webnovel

Isang nakakapagod na coaching session

Éditeur: LiberReverieGroup

Sa hindi kalayuan, mahigpit niyang kinuyom ang kanyang kamao. Sobrang galit ang kanyang mukha na para bang uusbong sa kanyang ulo ang apoy. Ang ibang bodyguard hindi hininaan ang kanilang boses, kaya natural lang, na marinig iyon ni Eleven.

Totoo, katulad ng sinabi ng mga bodyguard, hindi na niya magagawang talunin si Liu Ying sa tryouts ng head captain ngayon.

Nagalaga ng isang pares ng magagaling na bagong bodyguard sa utos na makuha ang posisyon ng team leader. Baka pagtapos ng pagsusulit, ang dating posisyon ni Eleven bilang team leader ay makukuha at siya ay magiging isang ordinaryong bodyguard na lang…

"Coach Eleven, naniniwala ako na kaya mo ito." napansin ni Ye Wan Wan na hindi mukhang maayos si Eleven, kaya sinubukan niyang hikayatin ito.

"Salamat, Miss Wan Wan. pagbubutihan ko!" tango ni Eleven.

Kahit na mukang determinado si Eleven, malungkot pa rin ang kanyang mata - malinaw na siya ay walang tiwala sa kanyang sarili.

Matapos ang isang sandali, dinala ni Eleven si Ye Wan Wa sa training room.

"kapitan!" ang ilang bodyguard na nag eensayo ay kaagad na pumwesto at malakas na binati siya ng sandaling makita nila siya.

Itong ilang bodyguard na membro ni Eleven na Dark Team 1 at sobrang tapat pagdating sa kanya.

"Magandang umaga, Miss Wan Wan!" sumunod iyon, binati nila si Ye Wan Wan.

"Magandang umaga." tango ni Ye Wan Wan.

"Tumabi muna kayo. Tuturuan ko si Miss Wan Wan ng ilang fighting techniques ngayong araw," ang sabi ni Eleven.

Nang marinig iyon, pinunasan ng mga bodyguard ang pawis sa nagtataka nilang mukha ng isang towel at kaagad na umupo sa malayo upang manuod.

Tumayo si Eleven sa gitna ng ring.

"Miss Wan Wan, ang unang hakbang upang malaman ang martial arts ay hindi pag atake ngunit ang pag tatanggol. Ngayon, tuturuan kita ng depensa."

"Makikinig akong mabuti sa sinasabi ni Coach Eleven!" tawa ni Ye Wan Wan.

"Sige, ipapakita ko sayo… mag-uumpisa tayo sayo sa pag-atake sa akin ng buo mong lakas," ang turo ni Eleven.

"Sige." tumango si Ye Wan Wan. Nang sandaling sumuntok siya, biglang napasigaw si Eleven, "sandali sandali… Miss Wan Wan, wag mo muna gamitin ang lahat ng iyong lakas...ha...60% lang ang gamitin mo…"

Nang naisip niyang bumalik sa lakas pinapakita ang gabing iyon sa bar, nakaramdam ng takot si Eleven. At saka, hindi pa masyadong magaling ang kanyang mga sugat.

"Sige!" matapos ang sandali, hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang kamao at bumato ng isang suntok kay Eleven.

*Pow!*

Mabilis si Eleven. Sinunggaban niya ng mahigpit ang paparating na isang mabilis na suntok.

"Miss Wan Wan… kita…"

Naharang ni Eleven ang matatag na atake ni Ye Wan Wan at magbibigay na sana ng ilang pointers nang hinagis ni Ye Wan Wan ang kanyang kaliwang kamao ng hindi inaasahan at natamaan si Eleven mismo sa kanyang mukha.

"Aiyo…" napahakbang paatras si Eleven at hinawakan ang kanyang mukha.

"Miss Wan Wan… bakit hindi mo sinusundan ng maayos ang pagkasunod-sunod…" hinaplos ni Eleven ang kanyang sariling mukha.

"Skill of death… kung hindi ka mamamatay, hindi ako mabubuhay… kaya ginagawa ko lang ang naayon sa pagkakasunod-sunod…? Nagdududang sinabi ni Ye Wan Wan.

Nang makita iyon, ilan sa mga bodyguard ay nagtawanan - ang paliwanag ni Miss Wan Wan ay mayroong kabuluhan at sinamantala niya ang kanilang kapitan Eleven.

"Sa oras na ito, sa halip ako ang aatake… pwede kang dumepensa katulad ng ginawa ko…" sabi ni Eleven.

"Sigurado." naintindihan ni Ye Wan Wan.

Kumilos si Eleven ng isang hakbang, inangat ang kanyang kanang kamay at umatake kay Ye Wan Wan.

Sinadyang binabaan na ni Eleven ang kanyang lakas para hindi niya masaktan si Miss Wan Wan.

Gayon pa man, sa sandaling susuntok na siya, sinampal ni Ye Wan Wan ang katawan ni Eleven, marahil hindi inaasahan ulit.

Nagulat si Eleven. "..."

Hindi ba nagkasundo tayo na mag-eensayo tayo para sa kanyang depensa? Bakit tinamaan niya ako?!

"Miss Wan Wan… hindi ba napagkasunduan natin iyon… dedepensa ka lang…" hindi malaman ang gagawin ni Eleven.

"Uh, coach Eleven… hindi ba pag-atake ang magandang depensa…" bulong ni Ye Wan Wan at binigyan rin ng isang itsura na na para siyang kinukwestyon ang kanyang abilidad na magturo.

Hindi na alam ni Eleven ang sasabihin. "..."

"Hahahahaha..."

Ang nakapaligid na mga bodyguard ay nag gumulong sa tawanan. Ang pagkakaintindi ni Miss Ye sa martial arts ay talagang kakaiba ha…

Chapitre suivant