webnovel

Chapter 1 Pandesal: Ang Buhay ni Daryl

"Walang Kinikilingan ang Diyos, Lahat ay Tinawag Niya"

(Pandesal, Para sa Masang Pilipino)

By: ANDEA, ISIDRO JR BANQUIL

"Ang Kuwentong ito ay tungkol sa isang binatang si Daryl"

Kailangan ng tao ang lunas pati sa kanyang isip at kaluluwa. Kahit na nawawalan na ng pag-asa, lumulubog, nagiging makasalanan, mababa, at nawawalan na ng prinsipyo ang maraming tao sa mundo ay may natitira paring mga nilalang na marunong magmahal sa kapwa tulad na lamang sa buhay ni Daryl. Hindi hamak ang naging karanasan sa buhay sa kabila ng kadamutan ng panahon subalit naging matatag siya sa pang araw-araw at pilit itinataguyod ang sariling pagsisikap alang-alang sa pamilyang naghihikahos. "Mahirap man siya sa tingin ng mga suking bumibili ng kanyang ibinibentang pandesal ay mayaman naman siya sa pagiging bukas-palad".

Napagising ako sa mahimbing na pagkatulog sa malamig na umagang iyon dahil sa isang sigaw na napagulantang sa natutulog na isipan. Napilitan akong bumangon para dumungaw sa labas ng bintana.

Isang binatang karga-karga ang isang kahon ng mga pandesal sa kanyang balikat. Nakapuruntong at nakatulukbong ang kanyang mga kasuotan, at kapansin-pansin ang tsinelas na saplot ng paa habang siya'y lumalakad at tila hinihingal sa pagod sa paglalakbay. Maaga pa siya sa tilaok ng mga manok kung maghanap-buhay. Tinawag ko siya mula sa durungawan na aking kinatatayoan at pinilit ng aking tinig na balingan niya ako ng pansin., halatang dina makatayo ang mga ulo dahil sa kargang nakapatong sa isang balikat. Dali-dali akong nanaog at binuksan ang pinto palabas para tunguhin ang kinaroroonan ng binatang nagtitinda ng tinapay. May hiyang nilapag niya ang dala-dala. "Magkano ang halaga ng piraso ng pandesal?" agaw pansin na tanong sa binata habang binubuksan ang kahon na naglalaman ng mga nakalaray na mga pandisal. "Piso po ang bawat isa" ang mahinahong sagot naman niya. "Maari bang abutan mo ako ng dalawampong-piraso" ang kasunod ko na bilin sa kanya. "Nagtatrabaho po ba kayo?" ang malakaibigang tanong niya sa akin. Sinagot ko naman ang sabad na tanong niya. "Ikaw, ano ang pinagkakaabalahan mo?" ang tugon ko. Aniya, "Nagbebenta ng pandesal bago sumikat ang araw at nag-aaral naman po sa kasalukuyan, nasa ikalawang taon na rin". "Working student" po ako sa paaralan na aking pinapasukan, pagbebenta ng tinapay ang inaatupag ko bago pumasok sa klase. Ang marahang paliwanag niya. Nararamdaman ko ang patatiyaga at pagsisikap ng binata sa kabila ng kahirapan. Natinag sa aking isipan ang pagiging masipag niya habang nag-aaral, lubos ko siyang hinahangaan sapagkat nakikita ko ang aking sarili noong ako'y tulad niyang nagbabanat ng buto para mapaaral ang sarili palibhasay nagtapos ako bilang isang "working student" kaya naman naganyak akong makipag-usap sa kanya ng panandalian. "Magkano naman ang kinikita mo sa pagtitinda ng pandisal?". Sa katunayan ay "porsiyento" lang ang nakukuha ko dito. "Hindi ka ba nahihirapan sa pagbebenta niyan?" ang kasunod ko na tanong. Sinisikap ko po na maubos ang limang-daang piraso para kahit papaano ay madagdagan ang kita ko dito, ang madamdaming paliwanag niya.

