webnovel

Mukhang maayos ka mula noong huli nating pagkikita

Éditeur: LiberReverieGroup

Nag-uusap panadalian ang mga tao at malapit nang mag-umpisa ang Grand Fashion Ceremony, pero hindi pa din dumadating si Felix.

Maraming mga tao ang dumalo ngayong gabi dahil sa kanya; masasabi na din na balisa ang lahat sa kanyang pagdating anumang sandali.

Nanyayamot si Shen Meng Qi habang nagsasalita siya tungkol sa fashion at mga aksersorya kasama ang ilang mga maliliit na artista, habang si He Jun Cheng naman ay walang tigil ang pagdaldal sa ibang mga stylist.

Sa sandaling ito, isang stylist na may mababang ipit na nakatayo salungat ni He Jun Cheng ang biglang lumingon sa kanya at sabing, "Aiyo, pambihirang tanawin naman oh. Hulaan mo kung sino ang nakita ko?"

"Sino? Sobrang dramatiko mo! Si Felix ba?"

"Pui! 'Wag mong insultuhin ang prince charming ko! 'Yung walang silbing great young master ng mga Ye, ang nahirangang prinsipe ng Emperor Sky Entertainment!"

"Nahirangang prinsipe ng Emperor Sky Entertainment? Si Ye Mu Fan ba ang sinasabi mo?"

"Akala ko pinalayas ang pamilya ni Ye Mu Fan dahil sa ginawa ng tatay niya? Matagal na siyang hindi nagpapakita sa ganitong klaseng pagdiriwang."

"Hindi nga… anong ginagawa niya rito? Baka nagkamali ka?"

Patuloy ang tsismisan ng lahat habang nakatingin sa lalaking may mahabang buhok . Sa isang tingin lang, mukha talaga siyang walang kwentang great young master.

Nang marinig ang tsismisan, sumulyap din si He Jun Cheng. Tulad ng inaasahan, nakita niya si Ye Mu Fan na umiiwas sa mga tao at papasok sa ballroom.

Nakita niya ang pagkagulo ng buhok ni Ye Mu Fan at ang gusot at mantsa sa kanyang damit. May mga ilang dahon pang nakadikit rito at mukha siyang kaawa-awa.

"Pfffft-- bakit siya pumunta dito ng ganyan ang itsura? Wala na ba talagang hiya ang prinsipe ngayon?"

Alam ng lahat kung gaano ka partikular si Ye Mu Fan sa kanyang pananamit noon at hindi pa siya nagpapakita ng ganito kahapis sa harap ng lahat.

Noon, masyadong kilala si Ye Mu Fan at walang may magandang nasasabi tungkol sa kanya, kaya nagalak ang lahat ng makita ang lagay ni Ye Mu Fan ngayon.

"Anong prinsipe eh? Hindi na tulad ng dati ang mga Ye ngayon, ang pangalawang anak na ang mahalaga ngayon, na si Ye Shao An, at si Ye Yiyi na ang future lady sa pamamahay ng Gu. Malakas ang alyansa nila. Parang may lugar pa para sa kanya doon!"

Alam ng lahat ng nasa industriya ang maliit na bagay sa mga Ye.

Sinong hindi makakaalam na ang prinsipeng ito, na si Ye Mu Fan, ay matagal nang napag-iwanan at isa ng ligaw na aso?

Isang designer na may matulis na baba ang lumapit kay He Jun Cheng para mang-tsismis. "Dinig ko may kakaibang siyang trabaho sa Assembly of Stars Entertainment? Kayo ba ang nagbigay sa kanya ng imbitasyon?"

Agad na nangutya nga lalaking may mahabang buhok, "Ano? Matagal na siyang wala! 'Yang walang kwentang basura! Mabait lang ang aming big missy at head stylist He, kaya binigyan siya ng gawain!"

Hahanapin pa lang ni Ye Mu Fan si direktor Zheng para makapagpalit ng damit, pero bigla na lang may nangharang sa daanan niya.

"Aiya, hindi ba ito ang ating magaling na stylist Ye sa Assembly of Stars? Mukhang… maayos ka mula nang umalis ka sa Assembly of Stars ah! Nandito ka din ba para dumalo sa Grand Fashion Ceremony?"

Iniisip ni Ye Mu Fan kung paano siya magpapaliwanag kay Wan Wan at naiirita. Pinasadahan niya ng tingin ang grupo ng mga stylist na pinangungunahan ni He Jun Cheng at hindi na nagpa-abala pa sa kanila. "Hindi hinaharangan ng mabait na aso ang daan!"

Hindi inaasahan ni He Jun Cheng na makakapanood siya ng interesadong programa ngayon, kaya masaya siyang lumapit. "Young master Ye, mukhang maayos ka mula ng huling nating pagkikita!"

Sa hindi kalayuan, napansin ni Shen Meng Qi ang sitwasyon at puno ng pagkasuklam at pangutya ang mga tingin niya habang nakatingin kay Ye Mu Fan.

Anong ginagawa ng lalaking ito dito? May masamang intensyon pa rin ba siya sa akin?

Sa naisip, biglang nandiri si Sheng Meng Qi. Sumulyap siya rito at mabilis na nilihis ang tingin, hindi interesado.

Chapitre suivant