ANG SIKRETONG BUHAY NG ISANG WRITER
Ang pagiging writer sa bansa na ito ay sobrang hirap. Biyayang lubos ang makilala ka at sumikat sa ganitong larangan. Sesentro ang kwento na ito kay Miyo isang writer sa Suluhikha Publishing House. Miyobel E. Santos, kilala rin sa bansag na Miyo. Lalake, dalawangpu't lima ang edad, walang kasintahan, writer ng mga nobelang pantasya. Ang kanyang pangarap ay makilala ang mga akda niya di lang sa bansa na ito kungdi sa buong mundo. Deadline, kape, puyat, pagod at kung anu-ano pang mga bagay na pwedeng ikakabaliw ng isang tao. Sa ganyan umiikot ang pang araw-araw na buhay ni Miyo. Pero kahit gan'on ay hindi niya naisipang sumuko, dahil alam niyang hindi siya nagiisa sa paglalakbay na ito. Kasama ang mga kapwa niya writer sa Suluhikha Publishing House, sabay-sabay silang aangat sa rurok ng kasikatan at katagumpayan. Gamit ang kanilang malilikot na imahinasyon ay patuloy na lilikha at magsusulat sila, hanggang sa mabasa ng iba ang tunay na kagandahan ng literaturang Filipino. Ito ang kanilang kwento, ito ang kanilang buhay. Ito ang sikretong buhay ng isang writer.
Ro_Ri17 · Real
Sin suficientes valoraciones