Naawa ako sa kalagayan niya sapagkat kailangan niyang magbabanat ng buto, gumising nang alas kwatro, maglalakad sa kalye, sisigaw at halos maligo na sa pawis pauwi para lang mabuhay. At ang napakahirap ay piso-piso lamang ang halaga ng kanyang paninda. Tumingala siya sa akin at napatanong kung ano ang aking trabaho at maayos ko naman siyang sinagot tungkol sa aking "sideline" bilang isang room boy sa hotel. "Nangangailangan pa ba sila ng trabahante? Ang seryosong tanong niya. "Hayaan mo, at titingnan ko kung nangangailangan pa sila ng aplikante" ang maayos kong sagot. Kinuha niya ang numero ng aking "cellphone". "Boss, maraming salamat po" sabay karga ng kahon sa tagiliran.

Habang tinitingnan ko ang binata papalakad ng palayo, bakas sa kanyang mga paa ang sipag at tiyaga habang humahakbang pasulong. Pursigido naman ang balikat niya habang kanlong ang kahon lulan ng binibentang pandisal. Nababanaag ng aking balintataw ang mga kamay na hindi bumibitiw sa bigat ng dala habang nakayuko ng patiyad ang ulo na animo'y sumasabay sa kahong dala-dala. Pumasok ako sa loob ng bahay at hindi maalis-alis sa aking isipan ang nakikita kong kalagayan na pinagdadaanan ng binata at ilan lamang siya sa mga tulad ko na naghahangad ng maayos na pamumuhay. Napahinahon na lamang ako nung humihigop na ako ng mainit na kape at habang ninanamnam ang lasa ng pandesal na animo'y ang lasap ay bahid ng pawis at hulma ng pagsisikap upang ito ay mabigyan ng lasa.

Paglipas ng mga oras ay may natanggap akong mensahe sa inbox ng aking cellphone at hindi nakaphonebook ang numero. "Magandang umaga po kapatid, Daryl po ito. Yung binatang nagbebenta ng pandisal" "Ok sige, maraming salamat ang reply ko naman sa kanyang text. Naging magkaibaigan kami pagkaraan ng araw at para bang matagal na naming kilala ang isat-isa.

Isang gabi mahaba ang aming talakayan at pag-uusap sa pamamagitan ng pagpalitan ng mensahe habang nagmiministeryo at inienganyo na lumahok at makisali sa kanilang ministry. Hindi ko lubos akalain na ganoon na lamang siya katapat sa panginoon sa kabila ng kahirapan at kalagayan niya na may oras pa siya sa pagsisimba at umakay ng mga tao upang magsamba sa panginoon. Marami akong naging mga alibay at rason para maiba ko ang aming usapin ngunit taglay niya ang isang kakayanan na magparamdam upang mapapasayo ang kapayapaang matatamo mo sa iyong sarili kapag binuksan mo ang iyong puso at pahalagahan ang oras para sa gawain ng maykapal. Maaga akong gumising para maglaba ng sankatirbang labahan ngunit tumatak sa aking isipan ang imbetasyon nang binatang si Daryl. Ako ay isang manampalataya rin sa maykapal ngunit hindi gaanong sapat ang aking kaalaman tungkol sa katotohanan. Naging aktibo ako sa gawain ng panginoon, nagpapagamit. Ngunit meron pang kulang kahit tinanggap ko na si Hesu Kristo sa aking buhay pero naging mahina ako sa pakikibaka sa mga makamundong gawain pero sa katunayan pinahalagahan ko ang aking dignidad sa nagisnan na relihiyon ngunit handa naman ako makipagfellowship sa ibang denominasyon dahil ang pagkakaalam ko ay iisa tayo sa harapan ng panginoon. Kaya naman napatanong ako sa kanyan kung anong oras magsimula ang kanilang pagseserbisyo sa panginoon sa araw ng lingo at maayos niya naman itong ipinaliwanag sa akin at ibinigay ang lugar kung saan ko tutunguhin ang kanilang simbahan.

