webnovel

Malupit at masama

Éditeur: LiberReverieGroup

"Tama ang daddy mo, Yan Ran. Kung may nangyari sayong masama, hindi namin alam kung kaya pa naming mabuhay!"

"Sorry… Sorry… Daddy… Mommy… Naging makasarili ako… hindi na po mauulit…"

Humagugol sa iyak si Jiang Yang Ran sa harap ng kanyang magulang at nilabas ang bigat sa kaniyang puso.

Hinintay ni Ye Wan Wan na kumalma silang tatlo ng kaunti, pagtapos, tinanong niya, "Tito, tita, paano po siya magkakaroon ng katarungan?"

Malamig na sinabi ni Mr Jiang, "Malinaw naman na susundin natin ang hiling ng malupit at masamamng anak ng Song family, itigil ang kasal!"

Jiang Yan Ran revealed a worried look, "But both our families have had such a long relationship and have many intertwined businesses and projects..."

Tila nag-alala si Jiang Yan Ran, "Matagal na ang pinagsamahan ng dalawang pamilya natin at di ba may mga business at projects din na kasama ang Song family…"

Binigyan ng tiyak na tingin ni Mr Jiang ang kanyang anak, "Yan Ran huwag kang mag-alala tungkol diyan at hayaan mo si daddy. Mabuti nang malaman namin ngayon--kung na-late kami ng isang araw lang, bilyon na pera ang mapupunta sa account ng Song family! Kukunin ko na lang ang perang iyon at ipapakain sa mga aso, kesa ibigay ko sa kanila."

Nang makita ang reaksyon ni Mr Jiang, nakahinga ng maayos si Ye Wan Wan, "Mr Jiang, ang galing mo! Yan Ran, wala ka na dapat ipag-alala! Kailangan mong ayusin ang iyong sarili para kay tito at tita!"

"Tama si Wanwan, bakit napaka-hina naman ng anak ni daddy? Hindi dapat natin hayaan na mababa ang tingin sa atin ng iba!"

Nag-aalala na tinignan ni Mrs Jiang ang kanyang anak na nasa kama, "Ano na ang gagawin natin ngayon? Hindi tayo pwedeng magtagal sa paaralan. Yan Ran, gusto mo bang umuwi sa bahay ng dalawang araw?"

Tumindig ang ulo ni Jiang Yan Ran at desididong sinabi, "Daddy, Mommy, okay na ako. Napag-isipan ko na ang bagay bagay at ayoko naman maging gambala ito sa pag-aaral ko."

Naisip ng mag-asawa na naayos na ng anak nila ang mabigat na dalahin niya pagtapos nila itong pakinggan. Sobrang naginhawaan ang mag-asawa.

"Wanwan, guguluhin ka namin paminsan-minsan para alagaan si Yan Ran, Hindi namin alam kung pano ka namin pasasalamatan sa ginawa mo!"

"Yes! Salamat sa lahat ng ginawa mo!"

Pauli-ulit na nagpasalamat ang mag-asawa kay Ye Wan Wan. Pagkatapos nun hindi pa din nila maiwasang mag-alala para kay Yan Ran, sinubukan pa nilang kausapin ito ng saglit bago sila umuwi."

Kahit na ayaw pa nila umuwi, kailangan, dahil bibigyang hustisya nila ang ginawa sa kanilang anak!

Nung umalis na ang mag-asawa, seryosong tinitigan ni Jiang Yan Ran si Ye Wan Wan, "Ye Wan Wan…"

Humarap siya kay Yan Ran ang nagtanong, "Ano yun?"

Namumula ang mata ni Jiang Yan Ran, "Salamat! Salamat ng madami!"

Kung di dahil kay Ye Wan Wan, sa ugaling kong ito, tinago ko na ito kay mommy at daddy. At kung sasabihin ko man sa kanila, huli na ang lahat nun.

Ngumiti at nangasar si Ye Wan Wan, "Hindi sapat ang pagsabi ng thank you, Kung gusto mo talaga magpasalamat, ibigay mo sa akin ang buong katawan mo~"

Natuwa si Jiang Yan Ran, "Sige pagpasok ko sa entertainment field, isasama kita. Ngayon pa lang nakikita ko na ang acting skills mo ay makakatalo sa magagaling na actors, at ang iyong PR crisis-solving skills ay napakahusay!"

"Tama yun, good call!" Tumango si Ye Wan Wan at sumang ayon, at sabi nito, "Sige, ngayon maayos na ang problema sa magulang mo, wag ka na masyadong mag-alala. Maglagay ka ng facial mask at magpahinga ng mahimbing. Sabihin mo sa guro mo na magpapahinga ka bukas. Magpahinga ka at ayusin mo ang pag-iisip mo. Step two tayo pagtapos ng klase bukas!"

"Step two?" nagulat si Jiang Yan Ran.

"Bibigyan ka ng makeover!" Tumango sa pagsang-ayon si Ye Wan Wan.

Tsk! Natandaan ko bukas pagtapos ng klase, may basketball match sa Qing He laban sa malapit na paaralan! Magandang pagkakataon iyon para gumawa ng ikagugulat ng lahat.

Chapitre suivant