Kumurap-kurap si Ye Wan Wan nang makita niyang hindi na gumagalaw si Si Ye Han.
Nakatulog ba siya?
Wow, gumana pala talaga!
Natandaan niya noong nagising si Si Ye Han dahil sa ringtone ni Xu Yi. Noong oras na iyon, katulad ng ginawa niya sinubukan niyang patulugin si Si Ye Han at sinubukan niya ulit gawin iyon ngayon at gumana ulit ito sa sobrang desperado niyang patulugin si Si Ye Han.
Sa awa ng diyos, buti na lang. Halos mamatay ako sa sobrang takot...
Nagiging kakaiba habang lumilipas ang ilang taon--- meron kasing seryosong sakit si Si Ye Han na insomnia sa unang buhay ni Ye Wan Wan; napakalala nito na wala silang mahanap na lunas, kaya nakakapagtaka kung bakit nakakatulog agad si Si Ye Han sa buhay ni Ye Wan Wan ngayon.
Akala niya noon ito ay isang pagkakamali lamang; pero ayon sa pag-obserba niya ng halos isang buwan sa lalaki, hindi maari na isang pagkakamali lamang ito.
Dahil ba nabuhay ulit siya kaya may mga bagay na nagbago?
Tulad ng butterfly effect; ang maliit na pagbabago ay may hindi inaasahang may madadalang malaking pagbabago sa hinaharap.
Kung ano man ang rason, ayaw nang umalis ni Ye Wan Wan sa kanyang pwesto para hindi niya magising muli si Si Ye Han.
At dahil sa sinabi ni Si Ye Han, "Kaya mong sagutan ang mga tanong kahit nakapikit pa ang mga mata mo," ang nag-aalalang puso ni Ye Wan Wan ay kumalma.
Tama, anong kailangan kong ikatakot? Nasaulo niya ng isang basahan lang ang liberal notes at sa math, mabilis siyang humusay dahil sa paggabay sa kanya ni Si Ye Han. May mga natapos na rin siyang mock papers sa kanyang bahay noon at hindi baba ang score niya ng 140 points.
Habang iniisip niya ang mga ito, unti-unti siyang inantok hanggang sa wakas ay nakatulog na siya...
Kinabukasan:
Masigla ang gising ni Ye Wan Wan dahil sa wakas nabayaran niya na ang kanyang tuition fees.
Bumangon siya at tahimik na inangat ang mga kumot para makapaghanda siya papuntang eskwelahan.
Ngunit hindi siya madaling nakaalis sa kama dahil may mga kamay na bumalot sa kanyang baywang at tinulak siya pahiga sa mga unan.
Tumingin si Ye Wan Wan sa lalaking katabi niya at nanghihina siyang nagsalita, "Uh… lumipas na ang… walo...walong oras…"
Lumiwanag ang sinag ng araw sa pagitan ng kurtina at dumapo sa magandang mukha ni Si Ye Han, tila ang inaantok niyang mga mata ay mga ulap na nangaakit papasok sa kagubatan…"
Hindi sigurado si Ye Wan Wan kung guni-guni lamang ito kasi mas nagiging gwapo si Si Ye Han ngayon; parang mamahaling porselana ang kanyang balat na napakakinis--mas maganda pa kesa kay Ye Wan Wan. Madalas, nakakalimutan ni Ye Wan Wan ang kanyang takot at naaakit na hawakan ang mukha ni Si Ye Han tuwing tulog...
Hindi kaya tama ang siyensya tungkol sa epekto ng "beauty sleep," kaya kapag natutulog siya ay lalong siyang nagiging gwapo?
"7 hours 59 minutes 31 seconds ang lumipas…"
Pagkasabi niya nito, nagpatuloy siya sa hindi natapos na diskusyon kagabi.
Nabigla si Ye Wan Wan habang hinahalikan ang kanyang collarbone.
Ang dedikasyon niya! Natatandaan niya pa rin kahit na ilang oras lang ang kanyang tulog?
29 seconds na lang ang natitira, anong gagawin mo?
Maingat na inangat ni YE Wan Wan ang kanyang braso...
Dahil alam na ni Si Ye Han ang pandaraya ni Ye Wan Wan, mabilis niyang tinulak pababa ang kanyang braso sa may unan.
Nanliit ang nakakatakot at malamig niyang mga mata, mabagsik niyang hinalikan si Ye Wan Wan bilang patikim ng kanyang parusa.
"Da" tumunog ang orasan ng saktaong 6 o'clock habang takot na takot si Ye Wan Wan.
Galing sa sobrang hilo at hirap ng paghinga, bumalik sa katinuan si Ye Wan Wan. Napansin niya na wala na si Si Ye Han sa kama at tinanggal ang kaynag pajamas habang naghahandang magpalit ng kanyang damit.
Ang suot niya ay black pants at puting damit na may butones hanggang sa kanyang leeg. Ang ulap sa mga mata niya ay naglaho at naging alerto ang kanyang itsura, bumalik bilang manhid na immortal na pinalayas galing sa langit ngunit malayo siya sa lebel ng mga normal na mortal.
Habang siya'y nagbibihis, manhid na ekspresyon ang marka ng mukha niya sabay nag-utos, "Tumayo ka diyan at mag-ayos ka."
"Ah…" Tuliro at gulat na gulat si Ye Wan Wan.
Napakalma niya ang kanyang sarili kahit kanina umaakto siya na parang animal… nakakatakot talaga ang lalaking ito.
Meron siyang kontrol sa kanyang sarili para talunin ang tawag ng laman at instincts ng lalaki, pero bakit mabilis siyang magalit sa hindi maintindihang mga rason?
Dahil magagalitin at walang kontrol si Si Ye Han sa kanyang emosyon, malaki ang takot ni Ye Wan Wan sa kanya.
Katulad ngayon, tinitingnan niya ang nag-daydream na si Ye Wan Wan. Ang bakas ng lamig sa kanyang mukha ay may kumukulong bagyo na binabahagi. "Anong iniisip mo?"
Nakalimutan niya na isa sa mga pinagbabawal ni Si Ye Han ang pag-iisip niya ng ibang bagay habang magkasama sila. Kaya isinantabi ni Ye Wan Wan ang kanyang iniisip, "Wala wala, masyado akong nabighani sa katawan mo kaya hindi ko napansin na matagal pala akong nakatitig sayo!"
Buti na lang…noong nabuhay ako ulit may nagkaroon ako ng kakayanan sa pag-survive...