webnovel

~LITLLE MISS~ : Ms. Heiress and her exact opposite

A rich, beautiful, rude heir meets her exact opposite, can mr opposite conquer her?

luxsungit_072421 · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
10 Chs

CHAPTER 6

~LUX~

Nasa harap na kami ng Ruyi's Hotel. Ngayon lang ako nakapasok sa loob ng hotel pero ito nga pinaka malaking hotel na nakita ko.

"Mauna ka na, pumunta ka sa elevator sabihin mo sa 10th floor" mas malambing na ang tono niya baka ninenerbyos, eh ako nga dapat ang ninenerbyos .

Pagkapasok ko ay kung saan saan ako naka tingin, ang ganda pang mayaman talaga. Pati mga tao dito mukang mayayaman lahat.

"Waiter bill please" sabi ng isang customer. Baka nasa 40's na siya

"That'll be 9,500 sir" puno ng respeto ang boses niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa bill niya, ganon kamahal eh iisa lang ang inorder niya.

'Kailangan ko yatang ibente ang mga parte ng katawan ko para lang maka kain dito'.

Napalunok ako tsaka dumeretsu na sa elevator, kinakaban ako putik.Bawat hakbang ko ay siya namang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Napaka bilis na ng tibok ng puso ko. Di ko namalayan, nasa harap na pala ako

ng elevator.

"Saang floor sir?" Maamong sabi ni ate.

'Buti nalang ambait ni ate'.

"S-ss Sa 10th floor po" ayos king ina nabulol pa ako.

Nag bago ang expresyon sa muka ni ate ng marinig ang sagot ko. Napalitan ng awkward na expresyon ang dati niyang naka ngiting muka.

"Sir di po pwede dalawang tao lang po ang pwedeng pumunta sa 10th floor, di ko po kayo pwedeng payagang pumunta don kung wala silang pahintulot" paliwanag ni ate.

Napatingin ako sa baba,pulang pula na ang muka ko dahil sa hiya.

"Sabi niya kasi 10th floor eh" pabulong kong sabi pero narinig parin ni ate.

"Sss- sino po'ng nagsabi sir" may bahid ng takot ang boses niya.

"Ako" sabi ng nasa likod ko, punong puno ng awtiridad ang boses niya. Di ko na kailangang lumingon pa para malaman kung sino yun.

Wala ng iba kundi ang sira ulo kong asawa. Ayaw niyang pinipikon ko siya pero ang lakas mang asar.