Hindi din makaimik ang ilang beses ng nasabadan na si Yan Zheng Yang sa pasabog na balita ni Gao Feng.
Matapos ang ilang segundo, nagising ang diwa ni Yan Zheng Yang at sinigawan si Gao Feng, "Great Reporter Gao, dapat may pinapakita tayong ebidensya sa mga sinsabi natin. Sa mga sinasabi mo, grabe ang pag-aakusa mo sa isang tao--masyado mong iwinaksi ang buhay niya! Hindi ka reporter, isa kang tagabintang lang!"
Naalala din Zhao Da Yong na ito ay isang press conference. Kinalma niya ang sarili at sabing, "Itong reporter na 'to, may ebidensya ka ba? Paano mo nagawang manira ng puri ng ibang tao?"
Halatang handa si Gao Feng sa tanong nila at bumulong, "Tsk, gusto mo ng ebidensya? Zhao Da Yong! Siguro hindi ka iiyak hangga't 'di mo nakikita ang hukay mo?"
Matapos magsalita ni Gao Feng, isang litrato ang lumabas sa screen.
Sa litrato, may isang batang babae at sa kanyang murang edad, makikita mo ang hugis niya. Mayroon lang siyang suot na panti at maliit na sando, na parang kakalabas niya lang galing banyo. Mukha siyang kabado sa harap ng kamera.
Ang batang babae sa litrato ay ang anak nila Mr. at Mrs. Zhao.
At pinalaganap ni Zhao Da Yong mismo ang litarto sa mga kaibigan niya. May caption pa na nagsasabing: "Anong tingin niyo sa anak ko?" at may nakangisi pang emoticon.
Nang lumitaw ang litrato, naawa ang lahat para sa dinanas ng bata.
"Diyos ko po! Halimaw talaga siya! Pati anak niya 'di niya pinalampas!"
"Paano niya nagawa 'yon?! Mga babae sa ganyang edad ay mahiyain talaga, okay? Bilang tatay niya, talagang ikinalat niya pa ang ganyang litrato ng anak niya sa kaibigan niya! Talagang nakakadiri!"
"Paano ba naging tatay ang taong tulad niya?"
Nang nakita ni Zhao Da Yong ang pag-aakala ng lahat na ang litrato ay ang ebidensya na ginahasa niya nga ang sarili niyang anak, namula siya sa galit at agad na sumigaw, "Normal na araw lang yan kasama ang anak ko!"
Nangutya si Gao Feng, "Tsk, normal lang 'tong klaseng litrato? Talagang itatanggi mo kahit na may ebidensya na sa pagmumukha mo, huh? Walang problema! Ayos lang kung hindi mo aminin! May testigo ako! Ngayon, talagang ilalantad ko ang totoong kulay ng bastardong 'to!!!"
Kasunod ng makapangyarihan at madamdaming pagsasalita ni Gao Feng, hinanda na ng mga press ang gamit nila at nag-antay sa susunod na ebidensya ni Gao Feng.
Nang 'di namamalayan, halos lahat ay sinubukang sundan ang iniisip ni Gao Feng...
"Noong isang araw, nakapanayam ko ang kapitbahay ni Zhao Da Yong at ng makuha ang pahintulot mula sa kanya, ni-rekord ko ang panayam na 'to…" ipinalabas ni Gao Feng ang rekord ng panayam.
Sa video, nakatago ang mukha ng lalaki sa mga lilim para maprotektahan ang pagkakilanlan ng taong nakapanayam ni Gao Feng.
Nagbago ang itsura ni Zhao Da Yong ng marinig na nakapanayam ni Gao Feng ang kanyang kapitbahay, at nakita ang pamilyar na pigura sa screen.
Sa puntong ito, nag-umpisa na agad ang panayam...
Gao Feng: "Base sa iyong impresyon, anong klaseng tao si Zhao Da Yong?"
Kapitbahay: "Lagi siyang tamad at 'di maayos yung pagtatrabaho niya…"
Gao Feng: "May mga masamang bisyo ba siya?"
Kapitbahay: "Pwede ba yung pagsusugal?"
Gao Feng: "Pagsusugal? Magaling ba siya d'on?"
Kapitbahay: "Dinig ko ho, pinangsugal niya yung pera pang ospital ng anak niya! Kung hindi dahil dun sa tulong ng artista, baka 'di na buhay yung anak niya ngayon! Maswerte din yon!"
Gao Feng: "Ano hong tingin niyo naman tungkol sa insidente na ginahasa daw nung artista na yun ang anak ng kapitbahay niyo?"