webnovel

Ako si Nameless Nie

Éditeur: LiberReverieGroup

Ng makita ng lalaki ang paghihinala sa mga mata ni Ye Wan Wan, naitanong nito, "Tingin mo nagbibiro ako?".

Napailing si Ye Wan Wan at ipinakita ang kanyang bag at tumawa. "Ilang taon na ang nakalipas, nangaso ako ng isang oso na may bigat na halos libo libong pounds gamit ang aking mga kamay, binalatan ko ito at ginamit ang fur upang maging bag."

"Ah?" Napatingin ang lalaki sa bag na nasa kamay ni Ye Wan Wan at nabigla.

"Imposible..." Napatakip ng ilong ang lalaki at nalito. "Nakahuli na ako ng madaming oso gamit ang aking mga kamay dati… Ngunit hindi ko alam na meron pa lang oso na may bigat na libo libong pounds..."

Nakatingin si Ye Wan Wan sa itsura ng lalaki na naguguluhan at nalilito; nakatuon lamang siya sa bigat ng oso at wala ng iba.

"Hindi pa ako nakakita ng osong may bigat na libo libong pounds dati--madalas ng mga osong nahuhuli ko ay nasa 1300 pounds" seryosong tugon ng lalaki.

"Kakaiba ka talaga, huh" natawa si Ye Wan Wan. Kawili-wili ang taong ito.

"Ayos lang ako. Mayroong pamamaraan upang manghuli ng oso; hindi naman ito mahirap", sabi ng lalaki.

Napailing si Ye Wan Wan. "Ang ibig sabihin ko ay nagdadala ka pala ng timbangan pag naghuhuli ka ng oso."

Ng marinig ng lalaki ito, hindi siya natuwa dito at nagsalita, "Binibini, iniinsulto mo ba ako. Hindi ko sila kailangan timbangin--Alam ko ang timbang nila sa isang tingin ko lamang."

"Oh? Ano pala ang timbang ko?" Kaswal na tanong ni Ye Wan Wan.

Tinignan maigi pataas at pababa ng lalaki si Ye Wan Wan at tiwalang tumugon, "165 pounds, humigit kumulang sa 3 pounds at sobra."

Nagdilim ang panigin ni Ye Wan Wan bigla. Sinasadya ba talaga ng lalaking to na mangulo…

Ng makita ni Ye Wan Wan na onti na lang ang oras para mamili, at tila walang kwenta na pinagsasabi ng lalaki at tumalikod na siya papaalis.

"Binibini, hindi ka ba bibili ng kahit ano?" ang sigaw ng lalaki sa likod niya.

Nang marinig siya ni Ye Wan Wan, kinunsidera niya ito. Kahit na hindi niya alam kung saan gawa ang mga ito, maganda naman ang pagkakagawa dito at nagustuhan naman niya ang mga ito. Kaso wala siya gaanong perang dala kung kaya't kailangan niya agad bumili ng regalo.

"Mura lang!" Pilit na sinabi ng lalaki at patuloy na sumigaw.

Napahinto si Ye Wan Wan. Ng hindi tumatalikod, biglaang napasalita siya ng kusa, "Gaano ka mura?"

Lalaki: "100,000 para sa isa!"

Ye Wan Wan: "Paalam!"

Lalaki: "10,000!"

Hindi lumingon si Ye Wan Wan.

"1,000, Sagad na yan!" desperadong sabi ng lalaki.

"100!" Sigaw ni Ye Wan Wan pabalik.

"Bwisit, Pag tawad pa ba ito? 100,000 to 100! Pagnanakaw ito!" Sobrang pagkagulat ng lalaki.

Ngunit sa sumunod na iglap, biglang sumigaw ang lalaki takot na baka umalis si Ye Wan Wan, "Sige sige, 100 na, sapat na ito para makakain ako ng mga dumpling… sobrang hirap kumita galing sa inyong mga babae. Kung hindi dahil sa wala akong benta netong nakaraang tatlong buwan, hindi ko tatagapin kahit na mas mababa sa isang daang libo..."

Biglaan lang inalok ni Ye Wan Wan ang presyo na iyon at hindi niya iaasahan papayag ang lalaki dito. Gulat man, tumalikod siya agad at tinuro ang iskultura na nagandahan siaya. "Gusto ko ito, pakibalot naman."

Gayon pa man, Hindi siya luge dito at hindi siya dinaya ng ilang daang dolyar.

"Sige!" Kumuha ang lalaki ng magandang pang balot at inilagay ang iskultura dito.

"Binibini, ano ang iyong pangalan?" Tanong ng lalaki pagkatanggap ng bayad.

"Kung magtatanong ka ng pangalan ng iba, hindi ba't dapat sabihin mo muna ang pangalan mo?" patawang sabi ni Ye Wan Wan.

"Ako'y ang Nameless Nie" Sabi ng lalaki habang nakangiting sinasabi ang pangalan niya.

"Oh, Ako naman ay ang Famous Ye", sagot ni Ye Wan Wan.

Itong lalaking ito… hindi lang siya nagbebenta ng pekeng mga bagay, pati gamit niya pangalan ay peke, huh? Sino ang tatawaging Nameless?

"Anong klaseng kakaibang pangalan iyan? Inampon ka ba?" napatingin si Nameless Nie kay Ye Wan Wan, litong lito.

"Tingin ko inampon ka din, huh!" pangiti na si Ye Wan Wan at hindi na niya tinuloy ang walang kwentang pakikipagusap kay Nameless Nie. Tumalikod siya at naglaho patungo sa kalsada.

Matapos umalis ni Ye Wan Wan, inayos ni Nameless Nie ang kanyang lukot na denim na pantalon at sumandal sa gilid ng kanyang tindahan. Bumalik siya sa tamad niyang katayuan at pumwesto ng kumportable.

"Famous Ye… nakakawili..." ngumiti ang lalaki, kalmadong at masama ang kanyang expresyon.

"Mommy… Gusto ko ito..."

Sa panahong iyon, isang nanay at anak na nasa edad pito o walo ang lumitaw sa harapan ng kanyang tindahan at biglang napatayo si Nameless Nie, "Kapatid, magaling kang pumili. Ito ay puting osong nahuli ko sa hilaga ilang taon na ang nakalipas gamit ang mga kamay ko… tapos ginamit ko ang fur… eh… wag kayong umalis!"

Chapitre suivant