webnovel

Bahala ka maghintay diyan

Éditeur: LiberReverieGroup

Labis na natuwa si He Jun Cheng. Ang kanyang puso ay puno ng pangungutya at galit.

Tulad ng inaasahan, nasa estado si Ye Mu Fan ng walang wala, siya ay nasiyahan sa sinabing pera at kaagad na naawa.

Akala ko ba matigas siya!

Tsk, kung hindi ito para sa kanyang pakinabang, isa lang siyang dagang nasa kanal - hindi siya dapat pinakikiusapan.

"Talagang pranka si Young master Ye! Tama! Hindi kailangan tanggihan ang pera dahil lang ikaw ay galit. Gayon pa man, matagal din tayo magkasama sa trabaho - siguradong hindi kita tatratuhin ng masama. Nasaan ka? Magkita tayo upang mapag-usapan ngayon, ayos ba? Sabik na sinabi ni He Jun Cheng.

"Sige, magkita tayo sa paanan ng Dragon Burial Hill sa bayan ng north."

"Mahusay, mahusay, mahusay, magkita tayo mamaya!"

...

Takipsilim sa Dragon Burial Hill.

Walang taong nakatira at tahimik ang outskirt. Doon ay talagang walang sasakyan o pedestrians sa paligid.

Kaagad na nagmaneho si He Jun Cheng at dumating sa loob ng isang minuto para sa isang byeha ang normal ay inaabot ng isa't kalahating oras.

Sa parahong oras, kadadating lang ni Ye Mu Fan sa underground car park ng Grand View Park.

Matapos niyang i-park ang kanyang sasakyan, naglakad siya papunta sa elevator habang nasa kamay niya ang kanyang mga susi.

Binuksan niya ang pintuan ng kanyang apartment at komportableng umupo sa sofa bago dumaing ang tawag ni He Jun Cheng.

Sumulyap si Ye Mu Fan sa caller ID na nasa kanyang screen, kumuha ng bote ng mineral water mula sa kanyang fridge at uminom bago dahan-dahang sinagot ang tawag: "Hello?"

"Hey! Young master Ye, nandito na ako. Papunta kana ba?" tanong ni He Jun Cheng.

Dumikwatro si Ye Mu Fan ng walang pagbabago sa kanyang itsura at hindi man lamang nababalisa. "Oo, papunta na ako."

"Sige, sige, hihintayin na lang kita kung ganon!"

"OK!" binaba ni Ye Mu Fan ang telepono at tinapon sa gilid. Matapos 'yon, naglabas siya ng isang set ng malinis na damit at umalis upang mag shower.

Nakaupo si He Jun Cheng sa sasakyan at oras oras na tinitignan ang kanyang relo.

Hindi nagtagal, 15 minuto na ang lumipas at hindi pa din nagpapakita si Ye Mu Fan.

Hindi balisa si He Jun Cheng at patuloy na naghintay; yamang binilisan niya ang kanyang sports car, malinaw na dumating siya ng masyadong maaga.

Pagkalipas ng kalahating oras, hindi pa rin dumadating si Ye Mu Fan, kaya sandaling tumawag si He Jun Cheng.

"Hello young master Ye, nandito kana ba?"

Nakahiga si Ye Mu Fan sa kama suot ang kanyang panjamas habang hawak ng isang kamay ang isang baso ng red wine at isa ay hawak-hawak ang isang fashion magazine. "May traffic jam sa daan. Sa tingin ko matatagalan pa ako!"

He Jun Cheng: "Oh, sige… kung gayon gaano katagal ang aabutin mo?"

Ye Mu Fan: "Mga sampung minuto!"

Sampung minuto na ang nagdaan at wala pa rin si Ye Mu Fan, kaya minsan ulit siyang tinawagan ni He Jun Fan.

"Ah, nasa daan pa in ako…"hindi na bahala pa si Ye Mu Fan na mag-isip ng bagong palusot ngayon.

Lumaki si He Jun Cheng ng walang pasensya. Simula ng siya ay naging sikat, hindi na niya kailangan maghintay sa kahit na sino - lagi itong may paraan.

Ngunit ngayon, talagang kailangan niyang maghintay!

Masuwerte siya sa kanyang munting abilidad na makakuha ng babae, nagawa niyang akitin si Shen Meng Qi at pasiyahin siya.

At nangyari na si Shen Meng Qi ay tila mayroong galit sa pamilyang Ye na nagresulta ng malang para sa kanya - hindi lang sa mayroon siyang babae na mapaglalaruan, inagaw niya pati ang reputasyon ng ibang tao kaya siguradong siya ay

Ngunit ngayon, dahil sa tangang ito, na si Ye Mu Fan, mayroon siyang isang malaking sakit sa ulo.

Buti na lang, madaling utuin ang bobong ito; bibigyan lang niya ito ng pera at susunod na at ang lahat ay mananatiling sa kanyan pa rin…

Hindi na mahalaga ang paghihintay ng medyo matagal.

Huminga ng malalim si He Jun Cheng. "Haha, sige, walang pagmamadali!"

Sumulyap si Ye Mu Fan sa gilid sa may pinagtapunan niya ng kanyang telepono at patuloy na uminom ng kanyang red wine. Walang pagmamadali niyang sinabi, "Tsk, bahala ka mag hintay diyan…"

Chapitre suivant