( Monina's POV )
Dinaanan ko si Mike na wala ito. Napasilip ako sa labas. May kausap sa phone. Hinahighblood.
Maya ko na lang tawagin. Mga tauhan ni Cedrick sa labas ng gate siguro naman alam na nila mag-ninja moves para pumunta sa mga murang kainan.
Sana nga di sila nahahalata ng mga kapit-bahay namin.
Medyo din nag-aalala ako kay Papa. Ngunit alam kong di naman pababayaan ni Mike ang tatay ko diba?
Sira ulo kasing Cedrick, basta-basta na lang gumagawa ng desisyon sa di naman niya magulang. Haist.
Nakakapagtaka lang na sumama si Papa. Ahhh… di pala sinabi.
Pinalabas ko na ang mga chanak.
"Kala ko talaga ate matagal pa." reklamo ni Cathriona, habang yung dalawa ayun, tumakbo sa hapag namin.
Sumunod na lang din ako.
"Kuya! Pinagpapawisan ka. Gusto mo punasan kita?"
"Caroline!"
"Joke lang Kuya. Selosa din po pala si Ate Monina."
Ngumiti si Cedrick sa akin na nakatayo saka sa akin nakatitig.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com