webnovel

Ang tunay na depinisyon ng kagandahan

Éditeur: LiberReverieGroup

"Ang galing napaka-creative hahaha, sumasakit ang tiyan ko! Dali, dalian niyong lahat at ilabas niyo ang phones niyo at picturan natin ang totoong itsura ng ugly freak!"

"Lumapit kayo! Tingnan niyo kung gaano kaganda si Snow White! Hahahaha…"

May mga babaeng nakakuha ng water hose at ini-spray nila ang tubig sa mukha ni Ye Wan Wan.

Nababalot ng nababaliw na tawanan at masayang hiyawan ang buong hall na para bang sasabog ang bubong!

Sa hindi kalayuan, pinagtutulak palayo ng mga tao si Jiang Yan Ran kaya hindi talaga siya makasingit; ang magagawa niya na lamang ay tumayo at manood kahit na malapit na siyang mapaiyak.

Meron mga komunidad na ganito sa maraming eskwelahan--target na inaapi kung sino ang nasa mababang klase ng pamilya.

Naging target din tuloy si Ye Wan Wan dahil hindi siya kagandahan.

Gawa sa balat ng hayop ang costume ni Ye Wan Wan at water-resistant ito, pero ang nasa layer sa labas ang balahibo kaya sinisisip nito ang tubig. At sa puntong iyon, kasing bigat ng bakal na nakapalupot sa kanyang katawan ang costume na basa. Ang basa na wig ay hindi rin niya matanggal sa natutunaw niyang makeup kaya tuna na kagimbal-gimbal ang kanyang itsura.

Mas lumalakas ang tawa ng mga tao tuwing lumalala ang kaawa-awa niyang itsura. Habang tumatagal, dumarami ang mga tao na pumapasok sa hall.

Tapos na ang kanilang performance pero kasisimula palang ng masayang piyestahan...

Nakatayo si Ye Wan Wan sa gitna ng entablado, kahit saan siya lumingon patuloy pa rin siyang sinasabuyan ng tubig nga mga tao. Kahit saang direksyon hindi siya nilulubayan ng mga bumabasa sa kanya.

"Tigilan mo na ang pagtatago mo Ugly Freak! Ano ba ang tinatago mo?"

"Hindi ba sabi mo kasing ganda mo ang anghel? Ipakita mo ito sa lahat!"

"Dali panoorin niyo, ang pinaka-pangit na babae sa balat ng Qing He, ipapakita na niya ang kanyang mukha!"

Tahimik na nakatayo si Cheng Xue sa oras na iyon, suot niya pa rin ang magandang gown at maamong makeup habang humahanga siya sa mukha ni Ye Wan Wan na nakatago sa magulong wig. Natutuwa siya habang nakikita si Ye Wan Wan na parang clown, nagbibigay ng aliw sa entablado.

Tsk, mababa pa sa pangit at maduming bulate. At sinubukan niya pa talagang nakawin ang lalaki na para sa akin?!

Lumiit ang nagagalit na mga mata ni Ye Wan Wan, dahan-dahan na isinasara ang kanyang palad na parang gusto niyang manapak. Sa wakas, nilabas niya ang pagkagalit sa mga pilyong pinapahiya at sinasaktan siya.

Hindi na nakapagtimpi si Ye Wan Wan kaya tumigil na siyang magtago at hindi na rin siya gumalaw sa pwesto niya. Binaba niya ang kanyang mga braso na humaharang sa hampas ng tubig.

Sumunod, ang kanyang mga daliri ay nasa kwelyo niya habang paisa-isang tinatanggal ang butones ng kanyang costume.

"Wooooow! Tingnan niyo siya! Naghuhubad ang ugly freak sa harapan ng lahat! Wala siyang hiya!"

Kahit ang dalawang babae na nagsasaboy sa kanya ng tubig sa hose ay tumigil sa kakasaboy at inilabas ang kanilang phones para videohan si Ye Wan Wan.

Mas kapanapanabik ito kesa sa performance kanina!

Hindi tumigil si Ye Wan Wan na tanggalin ang kanyang butones, kahit pa pumipito at nagsisigawan na ang mga tao. Patuloy lang niya itong tinatanggal hanggang makaabot siya sa baba.

"Bogsh!" Nalaglag ang mabigat niyang costume. Tinanggal niya rin ang inner-lining ng costume niya hanggang ang matira na suot niya ay simpleng puti na dress.

Pagkatapos, ginamit niya ang inner-lining ng costume para punasan ang ekstrang dumi sa mukha niya.

At sa huli, ginamit niya ang kanyang mga daliri para tanggalin ang wig niyang babad sa tubig at headgear sa kanyang ulo.

Parang talon na nalaglag ang buhok niyang sobra ang pagka-itim nang tanggalin niya ang ipit at nahulog ito sa kanyang braso. Ang mukha niya na nakatago kanina sa kanyang wig ay ipinakita na niya sa lahat. Makikita sa malaking screen sa likod niya ang ang kanyang imahe, malaki ito para makita ng lahat...

Ang kuliglig tuwing winter ay tahimik tulad na rin ng kaninang binabalot na hiyawan sa malaking hall ay mabilis na nawala.

Mga taong pumipito, sumisigaw at ang mga nag-video ay nakatulala sa babaeng may maitim na buhok sa tulad ng talon, ang balat ay kasing puti ng snow at wala kang masasabe sa ubod niyang kagandahan. Lahat sila ay nagulat at nabighani.

Habang binabalot ng katahimikan ang hall, tinapon ng babae ang kanyang wig sa lapag. Tinaas niya ang kanyang ulo habang nakatitig ang kanyang malamig at kumikinang na nagsasalita niyang mga mata, dahan-dahang sinasabi ang bawat salitang, "Tapos na ba kayo?"

Eto ang tunay na depinisyon ng kagandahan...

Kahit pa kasing lamig niya ang yelo, ubod siya ng kagandahan….

Chapitre suivant