webnovel

Murdered

Athena.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad kong tinungo ang kwarto ko at nahiga. It's been a tiring day for me. Tss. Mga weak naman ang tauhan ni tanda. Bakit hindi siya lumaban sa 'kin kanina? