webnovel

Pagpigil sa asasinasyon

Éditeur: LiberReverieGroup

Nangutya si Si Ming Li at nagtanong ulit, "Sige, ipagpalagay natin na tama ang paliwanag mo! Na sinabi mong hinanap ka ng ispya isang linggo bago ang paglakbay at sabi na gustong patayin ng Murderous Blood Gang ang master - dahil sa mabigat 'tong isyu, bakit hindi mo agad 'yan binalita at ngayon lang nagsalita tungkol dyan?"

Nanghimutok si Ye Wan Wan at mukhang hindi nasiyahan. "Fourth great uncle, kahit na ang tatlong gulang na bata ay alam na hindi dapat pagkatiwalaan ang sinasabi ng hindi mo kilala. Sayang at hindi alam ng fourth great uncle ang mga ganitong bagay."

Hindi na inantay ni Ye Wan Wan na magsalita pa si Si Ming Li at nagpatuloy, "Nung lumitaw na lang kung saan ang taong 'to at nagsabi sa 'kin, hindi ko na siya nakita ulit. Paano ako makakasiguro kung kaibigan siya o kaaway? Paano ako makakasiguro kung hindi niya sasabotahin yung mga kasunduan o gamitin ako para pigilan si Ah-Jiu?"

"Nagawa ko na lang paalalahanan si Ah-Jiu nung mga oras na 'yon sa mga panganib na pwede niyang makasagupa sa country B para maging mas maingat pa siya."

"Pero kahit na totoo o hindi yung mga sinabi ng taong 'yon, mas maganda kung maging ligtas pa rin kaya naghanda ako ng mga gamit kung sakali. Hindi ko inakalang magagamit ang mga 'yon bandang huli!"

"Matapos na makaligtas kami sa mapanganib na insidente, nakumpirma ko na kaibigan ang taong 'yon at hindi kaaway, pero hindi ko lang alam kung sino siya nung una ko siyang nakita."

"Sa una, nagpaplano akong antayin na magising si Ah-Jiu bago pag-usapan ang insidente sa kanya, pero nangyari 'to at napagtanto ko na yung taong nagsabi sa 'kin ay yung ispya ni Xu Yi!"

Makatwiran ang sinabi ni Ye Wan Wan at natakpan niya ang mga pagdududa nila.

Pinag-isipan ng maigi ng mga matatanda ang sinabi niya at nagbulungan. Nang makita ang reaksyon nila, halata na pinaniniwalaan nila ang mga sinabi ni Ye Wan Wan.

Kung hindi, wala namang rason na ang batang tulad niya ay may magaling manghula ng mga pangyayari.

Sa puntong ito, tuluyan ng nagbago ang itsura ni Si Ming Li.

Hindi niya inaasahan na ang sisirain ng batang 'to ang bitag niya gamit ang ilang mga salita lang at winasak ang sitwasyong matagal niya ng pinagplanuhan.

Patay na yung ispya, paano niya naman nagawang babalaan si Ye Wan Wan?

Puro kalokohan lang ang sinasabi ng babaeng 'to!

Pinag-isipan din ito ng old madam at napagtanto na makatwiran nga ang sinabi ni Ye Wan Wan. "Kung 'yon naman pala ang kaso… kaya pala lagi mong kinukulit si Little 9th na 'wag umalis at gusto pang sumama!"

Tumango si Ye Wan Wan, "Opo lola, pasalamat po ang lahat kay housekeeper Xu sa paglagay ng ispya sa Murderous Blood Gang na nakakuha tayo ng babala sa tamang oras at naligtas ang buhay ni Ah-Jiu; kung hindi, hindi lubos maisip ang mga kalalabasan nito!"

Tinignan ng old madam ang lalaking duguan ang mukha at nakaluhod. Sinabi niya, "Xu Yi… tumayo ka…"

Nagulat si Xu Yi ng ilang mga segundo bago magising ang kanyang diwa at dahan-dahang tumayo. "Opo…"

Nabalot ng kadiliman ang mukha ni Si Ming Li. Bahagyang lumihis ang paningin niya, pero sa sandaling ito, naniwala na ang old madam sa mga sinabi ni Ye Wan Wan, kaya baka hindi niya muna mahahawakan si Xu Yi at ang mg Xu...

"Hehe… housekeeper Xu, 'yon naman pala ang nangyari. Hindi ito sinasadya, kaya dapat mas maging maingat ka pa sa hinaharap. 'Wag mo masyadong linlangin ang sarili, ha?" kumibot ang gilid ng labi ni Si Ming Li.

Sumulyad si Xu Yi kay Si Ming Li at hindi sumagot.

Napakunot ng kilay si Qin Ruo Xi. Hindi niya inaasahan na magagawang pigilan ni Ye Wan Wan ang pagpatay...

"Salamat… salamat po ng marami Miss Ye para sa pagpatunay na inosente ang anak ko, na inosente kaming mga Xu!!" Bumalik na sa pagiging maisigla ang maputlang mukha ni Xu Chang Kun. Puno siya ng pasasalamat habang patuloy siyang nagpapasalamat kay Ye Wan Wan.

Chapitre suivant