webnovel

Tingin ko hindi niya makukuha ang dalawang korona

Éditeur: LiberReverieGroup

Matapos na umayos sila, napansin ni Ye Wan Wan na nakaupo sina Gu Yue Ze at Ye Yiyi sa harap nila at sa tabi ni Ye Yiyi ang sikat na artista, si Qi Mei Lin.

Hindi pa nag-uumpisa ang award ceremony, pero madami nang mga tao ang lumapit sa kanila para batiin sila. "Congratulations, director Ye, baka makuha ng Emperor Sky ang lahat ng award ngayon!"

Nakasuot ng limited edition na kulay champagne na gown si Ye Yiyi. Maganda siya at mapagkumbabang bumabati sa mga tao: "Grabe po kayo! Hindi pa naman po lumalabas ang resulta, kaya hindi pa tayo makakasigurado. May malaking puwang pa din sa pagitan ng pag-arte ni Man Ni at sa mga senior; may pwesto pa naman para pagbutihin ang mga gawa at tsaka hindi pwedeng balewalain ang lakas ng ibang mga kandidato!"

"Director Ye, masyado kang mapagkumbaba. Paano naman magiging second-rate ang mga punla na inalaga mo? Para sa ibang kandidato naman, Si Liu Ann lang ata ang mga tsansa na makuha ang award; ang iba naman tulad ni Qiao Ke Xin ay nandoon lang para mapuno ang mga puwang doon!"

"Hahaha, tama. Nakahanda na ako at inaantay na lang ang paglibre ni chairman Gu sa pagpanalo ng dalawang korona!"

Malapit lang sa kanila sina Ye Wan Wan at Qiao Ke Xin at naririnig ang mga sinasabi ng tao.

Pumanget ang itsura ni Qiao Ke Xin na para bang sasabog na ito anumang sandali. "Tsk, dalawang korona - grabeng pampagana 'yon, huh!"

Nang marinig ang boses ni Qiao Ke Xin sa likod, nanigas ang mga tao sa harap.

Sino sa entertainment industry ang hindi nakakaalam na hindi pwedeng galitin si Qiao Ke Xin?

May biglang nagbago ng paksa at sinubukang mamagitan sa sitwasyon: "Hehe, Xin-jie, sikat din ang pelikula mo ngayon - nakabasag ng 600 million sa box office! Congratulations, congratulations!"

Isang aktres mula sa Emperor Sky na hindi nakasunduan si Qiao Ke Xin ang nangutya at bumulong, "Totoo naman ang sinasabi namin - may problema ba d'on?"

Sumimangot si Han Xian Yu. "Bago pa lumabas ang mga resulta, mas maigi na isarili mo muna ang mga komento mo."

Nakasuot ng pulang bistida, nanudyo si Qi Mei Lin, "Oo naman, syempre, hindi dapat tayo masyado maging tiyak, pero kung sinuman ang magiging best actress, hindi naman magiging si Qiao Ke Xin, 'di ba?"

Nakakayamot ang sinabi niya.

Si Ye Yiyi, na nakaupo sa gilid, ay parang walang intensyon na kontrolin ang sarili niyang artista.

"Tsk, hindi magiging ako? Tingin mo ba ikaw 'yon, huh…" biglang tumayo si Qiao Ke Xin at nababalisa.

Hindi sila nakaka-akit ng atensyon kung nakaupo lang sila at kaswal na nag-uusap, pero kapag lumala ito, siguradong magiging panget ang eksena na 'to.

——"Well, tingin ko siguradong mapupunta ang best actress award kay Xin-jie at wala na."

Biglang umalingawngaw ang mababa at paos na boses ng lalaki at lumingon ang lahat sa kanya.

Tumingin sila sa binatang lalaki na nakaupo sa tabi ni Han Xian Yu.

Nakatago sa dilim ang binata at para bang wala siya doon, pero nang mapansin siya ng lahat, napansin nila na kamangha-mangha ang lalaking ito. Para ba siyang isang anak ng mayamang pamilya sa kaswal at tamad niyang ugali.

Sa kalagayan ngayon nang hindi nila kilala ang taong 'to, walang naglakas loob na gumawa ng kalokohan. Nalilitong sumulyap si Qi Mei Lin sa lalaki, "Sino ka?"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Wala lang ako. Hindi na kailangan pang malaman ni ganda kung sino ako."

Nang marinig ang sagot ng binata, matayog na tumugon si Qi Mei Lin, "Tutal wala ka naman, sino ka para magsalita?"

Tutal, A-lister siya sa entertainment industry, hindi niya na kailangan pagtiisan pa ang ugali ng kung sinuman. Dagdag pa nito, kasama niya si Ye Yiyi at Gu Yue Ze bilang tulong niya, kaya natural, walang makakapigil sa kanya.

Hinggil sa masama niyang ugali, hindi na ito pinansin ni Ye Wan Wan at tumawa na lang. Bumulong siya, "Nagkataon lang naman na may alam ako sa walong trigram at limang elemento at nahulaan ko ang kapalaran ni chairman Gu ay hindi ganoon kasagana. Tingin ko hindi niya makukuha ang dalawang korona ngayon!"

Hindi na naabala si Gu Yue Ze sa argumento nung una, pero nang marinig niya ito, bahagyang kumunot ang mga kilay niya at lumingon sa taong nagsasalita...

Chapitre suivant