webnovel

Katulong pampinansyal

Éditeur: LiberReverieGroup

"Hehe, ganito - bilang katulong namin pampinansyal sa ngayon, tingin ko ikaw ang pinaka-maaasahan. Kung may iba pang mga trabaho na ganito sa hinaharap, kontakin mo lang kami anumang oras! Nandoon kami!"

Ye Wan Wan: "…"

Ako talaga ang katulong nilang pampinanasyal sa ngayon?

Tila bang umaarte lang ang dalawa sa mata ng iba, pero alam ni ni Ye Wan Wan na naglalaban sila. Higit pa dito, hindi niya pa nakikita ang ganoong galaw noon.

Sa mga kakayahan nila, may mga iba silang pwedeng pagpilian na mga karera at hindi sila maggugutom. Pero base sa mga sinabi ng tatlo, tila bang may kakaiba silang patakaran na hindi gagamit ng karahasan para maka-ipon ng pera.

Tsaka, masasabi ni Ye Wan Wan na may sakit sila sa pagiging tamad sa isang tingin lang - hindi nila magamit ang apat nilang biyas o maibukod ang bigas mula sa trigo. At saka, lahat sila ay kakaiba at kakaiba din ang kanilang pag-iisip. Sinong normal na tagapangasiwa ang gugustuhing kunin sila, huh? Hindi na nakapagtataka kaya sila nagmamakaawa, basahin ang kapalaran ng tao, mag-ayos ng mga tindahan sa kalye o maging manggagawa.

Kahit na kakaiba ang mga ginagawa nila at hindi pa din alam ni Ye Wan Wan kung saan sila nanggaling, wala naman itong kinalaman sa kanya. Nasiyahan lang siya nang makita ang debotong ito na binubugbog si Yuan Shang at ang iba noong isa araw, kaya inalukan niya lang sila ng trabaho ngayon.

*cough* "Kung mayroon pang mga oportunidad sa hinaharap, sige. Oo nga pala, mag-antay kayo saglit dito. Magbibigay sila ng mga pagkain mamaya. Panghuling shoot na ito ngayon, kaya masarap ang pagkain ngayon," sabi ni Ye Wan Wan bago maagap na umalis, at ayaw nang manatili pa doon.

Wala siyang ideya kung paano siya tignan ng mga taong ito - may kinang sa mga mata nila na para bang nakakita sila ng bundok na puro ginto.

Kinagabihan, sa malaking tindahan sa kalye:

Nakapatong ang isang paa ni Nameless Nie sa mahabang upuan. Madlimi ang kanyang itsura. "Huling araw na ng buwan."

Masunuring nilabas ng malaking lalaki ang pera mula sa mga laryo. May mga $5 at $10 na pera, pagbuo ng $100 lahat lahat.

Tinulak ni Spray of Flowers ang deboto gait ang kanyang pwet at lumapit para makuha ang papuri, "Kapitan, kapitan, nakalikom ako ng $200 ngayon, oh! Makakapaglaan na din ako para sa kapitan ngayon!"

Nang makalapit ang Spray of Flowers sa kanya, tumayo ang mga balahibo ni Nameless Nie maingat niyang tinignan ito ng masama. "Lumayo ka sa akin kung wala kang hiling na mamatay!"

Straight akong lalaki!

Nang makita na papatayin siya ng kanyang kapitan bilang sakripisyo para sa langit kapag gumawa siya ng hidwaan, tila bnag biglang nakadanas si Spray of Flowers ng malakas na suntok at umiyak. "Kapitan, may iba ka na ba agad…? Huhu huhu…"

Siniksik ng deboto ang sarili niya para makakuha ng pabor. "Tabi, cross-dresser! Kapitan, kapitan, ito ang $200 na nagawa ko!"

At pang huli, pati ang lalaking iceberg ay tahimik na nilabas ang kanyang $100.

Bukod sa Little Sweetie, paano nakalikom ang tatlong ito ng pera? Mapaghinala silang tinignan ng Nameless Nie.

"Saan nanggaling ang pera?! Ninakawan niyo na naman ba ang mga tao?! Nakalimutan niyo na naman ba ang prinsipyo ng team natin?!" inis na sabi ni Nameless Nie.

Mabilis na nagpaliwanag ang cross-dresser, "Kapitan, legal at tapat namin nalikom ang pera! Nakuha namin ito sa pag-arte!"

Paano naman naisip ng mga taong ito na maging artista sa kanilang lebel ng pag-iisip? At ang mahalaga pa doon, aling production crew ang kukuha sa kanila?

"Kapitan, 'yung Famous Ye na babae ang nakakuha sa amin ng trabaho - 'yung nagbayad ng pagkain natin noon! Aiya, nakatadhana talaga kami, huh!"

Kamakailan lamang, pinapahirapan ng maliit na demonyo ang kapitan sa bahay hanggang sa naabot niya na ang kanyang hangganan. Sino ang maglalakas-loob na galitin siya, huh!

"Famous Ye…" naniwala na sa kanila si Nameless Nie.

Sumulyap si Nameless Nie sa petsa. Palapit na ng palapit ang mga huling araw ng maliit na demonyo at nag-aalala siya dito. "May balita ba sa kanya?"

Nang marinig ang tanong na ito, nagkatinginan silang lahat at nanliit sa takot.

Chapitre suivant