webnovel

Ipalit mo siya kay Gong Xu

Éditeur: LiberReverieGroup

Si Lin Hao ay isang artista na sumisikat palang; kumpara kay Luo Chen, maganda ang kinabukasan ng career ni Lin Hao. Sa loob ng tatlong taon, wala pa ring nakukuha na assignment si Luo Chen at dahil doon, kinalimutan na siya ng lahat...

Alam ng lahat ang tamang tao na pipiliin...

Natuto na sana ako… dapat alam ko na ito...

Tama si Zhou Wen Bin… wala… sa buong mundo… ang… gugustuhin… ako… wala...

Ang buhay ko… ay natapos na noon palang...

Nakakasuklam ang ekspresyon ni Zhou Wen Bin nang makita niyang sumang-ayon si Ye Bai. tinanggap niya agad yung hindi gaanong sikat na artista? Wala kang alam sa industriyang ito, Ye Bai.

Umaakto na nagiging mapagbigay si Zhou Wen Bin habang mapagmataas siyang nagsasalita. "Tapos na ang usapan dahil sumang-ayon na si manager Ye. Uutusan ko ang isa sa mga tauhan na dalhin dito ang engagement contract ni Lin Hao para pirmahan mo!"

"Saglit lang!" umentra si Ye Wan Wan kay Zhou Wen Bin.

Tumaas ang kilay ni Zhou Wen Bin, mukhang naiinis na siya. "Ano? May requests ka pa ba?"

Ngumisi si Ye Wan Wan at bigla siyang napatingin kay Zhou Wen Bin. May bahid ng pahamak ang bumalot sa mga mata niya habang nagsasalita. "Pwede kaming makipagpalitan, pero director Zhou, hindi ba masyadong mababa si Lin Hao? Kung gusto mong makipagpalitan… pipiliin ko si Gong Xu!"

Napahinto si Zhou Wen Bin nang maliwanagan siya sa demanda ni Ye Bai. Tila nag-iba ang kanyang mukha at binalot siya ng nagliliyab na galit, "Ye Bai! Ang tigas ng ulo mo! Sa tingin mo hahayaan 'kong itrato mo ako ng ganito? Narinig mo ba ang sinabi niya chairman Chu? Sinusubukang gumawa ng gulo ng mokong na ito!"

Kinumpara niya talaga ang walang kwentang artista na ito sa pinakasakit na artistang hinahawakan ko!

Kalokohan!

Kahit si Luo Chen ay nabigla sa sinabi ni Ye Bai. Hindi makapaniwala ang malinaw at bakante niyang mga mata...

Hindi nag-iba ang itsura ni Ye Wan Wan nang bigla siyang ngumisi, "Gumagawa ako ng gulo? Sino kaya sa ating dalawa ang gumagawa ng gulo? Chairman Chu, ikaw ang nag-utos sa buong Dazzling na kailangan nilang makipagtulungan sa akin…"

Sa sinabi niyang iyon, ang walang pakialam na bumalot sa mata ni Ye Wan Wan ay mabilis na nawala. Ang malamig niyang mga mata ay bumaling kay Zhou Wen Bin at bigla siyang nagalit, "Pero, bakit ganyan ka director Zhou? Hindi ba parte ka ng Dazzling Media, empleyado sa baba ni chairman Chu? O sa tingin mo ba ay pagma-may-ari mo ang Dazzling Media? Kaya wala ka nang pakialam sa desisyon ni chairman Chu? Hindi importante sayo ang sinasabi ni chairman Chu at lagi mong hinaharangan ang mga desisyon niya!"

Hindi binanggit ni Ye Wan Wan ang panghahalay ni Zhou Wen Bin kay Luo Chen dahil walang mangyayaring maayos kapag sinabi niya ito.

Una, isang mataas na manager at isang mababang klase ng artista ang pagpipilian dito--- halata naman ang taong papanigan ni Chu Hong Guang. Madalas talagang nangyayari ang ganitong mga bagay sa entertainment industry. Kapag nabanggit ang panghahalay, malamang, aakusahan ni Zhou Wen Bin si Luo Chen na nilalandi siya nito.

Sa tingin niyo, ano ang pinaka importante para kay Chu Hong Guang?

Ang kapangyarihan at estado niya.

At sa posisyon ni Zhou Wen Bin, tulad siya ng isang pinuno ng isang bansa na malayo sa Imperial capital. Protektado niya ang kanyang trono habang pinapa-laki niya pa ang army niya.

Ngunit, pangit sa entertainment industry na maging makapangyarihan ang isang manager. Sa isang buong gabi, mabilis na nasira ang isang batikang kumpanya dahil marami siyang hinawakang artista ngunit umalis siya ng kumpanya...

Pagkarinig sa sinabi niya, nasindak si Zhou Wen Bin sa mga katanungan ni Ye Bai kaya malamig siyang sumagot, "Ye Bai! 'Wag mong subukang mamagitan sa amin ni chairman Chu! Kelan ko sinabi ang mga bagay na iyon?"

Alam ng lahat na ayaw ni Chu Hong Guang na sinusubukan ang awtoridad niya at kapag may umaalis sa kanyang kapangyarihan.

At tulad ng inaasahan, biglang nag-iba ang itsura ni Chu Hong Guang.

Chapitre suivant