Sa tuktok ng bundok, lumingin ang deboto kay Ye Wan Wan matapos makitang pumasok ang grupo ng mga mercenary sa pabrika. "Boss, isang grupo 'yon ng mga kakaibang tao, huh."
"Hindi pa ako kahit kailan nakakita ng kakaibang mercenary noon." tanggi ni Spary of Flowers.
"Isang grupo ng mga tanga," seryosong sinabi ng dayuhang taga-buhat ng brick.
Taong yelo: "En."
Sa sandaling ito, nagsimula ng kumislot ang gilid ng labi ni Ye Wan Wan. Sino ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob na tawagin ang ibang tao na kakaiba… hindi ba sila ang pinaka kakaibang grupo…
"Boss Ye, dinala mo ba kami dito upang gumanap sa isang palabas o manuod? Nagugulahan ang deboto.
Wala pa ding ideya si Nameless Nie at ang iba sa plano ni Ye Wan Wan.
"Ganito lang iyon - ang misyon natin sa oras na ito ay ang iligtas ang grupo ng mercenary," paliwanag ni Ye Wan Wan.
"Iligtas ng grupo ng mercenary?" si Spray of Flowers ay nagdududa. Bakit natin ililigtas ang mga mercenary na iyon?
"Boss Ye, tila sisirain ng mga mercenary na iyon ang lugar. Kailangan ba talaga nating iligtas sila?" tanong ng deboto.
Hindi alam ni Nameless Nie at ng iba ngunit alam na alam ni Ye Wan Wan kung gaano nila kailangan ng tulong; sa dati niyang buhay, ang mga grupo ng mercenary na ito ay halos masira sa pwestong ito.
May mga ilang ekspertong sinanay na nanatiling nanunuod sa loob ng pabrika, naghihitay sa kanilang pag dating.
"Gaano ka hirap. Ayokong sagipin sila," ang sabi ni Spray of Flowers.
Dayuhan na tagabuhat ng bricks: "Gutom na ako… parang gusto ko kumain."
Taong yelo: "..."
"Bawat isang tao ay nagdagdag ng libong dolyar!" walang magawa si Ye Wan Wan Wan kundi dumulog.
Kaagad na naglinawanag ang mga mata ni Spray of Flowers at ang deboto.
Deboto: "Boss Ye, paano natin sila ililigtas?"
Spray of Flowers: "kailangan natin silang iligtas. Paanong basta-basta lang natin itiklop ang ating kamay at panuorin silang mamatay? Ito ang paraan natin sa paggawa ng mga bagay, huh? Hindi ba nasasaktan ang ating konsensya? Paano tayo makakatulog sa gabi?"
Dayuhan na tagabuhat ng mga bricks: "kailangan natin silang saklolohan. Hindi ito tungkol sa pera.
Nameless Nie: "Makikinig tayo kay boss Ye!"
Taong yelo: "..."
Umabante si Ye Wan Wan at sinabi sa lahat ang kanyang plano.
…
Sa sandaling ito, mayroong tunog ng baril sinundan pa ng isang miserableng alulong na nanggaling sa pabrika.
Hindi nagtagal, ang mga mercenary na nagnakaw sa pabrika ay napilitang lumabas.
"Ang lakas ng loob ninyong bumalik, huh?"
Isang ginoo ang nakatingin sa grupo ng mercenary at ngumisi.
"Gago ka! Binayaran mo kami ng malaking halaga para kunin ang piraso ng psninda na iyon… matapos naming makumpleto ang trabaho at naibigay ito sayo, sinabi mo na hindi mo ibinigay ang trabahong ito sa amin at sa amin binaling ang sisi…" malamig na tinignan ng matandang lalaki ang ginoo.
"Hng, katangahan mo iyon." pangungutya ng ginoo. "Wag mo na isipin 'yon. Hindi ako mag-aalangan na sayangin ang oras ko sa pakikipag-usap sa mga taong mamatay. Binayaran ko si Li San Ye at Dr. Skeleton - gusto ko makita kung sino ang mamamatay dito!"
Lumingon ang ginoo sa isang puti ang buhok na matandang doktor na nakasuot bilang isang binata at malawak ang ngito. "Gentlemen, kailangan ko kayong abalahin ngayong araw…"
Nang marinig iyon, sumenyas ang lalaking maputi ang buhok. "Ngayon nakuha kona ang pera mo, ako na ang gagawa ng trabaho para sayo. Ang grupo ng mga mercenary na itoay mamamatay dito ngayon."
Nang makita ang dalawang lalaking ito, kumunot ang mga kilay ng mga mercenary na para bang nakatingin sila sa paparating na kalaban.
Ang maputing buhok na matandang lalaki ay si Li San at ang binata ay si Dr. Skeleton - ang dalawang taong ito ay mahusay at kilalang pumapatay.
"Huwag ka mangialam!" mukhang galita ang isa sa mga mercenary.
Gayumpaman, sa sandaling sabihin niya iyon, si Li San ay nagalit ng itinaas niya ang kanyang kamay.
Walang ideya ang mga mercenary kung anong nangyayari. Dumura siya ng dugo mula sa pagkakasampal at ang kanyang katawan ay lumipad sa kabilang kwarto na parang isang sirang saranggola.