Isa sa mga dugyot na hobbies ni Eugene ay ang paggawa ng taong stuffed toys gamit ang mga magagaling na taong nakalaban niya. Tinanggalan niya ang mga ito ng laman loob at nilagyan niya ang katawan nila ng espesyal na droga; sila ay nagsisilbing tropeyo na ginagawa niyang display sa kanyang tahanan, sobrang nakakatakot.
"Tingnan natin kung nasa iyo nga ang mga abilidad na ipinagmamayabang mo ha?" Ngumisi si Liu Ying sabay umatake ulit.
Sa oras na iyon, dumepensa na si Eugene at hindi na madaling lumapit sa kanya. Ilang saglit lang, napahinto ang dalawang magkalaban.
Mabigat pa rin ang nararamdamn ni Xu Yi kahit magkapantay ng lakas ang dalawang magkalaban. Habang tumatagal, dumidilim rin ang kanyang emosyon.
Masyadong mapanlinlang si Eugene - alam niya agad na ang kalakasan ni Liu Ying ay ang kanyang bilis, kaya pinapatagal niya ang laban hanggang sa mawalan na ng lakas si Liu Ying.
Alam ni Liu Ying ang binabalak ni Eugene, pero sa oras din na iyon, hindi siya makaalis sa patibong ng kanyang kalaban. Pwede agad siyang mamatay kahit nalito siya ng isang saglit. Hindi rin sinubukan ng iba na tulungan si Liu Ying, natatakot sila na baka masira lang ang pakikipaglaban ni Liu Ying kay Eugene.
Mabilis na lumipas ang 15 na minuto. Ang maliit na clown na may camouflage sa buong mukha ay umentra at pinilit niyang sigawan si Eugene, "P***! Ambagal mo Eugene, kung hindi mo kayang tapusin yan, ang tatay mo (ako) ang lalaban!"
"Manahimik ka!"
Nagmura ng pabulong si Eugene at tinignan niya muli si Liu Ying, lalobg naging seryoso ang tingin niya sa kanyang kalaban.
Mahusay pala talaga ang lalaking ito. Kinaya niyang makipaglaban sa akin ng matagal...
Lumipas ang ilang segundo hanggang sa naging minuto na ang tinagal...
Lumiwanag ang mga mata ni Eugene. "Ha… nahanap ko na…"
"Masama ito!"
Bibigyan sana siya ng babala ni Xu Yi ngunit, huli na ang lahat. Nahanap ni Eugene ang kahinaan ni Liu Ying at ang mga daliri niya, na mas matalas pa sa kutsilyo, ay sumaksak sa ilalim ng tiyan ni Liu Ying at bumuka ito kaya napaurong siya ng biglaan.
Namutla ang mukha at sumuka ng dugo si Liu Ying dahil nasugatan ang kanyang lamang loob.
Napinturahan ng dugo ang mga daliri ni Eugene. "Tak-tak-tak," tumulo sa lapag ang mga dugo ni Liu Ying. Dinilaan ng kulay scarlet niyang dila ang dugo na ni Liu Ying na nasa kamay niya, sa bawat patak na dinidilaan niya ay tila parang masarap na pagkain na kinakain niya.
Mabilis na nanghina ang katawan ni Liu Ying dahil napakalakas ng tama sa kanya.
"Liu Ying!" Mabilis na lumapit si Xu Yi para tulungan siya.
"Kapitan!!!" Pumalibot din ang iba sa kanya.
Gaano ka-uhaw sa dugo ang mga taong ito? Paano nila natalo ang tulad ni Liu Ying?
Nang makita niya ang nanghihinang katawan ni Liu Ying, binalot ng namumuot na galit si Song Jong na para bang umaapoy ang kanyang mga mata sa sobrang inis. Umabante siya galing sa kumpol.
"Mga g*gong dugyot! Kakalabanin ko kayo----"
"Song Jing! Tumigil ka at bumalik ka dito! Hindi mo kapantay ang lakas niya!" seryoso siyang sinabihan ni Liu Ying.
"Mamamatay na rin naman tayo kapitan. Ako na ang maghihiganti para sa iyo!"
Pagkatapos niyang sabihin ito, lumalim ang kanyang boses at sinabi, "Kung mamamatay man ako, at least makakakuha tayo ng impormasyon tungkol sa kakayanan niya!"
Hindi na siya mapigilan ni Liu Ying - sumugod si Song Jing pagkatapos niyang magsalita.
At dahil lumala na ang sitwasyon sa puntong iyon, pinakalma na lang ni Xu Yi ang sarili niya at sinabi: "Sa lahat ng mga bodyguards, si Song Jing ang pinakamahusay sa lahat. Siya ang pinakamabilis mag-isip kaya kaya niya sigurong mahanap ang kahinaan ni Eugene…"
Si Eugene ang pinakamahirap kalabanin sa lahat ng mga kalaban nila. Kung sana, merong maliit na tsansang matalo siya...
Sumugod paabante si Song Jing habang nakatitig paharap. Tiningnan niya ang namumutlang lalaki na kulay scarlet ang dila at sumigaw siya, "Ikaw muna!"
"Aiya, isa na namang isda galing sa maraming isda~ hindi ba mas mahina ang isda na ito kaysa sa nakalaban ko kanina? Gayunpaman, interesado ako sa isdang ito kaya paglalaruan ko muna siya…"
Tinitigan siya ni Eugene. Humilab ang parang makinaryang katawan niya sa sobra niyang tuwa na para bang masaya siyang kumakain ng pyesta. Pinatunog niya ang kanyang leeg at sa sumunod na segundo, sumugod siya na kasing bilis ng kidlas...
Lumaki ang mga mata ni Song Jing at sumugod rin siya…
Mabilis na tumibok ang puso nilang lahag nang makita nila makipaglaban ang dalawa sa isat-isa.