Lumabas si Ye Wan Wan sa kotse. Bago siya pumasok sa exam hall, tinext niya muna si Ye Mu Fan: [Ge ge [1], magkikita ba tayo pagkatapos ng exams?
Tinawagan niya noon ang kanyang kuya tungkol sa nangyari kay Shen Meng Qi sa eskwelahan, pero hindi siya nag-reply at hindi niya rin sinasagot ang tawag ni Ye Wan Wan.
Katulad ng bato na nakalunod sa malaking karagatan ang mga messages ni Ye Wan Wan kay Ye Mu Fan.
Naghintay muna ng matagal si Ye Wan Wan sa reply ni Ye Mu Fan bago niya in-off ang kanyang phone at itinapon na niya ang bumabagabag sa kanyang isip. Huminga siya ng malalim at naglakad papasok sa exam hall.
Hayaan mo na, malaya naman na ako. Pagkatapos ng exams pwede ko na siyang puntahan kahit anong oras.
Sa loob ng dalawang araw, ang atensyon at lakas ni Ye Wan Wan ay nakatuon sa exams lamang.
At sa pangalawang araw, pagkatapos ng kanyang math exams ang huling araw niya sa high school.
Kompormeng naglakad palabas ng exam hall si Ye Wan Wan, tiningnan niya ang makulay na langit sa itaas at naramdaman niyang ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang buhay.
Nasiyahan ang lahat ng estudyante at lumapit sila sa sumusundo nilang magulang na parang mga ibon na nakawala sa hawla.
Umaligid ang mata ni Ye Wan Wan sa maraming tao at bigla napahinto siya sa isang pamilyar na itsura...
Papa…?
Gayunpaman, sinubukan niyang lapitan ang nakita niya ngunit bigla itong naglaho.
Baka guni-guni niya lang ito dahil sa namimiss niya na ang kanyang tatay...
"Wan Wan!"
Nanggaling sa likod niya ang boses no Jiang Yan Ran na katabi si Chu Feng.
Coincidence na magkasama sila ni Jiang Yan Ran sa iisang eskwelahan sa taas ng exam hall.
"Kamusta exam mo Wan Wan-jie? Siguro ginalingan mo noh?!" Natutuwang sinabi ni Chu Feng.
"Okay lang naman, kayo ba?" Tanong ni Ye Wan Wan.
Umiling ang ulo ni Chu Feng dahil nahihiya siya, "Hindi ko sinagutan yung huling tanong sa math, masyado kasing mahirap; hindi ko alam na may ganun kahirap na tanong! Nagtatalo ang lahat kung nakasama ba iyon sa syllabus natin!"
Medyo naubo si Ye Wan Wan, "Mahirap ba talaga?"
Nasa syllabus ang tanong na iyon; ang tanong na iyo ay pinagsama-samang chapters na nilagay sa isang malaking tanong.
Petiks ito kumpara sa mahihirap na tanong na binigay sa kanya ni Si Ye Han.
Noong una, gusto lamang ni Ye Wan Wan ng saktong grade na papasa. Basta't hindi hihilahin ng grade niya sa math ang ibang grades niya, hindi ito magiging problema sa pagpasok niya sa Imperial Media dahil sa kanyang liberal arts grade.
Pero ang kanyang tutor ang dedikado sa pagtrabaho-- tinuro niya ang bawat isang tanong para sa kanya, simula sa pinaka simple hanggang sa pinaka mahihirap.
Napansin ni Ye Wan Wan na parang may gumagambala kay Jiang Yan Ran kaya nag-alala siyang nagtanong, "Anong problema, Yan Ran? Nahirapan ka ba sa exams mo?"
Umiling si Jiang Yan Ran habang nakatingin sa screen ng kanyang phone, natutuliro siya, "Hin...Hindi…"
Tumulo ang mga luha niya pagkatapos niyang magsalita.
Nabigla si Ye Wan Wan, "Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?"
Niyakap niya si Ye Wan Wan at patuloy na umiyak, "Bakit nangyari ito? Hindi ako makapaniwala! Bakit gagawin ito ng asawa ko?! Hindi bastos ang asawa ko!"
Naguguluhan si Ye Wan Wan, "Huh? Asawa mo? Si Chu Feng ba? Anong ginawa niya sayo?"
Sumama ang loob ni Chu Feng sa pangyayari na napangiwi ang kanyang mukha na parang nilusaw ng sikat ng araw, "Wanwan-jie, hindi ako ang tinutukoy ni Yan Ran--ang tinutukoy niya ang kanyang idol na si, Han Xian Yu!"
Ah… ano ba ang nangyari…?
Nagulat si Ye Wan Wan nang marinig niya ang pangalan na "Han Xian Yu"-- ha? may nangyari na kaagad sa kanya? Ambilis naman?
Sa pagkakatanda niya, mangyayari ang balitang ito sa nalalapit na mga araw kaya madalas niyang sinusubaybayan ang balita. Sinong mag-aakala na mauuna pa sa balita ang super fan na si Jiang Yan.
Pumunta siya sa mga popular websites sa kanyang phone. Nakita niya na habang sila ay nagsasagot sa exams, makalipas ang ilang oras lamang ay naka-post ang pinakapasabog na balita sa lahat ng websites: Asia's Most Popular Prince ay isa palang PAE.DO.PHILE!