Chapter 679: Walang Nagtagal ng Isang Linggo
Nang makita niya kung paano nasamid si Lu Jingli dahil sa impormasyon, hindi mapigilan ni Lu Tingxiao na mapangiti. Ang puso niya, na mabigat kanina, ay parang gumaan ng kaunti.
Kailangan niya klaruhin ang isip niya.
Ang bilis ng mga pangyayari na pakiramdam niya ay hindi ito totoo. Natatakot siya na baka magising siya at malaman na panaginip lang ang lahat. Ang mas nakakatakot pa, may posebilidad na sinabi niya lang lahat iyon dahil sa init ng mga pangyayari at babawiin niya ito at pagsisisihan. Natatakot siya na saglit lang ang kasiyahan na ito at baka hindi niya malabanan ang clair-de-lune sa puso ng babae...
Sa huli, ang pinakamalaking kawalan ay mararamdaman hindi dahil sa hindi mo nakuha ang isang bagay kundi dahil sa pagkawala nito pagkatapos mong matikman.
Ngayon, ang kaligayahan niya ay nagdadala ng pagdurusa sa kanyang puso.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com