Matapos nakatanggap ng urgent na tingin mula kay Ye Wan Wan, tumayo si Si Ye Han upang i-excuse ang kanyang sarili at nagtungo sa banyo.
Matapos ang sobrang pagtatalo, inilabas ng lalaki ang kanyang telepono at binuksan ang WeChat na binubuo ng tatlong tao na hindi pa niya kahit kailan nakakausap.
[Si Ye Han: Paano ako mag-iiwan ng magandang impresyon?]
...
Sa parehong oras, sa isang tiyak na bar.
Sa simula pa lang nakatingin na si Lin Que sa kanyang telepono sa pagkainip ng bigla na lang, may nakita siya sa kanyang telepono. Binuga niya ang whiskey direkta kay Xie Zhi. *Pffft--* "Tang*na!!!"
"Eh…Lin, bakit napaka dugyot mo?" diring-diri na pinunasan ni Xie Zhe Zhi ang mamahaling suit na kanyang suot.
Inip na sumigaw si Lin Que, "Hindi… dali, basahin mo ang group chat!"
Tamad na kinuha ni Xie Zhe Zhi ang kanyang telepono. "Anong group?"
"WeChat group! Yung isa kasma si 9th brother ah! Ang haring nagtago ng sampung-libong-taon ay sa wakas nagsalita na! Simula ng magkaroon ng girlfriend ang lalaking ito, ganap na pinabayaan na lang niya tayo sa Siberian desert, hindi ba? Hindi nga niya sinasagot ang ating mga tawag o magreply sa mga mensahe natin at naglaho sa mundo. Hindi na nga siya pumupunta s opisina kahit kailan! Para lang itong tula - siya ay natulog hanggang ang araw ay tumaas, para sa gabing maiksi, mula noon ang hari ay no longer held morning court."[1] sigaw ni Lin Que.
[Si Ye Han: Paano ako magiiwan ng isang magadang pagkakakilanlan?]
Lin Que: "..."
Xie Zhe Zhi: "..."
Sa sandaling ito, ang dalawang lalaki ay nakatitig ng tahimik sa misteryosong mensahe.
"Sa tingin mo ba na-hack ang telepono ni 9th master?" bulong ni Lin Que.
"Sinong hindi pangkaraniwang hacker ang gagawa ng ganyan?" nagkunot noo si Xie Zhe Zhi.
"Siya talaga ito?! Nakakalimutan niiya ang loyalty kapag in love; bakit siya magkakaroon ng pake sa atin? Ito ay maaaring nag hiwalay sila, haha…? Ang 9th brother ay talagang bumalik sa single dog trio, ha?" pagtataka ni LIn Que.
Single dog trio…
"Wag mo akong isama." binigyan siya ni Xie Zhe Zhi ng isang tingin.
"Ano ngayon, kahit na gusto ka ng lahat ng babae sa buong bansa? Nagiisang aso ka pa din!" kinutya siya ni Lin Que at sinama si Xie Zhe Zhin dito. Saka siya kaagad na nag type ng reply.
[Lin Que: 9th brother, sa wakas nagparamdam ka! Magiwan ng magandang pagkakakilala, magandang pagkakakilala kanino, ha bro? Humaharap kaba ng problema sa iyong relasyon? Dali, magsabi ka kahit onti dito bro~]
Sabik na naghintay si Lin Que para sa tsismis.
Hindi bababa sa tatlong segundo, isang reply ang dumating--
[Si Ye Han: Ang magulang ni Ye Wan Wan.]
Nagulat si Lin Que saka nagsimulang dumaing ang kanyang puso na para bang kumikirot, "Tang*na! Talagang pumunta si 9th brother upang makipagkita sa magulang ni Ye Wan Wan - akala ko nag hiwalay na sila. Sa huli, talagang na abot na nilang ang yugto ng pagkilala sa kanyang magulang? Sa EQ ng ating 9th brother, paano naging posible ito?! Hindi siyentipiko kahit kelan!"
Sa group chat:
[Si Ye Han: @Xie Zhe Zhi.]
Piniling hindi pansinin ni Si Ye Han si Lin Que at dinirekta ang mensahe kay Xie Zhe Zhi.
Kaagad na nasaktan si Lin Que. "Bakit kailangan direkta sa iyo?! Hindi ito patas!"
Marahang natawa si Xie Zhe Zhi at sumagot gamit ang voice message. "Baby, sigurado kaba… na kailangan mo pang magpakita ng magandang impresyon?"
Agad na nakisabat si Lin Que, "tama, 9th brother. Gwapo ka at mayaman, bakit kakailanganin mo pang mag iwan ng isang magandang impresyon, ha!"
Para sa katanungan ito, si Si Ye Han, na nasa hallway, ay nagpasya na hindi na sumagot.
Dahil ba masyado akong gwapo ay mayaman, kaya…
Lin Que: "kaya 9th brother, maniwala ka sa akin. Sa iyong katangian, makakakuha ka ng mataas na marka dahil lang sa mukhang iyan! Kapag nakilala mo na sila, mag damit ka lang ng maayos!"
Xie Zhe Zhi: "bakit hindi mo nalang sila bigyan ng isang bilyon?"
Si Ye Han: "..."
Matapos ang ilang oras, nagbigay ng isang abiso ang WeChat group - [Your friend "Si Ye Han" has left the group]
"Ay ay? Bakit siya nag leave? Akala ko mahusay na ang ating ideya…"