webnovel

Nailigitas ang Isang Siopao

Éditeur: LiberReverieGroup

CHAPTER 4: Nailigitas ang Isang Siopao

Takot na takot ang bata kay Ning Xi at lalo pang namutla.

Samantala, umupo si Ning Xi saglit sa tabi ng batang siopao at walang ibang ginawa maliban sa pumikit para matulog.

Buong gabi kasi siyang kasama ni Chang Li na nag-ikot para makipag-inuman sa mga tao, nakakagulat na lang siguro kung 'di sasakit ang ulo niya.

Pagkagising mula sa pag-idlip, naramdaman ni Ning Xi na mainit-init ang kanyang binti. Pagtingin niya rito ay nakita niya ang batang siopao na nakakapit sa kanya at hawak-hawak rin ang ilalim ng kanyang suot na damit.

'Di naiwasan ni Ning Xi na matawa.

Noong nakatira pa siya sa may countryside, nag-alaga siya ng pusa. Takot na takot sa tao at duwag 'yung pusang 'yun. May makita lang na tao, tumatakbo agad papalayo. Pero kapag naman 'di mo siya pinansin, unti-unti ring mabawasan ang takot niya at magsisimulang lumapit, minsan pa nakikiupo o higa siya sa tuhod ng tao para makitulog.

Napansin ng batang siopao ang tingin ni Ning Xi at namula sa hiya ang maliit na mukha nito. Pero 'di tulad kanina, 'di na puno ng takot ang bata, tila curious na ito.

Para talaga siyang 'yung pusa, kahit facial expression nila magkatulad.

Napakunot ang labi ni Ning Xi at 'di mapigilan ang kamay nang haplusin niya ang buhok ng bata.

Napasimangot siya nang hawakan ang bata.

Bakit ang init ng noo niya?

"May lagnat ka ba?"

Hanggang bukas siyang ikukulong ni Chang Li dito, at least hanggang matapos ang audition, o baka mas mahaba pa.

Kung lumala 'tong lagnat ng bata baka maging delikado at ikamatay pa.

Sa pag-papanic niya, may narealize siya. Parang may mali… namatay na ang ilaw kanina pero bakit may liwanag pa rin sa loob ng kwarto?

Pagtingala ni Ning Xi, napansin niyang may maliit na skylight pala sa itaas kaya may pumapasok na liwanag. Naghanap siya ng magagamit mula sa storeroom at nakakita ng maakyatang ladder na inilagay niya sa tabi ng bintana.

"Siopao, halika dito! Tutulungan kitang makalabas."

Sa unang pagkakataon, nagpakita ng reaksyon ang bata. Umiling lang siya at parang desididong 'wag umalis sa kwarto.

Tinignan siya ni Ning Xi at naintindihan ang ibig niyang sabihin. Napangiti siya tapos kinurot nang marahan ang pisngi ng bata.

"Dahil ba ayaw mo 'kong iwan? Sasamahan mo talaga akong magdusa dito? Sige na umakyat ka na, masyado kasing maliit 'yung bintana para sa'kin kaya 'di ako makakasama palabas. Pero 'pag nakalabas ka na, pwede ka humanap ng magliligtas sakin, ayos ba 'yun?"

May pag-aalinlangan pa rin ang bata kaya binuhat na siya ni Ning Xi at ipinwesto sa hagdan.

"Sige na, big boy ka na. 'Wag ka matakot, nandito lang ako sa baba para bantayan ka."

Matapos masigurado na ligtas nang nakalabas ang bata, bumaba na si Ning Xi sa hagdan pero bigla naman siyang nakaramdam ng pagkahilo at nawala sa balanse kaya nadulas at nahulog sa sahig.

Sa labas ng bintana, nakita ng bata ang nangyari at ang kaninang halos blangkong mukha niya ay naging puno ng takot.

Pinilit ni Ning Xi na magsalita. "Sige na, umalis ka na..."

Sa ilalim ng liwanag ng mga tala, maputla at mukhang mahina ang mukha ni Ning Xi pero 'di pa rin maipagkakaila ang ganda niya. Lalo na ang mga mata niya, may kinang at gilas na parang karagatang puno ng mga constellation.

Malayo na siya sa dating probinsyana at hindi kaakit-akit na dalaga ng nakaraan.

Pero ano pa'ng silbi 'nun?

Napangisi na lang si Ning Xi. 'Di pa siya nakakapaghiganti, pero andito siya sa sahig at baka mamatay pa sa pagkahulog.

At least bago mamatay nakagawa naman siya ng kabutihan – may nailigtas siyang batang siopao.

Kung 'di namatay noon ang dinadala niyang bata, magkasing-edad siguro sila ngayon ni siopao.

Noong nakaraang limang taon, pagkatapos ng aksidente, ikinahihiya siya ng Ning family kaya pinadala siya sa bansang M, sa isang 'di kilalang university na para sa mga mayayamang batang walang direksyon ang buhay. Parang pinabayaan na lang siya para buhayin ang sarili niya.

Umalis rin siya sa paaralang 'yun at nag-apply sa Nanjia Univeristy kung saan nag-aral siyang mabuti ng kung ano man ang kaya niyang aralin.

Ginawa niya ang mga ito para matalo si Ning Xueluo, para makuhang muli ang mga inagaw mula sa kanya.

Lalong lalo na ang pag-arte na siyang ultimate dream ni Ning Xi.

Pagkabalik sa bansa, ginamit niya ang kanyang ganda at galing para makuha ang atensyon ni Chang Li. Kaya't matagumpay niyang napasok ang Starlight Entertainment, isa sa pinakamalalaking kumpanya sa industriya ng entertainment.

Noong una, ang pagiging bahagi ng Starlight ay nagbukas ng maraming oportunidad para sa kinabukasan ni Ning Xi. Pero nang pumasok rin sa kumpanya si Ning Xueluo, lagi na nitong sinusuhulan si Chang Li na pigilan ang pagsikat ni Ning Xi.

Chapitre suivant