espasyo ng kotse, baka tumalon na siya.

May tumulong malalamig na pawis sa noo ni Ye Wan Wan. Mula sa rearview mirrow, nakita ni Ye Wan Wan na may lalaking nakaupo sa likod; hindi niya napansin kung kailan ito pumasok.

May puting buhok ang lalaki hanggang bewang niya, may pihikan na katangian at sa ibaba ng kilay niya ay may pares ng nagliliwanag na mga mata na kayang makakuha ng kaluluwa ng isang tao; para bang isang jade ang kanyang mukha at parang mga bituin ang mga mata niya; tahimik lang siyang nakaupo doon, pero ang elegante niyang tignan.

Napunta ang elegante niyang mga mata kay Ye Wan Wan at marahan siyang ngumiti.

Tila bang nakalabas ang lalaking ito mula sa isang litrato - may misteryoso siyang aura sa paligid niya at parang kaya niyang higupin ang kaluluwa ng isang tao, para hindi siya mapigilan.

Gayunpaman, wala sa lagay si Ye Wan Wan para mamangha sa kanya. Tinignan niya ang lalaki na parang nakakita siya ng isang multo.

"Miss… ikaw… binangga mo ako ngayon lang." binasag ng lalaki ang katahimikan at marahang tumawa habang nakatingin kay Ye Wan Wan ng kanyang pares ng mata na kayang ilabas ang kaluluwa ng isang tao.

Matapos niyang magsalita, lumapit siya kay Ye Wan Wan.

Ngunit, sa sandaling ito, ginamit ni Ye Wan Wan ang buong lakas niya at sinuntok ang perpektong mukha ng lalaki.

Ngayon, gulong-gulo ang isipan ni Ye Wan Wan - naaksidente siya at nakabangga sa mabilis na takbo ng kotse.

Logically speaking, para sa isang normal na tao, pira-piraso na itong nadurog matapos na mabangga sa ganoong klaseng salpok, pero wala man lang gasgas ang lalaking ito?!"

Tatlong salita lang ang dumagundong sa ulo ni Ye Wan Wan: gumagalaw na banggkay.

Gusto buksan ni Ye Wan Wan ang pintuan ng kotse at tumakas, pero napigilan siya ng lalaki.

"Kuya… hindi ko sinasadya!" puno ng takot ang mukha ni Ye Wan Wan.

"Oh, walang problema, hindi naman masakit." mainit at magalang na ngiti ng lalaki.

"Ayos… ka lang?" may lakas na ng loob si Ye Wan Wan para suriin ang lalaki at parang ayos lang naman talaga siya.

Pero dahil sa ayos lang ang lalaki kaya siya natatakot, alright!

Patay na dapat ang normal na tao ngayon. Kahit na hindi siya patay, dapat lubhaan siyang sugatan, pero ayos lang ang taong ito?!

"Mag-ingat ka lang kapag magmamaneho ka sa susunod. Maswerte kang nabangga ka sa akin - anong gagawin mo na lang kung ibang tao ang nabangga mo?" pagyamot ng lalaki na parang matanda.

"Opo opo opo… kuya, tama ka po… kuya, tao ka ba o multo?" maingat na tanong ni Ye Wan Wan.

Nagulat ang lalaki sa tanong niya. "Akala mo… dinala mo na ako sa kamatayan ko?"

Napakunot ang mga kilay ni Ye Wan Wan. Hindi ba siya namatay sa aksidenteng ito, huh?!

Chapitre suivant