Nagagalak akong makilala siya sa araw ng linggong iyon. Napakadakila ng panginoon sa bawat araw . Wala siyang pinipiling tao para lang ang buhay mo ay mapalapit sa kanya. Ang binatang nagbebenta ng pandesal na sa tingin ko ay kinaaawaan at gustong tulungan ay siya pa mismo ang tutulong sa akin para sa pagbabago. Tinulungan niya ako kung paano maging mataimtim sa pananampalataya. Isa siya sa instrumentong nagbigay kulay para lubusang iwan ang baluktot na nakaraan at ibigay ng buong-buo ang aking sarili kay Kristo. Ipinakita niya sa akin kung paano din siya binago ng Diyos sa kabila ng kaunos-lunos niyang sinapit sa buhay. Isang "broken family" si Daryl, panganay siya sa limang magkakapatid. Paggawa ng "kalakat" (dingding na gawa sa kawayan) ang nagisnang kinabubuhayan nila. Ayon sa kanya "Isang kahig, isang tuka ang naging buhay nila" at minsan pa nga ay hindi na makakain ang kanyang mga kapatid at may punto pa na nakikitang niyang tumutulo ang mga laway ng kapatid na nakatingin sa mga batang may pagkain. Pilit kong ipakita sa kanya na matapang ako sa pakikinig habang nagkukuwento siya pero sapilitang tumulo ang aking luha ngunit hindi ko naman ito pinahalata sa kanya. Kunwaring nagtataingang kawali ako para hindi niya mapansin ang tunay kong nararamdaman at kahit may mga kasamahan pa kaming nakikinig, hindi niya ikinakahiya ang naging buhay nila. Dumating ang araw na habang gumagapas siya ng kawayan upang gawing dingding ang mga ito, huminlay ang puno na matitinis ang mga sulok sanhi ng pagputol nang ginamit na itak ay bigla itong tumanbad sa kanyang katawan at nakasentro ito sa kanyang puso, Nahimatay at nawalan siya ng malay sapagkat alam niya natatamaan siya malapit sa dibdid parang nagmistulang batingaw ang paligid sa mga paningin niya at animo'y kinukuha na siya ng may-ari ng buhay niya. At malamang ang malamig na bangkay niya ay mahulog mula sa taas pababa sa mga puno ng kawayan at tiyak dadaplusan siya ng matulis at makinang na itak na gamit sa pagputol. At maaring madatnan ng kanyang pamilya na nakahandusay sa lupa ang katawang walang malay. Ngunit sa kabutihan at pagmamahal ng panginoon nabigyan siya ng pagkakataon na patunayan na hindi hungkag ang kanyang buhay bagkus magamit ito para sa kaluwalhatian ng poong maykapal. Kahit iniwan siya ng kanyang ina, naging nanay naman siya sa kanyang mga kapatid. Nakita ko sa mga kamay niya ang bahid ng kahapon bunga ng pagtatrabaho. Ang piklat na kanyang natamo ay nagiging susi naman ito para mapalapit at magpagamit sa gawain ng panginoon. Ang hindi ko makakalimutan at tumatak sa aking isipan sa mga sinabi ng kaibigan kong iyon "Kahit hindi man ako makatapos ng pag-aaral dahil sa salat ng pera, ay may Kristo naman akong ipinagmamalaki."

Iba-iba ang pagharap ng tao sa pang araw-araw na buhay. May nasasabik, may nalilito, may mahinahon at matibay na kalooban upang handang tanggapin ang pweding mangyari sa paglipas ng araw. Ang iba naman ay naging kuntento na sa ikot at takbo ng buhay araw-araw. Ngunit paano mo pinahalagahan ang mga bagay na dumaan sa bawat minuto habang ikaw ay wala ng oras para sa ibang tao. Paano ka nakakatulong sa iyong kapwa nang gayong naging madamot ka sa mga oras mo dahil ang iniisip mo ay pansarili mong kapakanan. May natulungan ka na bang tao para mabago ang kanilang buhay? Kaibigan, sapat ang kayamanang ibinigay sayo, mapalalad ka sa mundong ginagalawan mo ang tanong maging mayaman karin kaya sa kabilang buhay? Ikaw ang nakakaalam nang iyong sarili pero hindi pa huli ang lahat. Isang halimbawa na lamang sa Bibliya ang parabola tungkol sa "Isang mayaman at si Lazaro". Kapatid tulungan natin ang mga taong nangangailang dahil sila ay ginamit ng panginoon para sukatin ang ating tiwala at mga sarili, huwag tayong madamot at makasarili para sa ating kapwa. Ang kumakatok sayo ay hindi pulubi o walang silbi sa lipunan bagkus si Kristo kung paano mo siya pagbubuksan. Tulad ni Daryl, wala siyang datong o kayaman na ginamit upang baguhin ang mali kong gawain ngunit naging susi ang buhay niya upang ako ay gisingin sa katotohanan. "Walang pinipiling nilalang ang Diyos sa halip kung paano natin tugunan ang kanyang mga bulong."