webnovel

Maparaan ang pangungurakot nila...

Éditeur: LiberReverieGroup

Matapos niyang kumain hanggang sa mabusog at makuntento ang kanyang puso, tumayo si Nameless Nie at sinabi, "Boss, bill!"

Mabilis na lumapit sa kanila ang boss at sinabi, "475."

Nang marinig nila iyon, tumango si Nameless Nie at tiningnan ang apat niyang kasama.

Napatingin din ang apat kay Nameless Nie.

"Saan na yung pera?! Magbayad na kayo!" demanda ni Nameless Nie.

"Ay…" ang nakakasuklam na lalaki ay naglabas ng ilang salapi sa kanyang bulsa, tig 50 sentimo at $1 dollar lang ang laman nito. Pagkatapos magbilang ng pera si Nameless Nie, ang nabilang niyang halaga ay humigit kumulang $20.

Napilitan tuloy na maglabas ng $10 ang deboto galing sa kanyang bulsa.

"Eh ikaw?" tiningnan ni Nameless Nie ang lalaking yelo.

"Nakalimutan mo na ba kapitan… kasosyo ko si hubby ko; nagkukunwaring patay ang asawa ko habang ako naman ay umiiyak… pinagsamang pera na namin itong pinagkakitaan namin hay~" malandi na tiningnan ng nakakasuklam na lalaki ang yelong lalaki.

In-obserbahan ni Ye Wan Wan ang pinag-uusapan nila: "..."

Binebenta niya ang katawan niya para mailibing ang asawa niya?

Maparaan ng pangungurakot nila… ang galing...

"P***!" Hinampas ni Nameless Nie ang lamesa ang dinuro niya ang tatlo. "Walang kwentang basura kayong tatlo! Hindi man lang umabot ng $50 ngayong araw ang kinita niyo kahit pinagsama-sama!"

"Matumal ang benta ko ngayon… isang tao lang ang nagpahula sa akin ngayong araw… tinawag niya pa nga akong peke at hindi rin nagbayad. Nakapulot lang ako ng $20 nung naglalakad ako kanina…" reklamo ng maangas at gwapong deboto.

"Wag kayong mag dahilan sa akin!" Kinaway ni Nameless Nie ang kanyang kamay nang umentra siya sa nagsasalitang deboto, bilang dinuro niya ang dayuhan at sinabi, "Tingnan niyo si Little Sweetie Aisin Gioro, naglipat siya ng halos 5000 bricks sa loob ng isang araw at andami niyang kinita dahil doon. Tingnan niyo kayo, para kayong mga patay, umaakto na mga manghuhula… hindi man lang umaabot ang kita niyo ng $50. Nakakahiya kayo mga mayayabang!"

"Pffft, Little Sweetie Aisin Gioro… kinikilabutan ako pag naririnig ko ang pangalan na iyan…" sinabi ng maangas at gwapong deboto nang humarap siya sa dayuhan na nagbubuhat ng bricks.

"Kapitan, bakit nila tinatawan yung pangalan na binigay mo sa akin? Ano bang ibig sabihin ng Little Sweetie Aisin Gioro?" malungkot na sinabi ng nagbubuhat ng bricks na dayuhan.

*cough cough…* Humarap si Nameless Nie sa nagbubuhat ng bricks na dayuhan at taos-pusong sinabi, "Ang ibig sabihin ng Little Sweetie Aisin Gioro ay malakas ang loob, malakas at mabagsik. Natatawa sila kasi hindi sila karapat-dapat sa pangalang binigay ko sayo!"

Nang marinig ito ng dayuhan, tumango siya at seryoso niyang sinabi, "Kapitan, gusto ko ang mataas na pangalan na ito. Hintayin mo, kapag nakapag-ipon ako- Ili-libre kita ng s***!"

Nameless Nie: "...okay lang."

Little Sweetie... Aisin Gioro?

Naging blangko ang emosyon ni Ye Wan Wan nang marinig niya iyon- kakaibang pangalan naman iyon, saan kaya galing iyon...

"Tapos na ba kayo o hindi pa?" ang boss na nakatayo sa isang gilid ay naiinip na.

Walang pera ang mga baliw na ito para bayaran ang bill?!

"Pwedeng bang mag-isip-isip ka muna bago mo pagtaasan ng boses ang kapitan." nabalot ng inis ang mga mata ng deboto.

"Ah, kumain kayo dito para mag 'eat and run' tapos ang yabang mo pang umasta?" biglang naglabas malaking kutsilyo ang boss nang hindi alam kung saan ito galing.

"Teka lang, dahan dahan ka lang boss," winagayway ni Nameless Nie ang kanyang kamay sabay humarap sa dayuhan. "Little Sweetie, ilabas mo na yung pera."

Nang marinig niya ito, tumango ang dayuhan at mabilis na naglabas ng pera galing sa bulsa niya.

"Ha? Ilabas mo ang lahat ng pera mo." Natawa si Nameless Nie nang makita niya ang $10 sa kamay ng dayuhan.

"Ito lang Kapitan, ito na po pera ko," bulol na sinabi ng dayuhan sa linggwaheng Mandarin.

"Yan lang?" nagulat si Nameless Nie. "Hindi ba sinabi mo na nagbuhat at naglipat ka ng $5000?"

"Oo, ito na ang lahat ng kinita ko; sabi kasi ng boss ko na ganitong halaga ang kikitain ko kapag nilipat ko ang 5000 bricks," sabi ng kargador ng brick na dayuhan.

Chapitre suivant