webnovel

Bakit nandito ulit siya

Éditeur: LiberReverieGroup

Matatag na sinabi ni Gong Xu, "MALI! Maling mali! Kaya kaya nabigo! Kuha mo?"

Hindi pa gaano kakumbinsido si Shen Manzhu. "Talaga?"

Nagsabi ng pawang katotohanan si Gong Xu: "Totoo! Kaya maging agresibo ka at kunin siya!"

Nang makita kung gaano ka tiyak si Gong Xu at isinasaalang-alang na siya ang nagiisang artista na malapit kay Ye Bai, naniwala na sa wakas sa kanya si Shen Manzhu at mukang naliwanagan. "Buong akala ko na gusto ni Ye-ge sa isang tao ang mahinhin, pero ngayon alam ko na…"

"Hehe, hindi mo na kailangan sabihin ko pa sayo. Bibigyan kita ng isang malaking pula na pakete kapag nagtagumpay ka!" si Shen Manzhu ay mukhang parang maliwanagan ng walang katapusang kaalaman.

"Walang anuman, walang anuma!"

Matapos umalis ni Shen Manzhu, kinunot ni Luo Chen ang kanyang kilay at tumingin kay Gong Xu. "Anong walang ka kwenta-kwenta ang sinabi mo?"

Inirap ni Gong Xu ang kanyang mata. "Anong ibig-sabihin mong walang kwenta? Paano mo nalaman na hindi gusto ni Ye-ge ang babaeng na hindi nagpapapigil?"

Gustong magsalita ni Luo Chen ngunit hindi niya masabi ang kanyang salita: "..."

Kahit na siya ang artista ni Ye-ge at alam na alam siya ni Ye-ge, hindi pa din niya ganon ka kilala si Ye-ge.

Matapos ang lahat ng tsismis, binuksan na sa wakas ni Gong Xu ang pintuan at pumasok sa opisina.

"Ye-ge~ Hehehe… hindi na masama ang swerte mo sa babae, huh?"

Tumigin si Ye Wan Wan sa kasuklam-suklam na mukha ni Gong Xu at tinapon ang isang nakasalansan na diyaryo sa kanya. Sa may cover isang bahagi ng tsismis patungkol kay Gong Xu at isa pang female star.

Hindi na naglakas loob pa si Gong Xu na mambastos. Malakas siyang umangal, "Ye-ge, inosente ako! Sa sandaling ito, ang babaeng iyon ang may masamng intensyon na sumamantala sa aking kasikatan! Masyado akong mapili, okay? Paano ako mahuhumaling sa isang katulad niya?!"

Nang gabing iyon, sa Pearl River Regal Riviera.

Tumingin si Ye Wan Wan sa nakasalansang mga dokumento tungkol sa mahalagang bato sa kanyang coffee table saka binato sa gilid ang makapal na nakasalasan na dokumento na hinanda ni Si Ye Han para sa kanya.

Sinabi niya sa kanyang magulang na pupunta siya sa isang holiday, pero ang katotohanan, pupunta siya sa mag-isa sa Myanmar.

Ang una niyang gagawin bilang parte ng Si Corporation ay upang kumuha ng sariwang bato.

Ito ang pinaka una niyang assignment bilang maybahay ng pamamahay sa hinaharap, kaya ito ay talagang importante.

Gayun pa man, hindi niya maipapangako ang isang tiyak na pagbabalik mula sa "pagsusugal ng bato" kahit na siya ay isang mahusay, mas mababa pa sa isang baguhan na desperadong ipagsiksikan ang lahat ng may kaugnayan na kaalaman.

Gayun pa man, pinili niya pa rin itong mapanganib na gawian….

Malalima ng iniisip ni Ye Wan Wan ng biglang, mayroon tao ulit sa may pintuan.

En? Nandito na kaagad si Si Ye Han?

Mabilis na tumayo si Ye Wan Wan upang buksan ang pintuan. Sa huli, nang sandaling buksan niya ang pintuan, napagtanto niya na hindi si Si Ye Han ang tao kundi si Shen Manzhu.

"Manzhu…" sa oras na makita siya, nagulat si Ye Wan Wan. Mabuti na lang, hindi pa niya pinapalitan ang kanyang itsura.

Pero anong gagawin niya sa ganitong oras?

"Ye… direktor Ye… maaari ba akong pumasok?" nakasuot ng malaking itim na coat si Shen Manzhu at talagang balot na balot.

"Pasok ka."

Matapos niyang pumasok, naglagay ng isang basong tubig si Ye Wan Wan para kay Shen Manzhu. "Manzhu, bakit ka narito ng ganitong oras? Mahalaga ba ito?"

Tila medyo kinakabahan si Shen Manzhu. Halos nainom niya ang kalahating baso ng tubig. Nang maalala niya ang payo ni Gong Xu, hindi kaagad siya nagbitaw ng mga bagay at diretso punto kaagad. "Ye-ge, pwede mo ba ako bigyan ng isang pagkakataon?"

Nagulat si Ye Wan Wan...

Hindi pa pala siya sumusuko.

But I already made things so clear today - why is she here again?

Pero nagawa ko ng linawin ang mga bagay ngayon - bakit ulit siya narito?

Isang pahiwatig ng kahinahinalang kislap sa mukha ni Ye Wan Wan at matiyaga niyang sinabi, "Manzhu, alamin mo dapat ang aking prinsipyo."

Chapitre suivant