Chapter 512: Hindi Mapigilang Mapalapit
Matapos niyang maayos ang tutuluyang silid ng bid bun, kailangan namang patulugin ang little bun.
Gusto ng little bun na kumanta si Ning Xi.
Sa huli, kahit nakailang kanta na si Ning Xi, nakatitig pa rin ang bata sa kanya, walang intensyong matulog na.
"Hindi ka pa ba inaantok? Gusto mo ba kwentuhan kita?" tanong ni Ning Xi.
Umiling ang little bun.
Napahawak si Ning Xi sa kanyang baba, "Gusto mo pang kumanta ako?"
Tumango ang little bun.
"Hindi mo nagustuhan 'yung kinanta ko kanina?" tanong ni Ning Xi.
Tumango ulit ang little bun.
Napagtanto ni Ning Xi, "Eh di...ibang kanta naman?"
Patuloy lang ang pagtango ng little bun, gusto niya na itong marinig ngunit natatakot din siyang madismaya.
Pinag-isipan muna ito ni Ning Xi saka sinimulang kantahahin, "Sleep, sleep, my dear baby, mother's hands will caress you lightly…"
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com