webnovel

Darling, puriin mo ako!

Éditeur: LiberReverieGroup

Jin garden:

Umihip ang hangin at ang maliit na hardin ay napuno ng amoy ng repolyo, citron daylilies at sunflower.

Sa tabi ng round table sa ilalim ng lilim ng puno, hawak ni Si Ye Han ang tasa ng ginseng tea habang may puting tigre na nasa kanyang paanan.

Sa oras na iyon, may isa pang taong nakaupo sa kabila ng round table. Ang itsura niya ay kaparehas ng kay Si Ye Han at nakasuot siya ng lumang puting amerikana na may gintong dulo. May aristorkatikong paguugali at puno ng pagkainip ng inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang ulo at nagreklamo, "Bakit hindi pa din nakakabalik hangang ngayon si 9th aunt?"

"Anong problema?" malamig na tanong ni Si Ye Han.

"Si 9th aunt ang hinahanap ko, hindi ikaw!"

Nagningning ang mga mata ni Si Xia at napatanong siya, "Oo nga pala, narinig ko… may kinuhang bagong artista si 9th aunt at siya ang leading star ng kompanya, isang popular na binatang idolo… Hindi ko alam na kaya pala ito ni 9th aunt, huh!"

Ng marinig ito ni Si Ye Han, ang reaksyon niya lang ay huminto habang hawak ang tasa sa ere; parang sobrang imposible na makita ang emosyon sa kanyang mga mata.

Matapos niyang makitang hindi siya nagreact, hindi natuwa si Si Xia. Marahan niyang tinanong, "Oh, di ko akalaing si 9th uncle ay malaki ang tiwala kay 9th aunt na umalis siya at payagan na irecruit ang isang lalaking artista matapos ang isa. Hindi ka ba takot na magsuot ng berdeng sumbrero?"

"Maraming binata at dalagang artista sa idustriya ng entertainment - sobrang nakakatukso so mga mata! Nga pala, bata pa si 9th aunt, kaya natural lang na, magugustuhan niya ang mga lalaki na kaedad niya. 9th uncle, mabuti pa ay wag kang maging kampante…"

Walang reaksyon si Si Ye Han ngunit ng si Xu Yi, na nasa tabi niya, ang nakarinig nito, ang ekspresyon niya ay biglang naging pangit.

Itong young master na si Si Xia ay gusto lamang gulihin ang mundo nila, huh? Ang relasyon ni master at ni Binibining Wan Wan ay gumaganda pa lamang, ngunit ngayon nagpakita si Si Xia at nagsimulang magsabi ng kung ano ano.

Nandito ba siya para bumisita ng mag sakit o manginis ng tao?

Sa kondisyon ng kanyang master, paano niya natatagalan ang mga insultong ito...

Walang magawa si Xu Yi dahil hindi niya pwedeng ipaalam ang kalagayan ni Si Ye Han at ang tanging masabi niya lang ay, "Young master Si Xia, nagkakamali ka. Nagpapanggap lamang si Binibining Wan Wan bilang lalaki!"

Ng marinig ito ni Si Xia hindi niya ito pinansin, "Ano naman? Pagdumating ang oras, baka maguwi pa siya ng babae at lalaki~"

Patuloy lang si Si Xia sa mga sinasabi niya na hindi na niya napansing nagbago na ang mukha ni Si Ye Han naging malamig at mapanganib. "Tulad ng sabi ko, sino yung artista na nakuha ni 9th aunt? Oh oo nga, siya yung malanding prinsipe ng pamilya Gong. Sa pagkakarinig ko wala siya pakialam kung babae o lalaki…"

Hindi na kayang palampasin ni Xu Yi ang mga masasamang sinabi ni Si Xia.

Muntik na niyang pigilan si Si Xia, nang may narinig siya grupo ng yabag ng mga paa sa likuran niya. Tumalikod biglaan si Xu Yi patungo sa direksyon ng tunog.

Kasunod nito, ang tatlong taong ito ay nakakita ng pink na pigura na tumakbo papalapit sa kanila na parang ihip ng hangin.

Hindi pinansin ng babae ang presensya ng lahat maliban kay Si Ye Han at tumakbo ito patungo sa kanyang mga braso.

Sinalo ni Si Ye Han ang babaeng bumungo sa kanya at sa kaparehong oras, ang ginseng tea sa kanyang kamay niya ay nanginig ng malakas, halos matapon na ito sa babae.

Sumimangot si Si Ye Han. Magsasalita pa lamang siya, ngunit sa sumunod na segundo, may malambot siyang naramdaman sa kanyang mga labi...

Sinungaban siya ni Ye Wan Wan, ibinaba ang kanyang ulo at bigla niyang hinalikan ang mga labi nito. Dahil sa katatakbo pa lang nito, kung kaya medyo nawalan siya ng hininga at taas baba ang kanyang dibdib. Ang kanyang mga mata ay kumikislap na parang mga bituin sa langit at puno ng buhay at sigla ng sabihin niya, "Darling, Andito na ako! Namiss mo ba ako?"

Ang malungkot na pakiramdam na nakapaligid kay Si Ye Han na nagmula sa mga sinabi ni Si Xia ay biglang nawala ng bumagsak ang babae sa kanyang mga braso...

Nakatuon lang ang mga maliwanag na mata ni Ye Wan Wan sa kanya. Ang mukha nito ay nanghihingi ng pagpuri ng sinabi niya, "Dali, puriin mo ako! Ako ay napromote! At nakakuha din ako ng panibagong artista! Ang galing ko diba?"

Ibinaba ni Si Ye Han ang kanyang tasa at kinandong niya ito at mabait niyang pinuri ito, "En, hindi na masama."

Sobrang nagaalala si Xu Yi na baka magalit ang kanyang master: "..."

Ang maliit na master Si na iniisip na nanalo na si dahil nagawa niyang maasar ito ay biglaang nawalan ng pagasa bago pa man siya magsaya: "..."

Chapitre suivant