webnovel

Sobrang lapit

Éditeur: LiberReverieGroup

"Ano ba sa tingin mo? Hindi ka pa nga natututong maglakad, pero iniisip mo na agad ang tumakbo?" pagtingin sa kanya ni Ye Wan Wan. "Natapos ka na ba sa script na binigay ko?"

Nagliwanag ang mga mata ni Gong Xu sa pagbanggit ng script. "Kakatapos ko lang, kakatapos ko lang! P*ta! Ang galing! Gawa para sa 'kin ang script! Masyadong gwapo ang bidang lalaki, 'di ba?!"

Gwapo?

Isa lang siyang ignorante at inkompetenteng hedonistikong anak ng mga mayayaman.

Ye Wan Wan: "Buti nagustuhan mo."

Sabik na sabi ni Gong Xu, "Ye-ge, kailan tayo mag-uumpisang magshoot? Hindi na ako makapag-antay!"

Bahagyang kumisap ang mga mata ni Ye Wan Wan. "'Wag magmadali - kailangan mong mag-focus sa mga takdang aralin mo at sa pelikulang inayos ng kumpanya para sa 'yo. Hindi naman minamadali ang pagshoot dito."

"Ah? Bakit? Ito 'yung gusto kong unahin!" bulong ni Gong Xu.

Sa una, gusto ni Ye Wan Wan na manghila ng mga mamumuhunan para sa produksyon na ito. Tutal, nakaasa siya sa reputasyon ng Worldwide, hindi na mahirap ang pagkuha ng mga isponsor.

Gayunpaman, natanggap niya ang balitang pasikretong nagtatanong at nagtutuon ng pansin ang pamangkin ni Chu Hongguang sa Dazzling Media. Madalas na din siyang napapabisita sa opisina ni Chu Hongguang at maaring nakatingin lang sa Dazzling...

Tutal hindi dapat naging hinahayaang dumaloy ang tubig sa lupa natin papunta sa ibang bukid, bakit hindi ko nalang puhunan ang produksyong ito?

Ito ang pinaka-trump card niya - hindi niya pwedeng ibunyag ito ng mabilis...

Ye Wan Wan: "Mag-usap ulit tayo kapag na-ensayo mo na ang pag-aarte mo - hangga't hindi naaabot sa katanggap-tanggap na pag-aarte."

Kahit na gusto niyang gamitin ang abilidad niya na hikayatin ang isang artista papunta sa karakter, kailangan pa din ng artista ang husay at likas ng isip muna. Hindi naman sa kaya niyang pagalingin ang isang ordinaryong tao sa pag-arte bigla - hindi iyon makatotohanan.

Paano naman bubunga ang isang puno ng mansanas ng isang dalandan? Parehas lang ng katwiran.

Mahina pa din ang pundasyon ni Gong Xu at ang pagbibigay pa ng oras sa kanya ay mas ligtas.

"Sige pala…" masunuring tumango si Gong Xu at sumulyap kay Luo Che, malawak ang ngiti.

Ano bang malaki sa pagkuha ng espesyal na atensyon, huh? Gumawa na ng custom-made si Ye-ge para sa akin, hehe...

"Sasama ka ba sa amin ni Luo Chen mamaya para sa pagtitipon ng kumpanya, o may sarili kang gagawin?" tanong ni Ye Wan Wan.

Agad namang sumagot si Gong Xu, "Sasama, sasama! Syempre sasama ako kay Ye-ge!"

Madalas na walang kwenta at nakakabagot ang mga patitipon ng kumpanya - hindi siya kailanman pumunta sa mga ganoon, pero pag kasama si Ye-ge, syempre nag-iba ang mga bagay-bagay!

"Sige, tara."

Kalahating oras ang lumipas sa Blues Bar:

Madami ng tao sa bar nang makarating sila at nang makita si Ye Wan Wan, agad silang lumapit dito at isa-isang binati.

"Director!"

"Director Ye!"

"Ye-ge, please sit here!"

"Ye-ge, upo ka po dito!"

Bahagyang tumango si Ye Wan Wan sa gitna ng sofa at sina Gong Xu at Luo Chen naman ay nakaupos sa mga gilid niya.

Kahit na madami na siyang nakuhang mga artista, iba ang estado nila Luo Chen at Gong Xu - tutal, si Luo Chen ang unang artista na pinangalagaan niya.

Nang makaupo si Ye Wan Wan, biglang tumunog ang kanyang telepono. Si Han Xian Yu ang tumatawag.

Han Xian Yu, "Ye Bai, nasaan ka?"

Ye Wan Wan: "Blues Bar, may pagtitipon ng kumpanya. Bakit?"

Han Xian Yu: "Pagkakataon nga naman. Nasa malapit lang ako at may gusto akong pag-usapan - ayos lang ba kung pumunta ako dyan?"

Ye Wan Wan: "Syempre. Ayos lang 'yon."

Han Xian Yu: "Tsk, sige pala. Limang minuto."

Ye Wan Wan: "OK."

Mabilis na narinig ni Gong Xu ang usapan. "Ye-ge, sino 'yon?"

"Han Xian Yu," sagot ni Ye Wan Wan.

Bulong ni Gong Xu, "Uh… Ye-ge, sobrang lapit mo kay Xian Yu-ge, huh? May sarili siyang manager, kaya bakit lumalapit pa din siya sa 'yo para pag-usapan ang mga isyu niya?!"

Chapitre suivant