14 PART 14

NAKIUSAP sa kanya si Vinnie na hayaan nalang si Irene sa ginawa nito. Noong umpisa ay ayaw niyang pumayag, pero sa kalaunan dahil sa pamimilit nito ay napahinuhod narin siya ng kasintahan.

Isa ang ugaling iyon ni Vinnie sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal niya ito. Pero sa kabila ng pagbibigay niya ay nakarating parin ang issue sa College Dean ni Irene. Iyon ang dahilan kung bakit pinatawan ang dalaga ng tatlong linggong suspension kasama narin ang dalawa pang estudyanteng tumulong rito.

Awtomatiko siyang napangiti nang matanawan si Vinnie kasama ang kapatid niyang si Hara na papasok ng canteen.

"Kuya!" bati sa kanya ni Hara nang mamataan siya nito kasama ang tatlo pa niyang kaibigan.

Tinanguan lang niya si Hara saka matamis na nginitian si Vinnie pagkatapos. Minabuti kasi nilang ilihim nalang muna ang tungkol sa kanilang dalawa.

Para rin kasi iyon sa kapakanan ng dalaga. Alam niyang hindi pa ito pwedeng makipagnobyo kaya siya na mismo ang nagsuhestiyon na ilihim nalang nila ang kanilang relasyon hanggang sa panahong makapagtapos na ito.

"Kayo na ba?" narinig niyang tanong ni Raphael nang manatiling nakasunod ang paningin niya kay Vinnie.

Parang nagulat pang magkakasunod siyang napailing. "Hindi ah!" pagsisinungaling niya.

"Ikaw naman pare umamin kana, eh kung magsulyapan kayo halata namang may kakaiba eh" si Lemuel iyon na nanunukso pang tinapunan ng tingin sina Dave at Raphael.

"Hindi nga, bakit ba ang kukulit ninyo?" kunwari ay inis niyang sabi.

Nagkibit lang ng balikat ang tatlo.

"Kumbinsihin mo nga ako" buska sa kanya ni Dave na sinundan pa ang sinabi ng isang mahinang tawa.

"Tumigil ka, baka mamaya marinig kayo alam niyo ng mahiyain iyon" naisip niyang sabihin sa kagustuhang tigilan na siya ng tatlo at nagtagumpay naman siya doon.

Sa totoo lang gustong-gusto niyang gawin iyon. Ang ipagmalaki at ipagyabang sa lahat na girlfriend na niya si Vinnie, pero alam niyang hindi pwede. At dahil mahal na mahal niya ang dalaga, gaya nga ng sinabi niya rito noong isang araw sa kampanaryo. Kaya niyang isakripisyo ang lahat makasama lang ito.

avataravatar
Siguiente capítulo