Agad na nakaramdam ng sigla si Ye Wan Wan ng sandaling nalaman niya na maari na siyang makauwi.
Kinuhanan niya ng temperature ang kaniyang sarili, tinawag niya ang matandang doktor upang tignan ulit ang kaniyang pulso upang maka siguro na ayos na siya, kusang tinawagan ni Si Ye Han si Xu Yi upang hatid pabalik si Ye Wan Wan.
Marahil dahil sa siya ay na homesick at natakasan ang kamatayan, kaya tila biglang kinabahan si Ye Wan Wan dahil sa wakas ay makikita na rin niya ang kaniyang mga magulang.
Matapos nilang malugi, humanap ng tirahan ang mga magulang ni Ye Wan Wan sa bahay ng ina ng kaniyang tito at naninirahan pa rin sila doon hanggang ngayon.
Ang kaniyang tito na si Liang Jia Hoa ay pangkaraniwan lamang at talagang walang kaya. Nagtapos siya sa pangkaraniwang unibersidad, wala rin siyang natatanging abilidad at wala pang nakakamit na kahit ano sa buhay. Kahit na ang kaniyang kasal ay binayaran at magulang din ni Ye Wan Wan ang nag asikaso, at ang bahay na kaniyang tinirahan matapos ang ikasal ay nakapangalan pa sa ama ng tatay ni Ye Wan Wan.
Makalipas ang ilang taon, sa ilalim ng financial assistance ng kaniyang ama, siya ay naging small boss ng sarili niyang kumpanya na naging daan sa maginhawang buhay. Ang kaniyang tita ay full-time housewife, sa bahay lamang ito upang tulungan sa pag-aaral ang kaniyang anak na babae.
Kung tama ang pagkakaalala niya, ang kaniyang pinsan na si Liang Shi Han ay dapat nasa senior year na ngayon, na kasama niyang naghahanda para sa college entrance exam.
Arogante at matigas ang ulo ni Liang Shi Han. gustong gusto niyang makipag kumpetensya kay Ye Wan Wan--kapag merong bagong laruan si Ye Wan Wan, gumawa din ng paraan si Liang Shi Han upang makuha ito.
Mahal ng kaniyang ina ang kaniyang bunsong kapatid na lalaki simula pa ng sila ay mga bata pa pati na rin ang kaniyang pamangkin. Kung anong regalo ang binibigay niya kay Ye Wan Wan ay ganun din ang binibigay niya kay Liang Shi Han. Tinatrato din niyang parang tunay na anak si Liang Shi Han. Na ikanaseselos ni Ye Wan Wan at madaming beses na pinag-aawayan nila ng kaniyang ina
Matapos ang insidente, ang natural na nakasanayang gawin ng kaniyang ina ay ang pumunta sa kaniyang nakababatang kapatid...
Malalim ang iniisip ni Ye Wan Wan. Hindi nag tagal dumating na ang sasakyan sa grupo ng mga villa.
Ang kapaligiran at mga halaman ay maganda sa paningin. Bawat isang villa ay may tig-iisang malit na hardin.
Agad na pinakiusapan ni Ye Wan Wan si Xu Yi na ihinto ang sasakyan ng makita ni Ye Wan Wan ang isang pamilyar na gusali mula sa malayo.
Na tila ba parang lalabas siya ng sasakyan, ang nasa driver seat na si Xu Yi ay biglang humarap sa kaniya ng agrabiyado.
Kinilabutan si Ye Wan Wan ng makita niya ang expression ni Xu Yi, "Housekeeper Xu, May sasabihin ka ba?"
Ano ang kaniyang gusto, na mukha siyang mamamatay na sinasabi ang kaniyang huling salita?
Patuloy pa din na nakatingin si Xu Yi sa kaniya, na agrabiyado, "Ms Ye, Single pa din ako, wala pa akong asawa…."
Ye Wan Wan, "So?
Xu Yi, "Hayaan mo naman akong mabuhay hanggang sa araw na ikasal ako, deal?"
Iniisip ko lang na merong sariling prinsipyo at limitasyon ang master… ngunit ang gabing iyon, pinayagan talaga ni master si Ye Wan Wan na umuwi...
Nang umalis na siya ng bahay ngayong araw, humiling siya ng marami pang tauhan sa kaniyang master upang sundan ng maigi si Ye Wan Wan, ngunit mag-isa ang siyang pinapunta ng kaniyang master upang ihatid si Ye Wan Wan.
Ang ibig sabihin nito wala siyang intensyon na bantayan ang mga galaw ni Ye Wan Wan...
Ngunit kapag siya ay nawala, ang kanyang ulo ay ilalagay sa chopping block!
Ang gilid ng labi ni Ye Wan Wan ay kumislot, "kung nag-aalala ka, pwede mo naman akong samahan!"
"Talaga, pwede?" nag liwanag ang mga mata ni Xu Yi.
Ye Wan Wan: "Sure! Kadalasan, napagkakamalan ka ng mga magulang ko na boyfriend ko!"
Xu Yi: "...dito na lang siguro ako sa kotse maghihitay sayo!"
Tumigin si Ye Wan Wan sa abot ng kaniyang tanaw at malinaw na sinabing, "Wag ka mag-alala hindi ako tatakas dahil ayoko pa din mamatay agad… isang araw… kapag nakuha ko na ng tuluyan ang kalayaan ko, gusto ko magkaroon ng 180 na mga batang gigolo at magbukas ng 3000 na harem…"
Xu Yi: "...!!!"
What the! Aking giliw! Wag ka magsalita ng kung ano-anong nakakatakot, pwede ba?
Ang mas mahalaga, hindi ako makapaniwala na sinabi niya ang bagay na iyon upang marinig ko!
Ayoko makarinig ng kahit anong ganito!
Tinamaan ba ng lagnat ang kaniyang utak?!
Nakita ni Ye Wan Wan ang takot sa itsura ni Xu Yi at iningiti ang kaniyang labi. Alam naman niya na hindi magtatangkang sabihin ni Xu Yi ito kay Si Ye Han kaya hindi mahalaga sa kaniya kung marinig ito ni Xu Yi. gayon pa man, kahit magpanggap pa siya o hindi, hindi maniniwala ang mga tauhan ni Si Ye Han sa kaniyang sinabi.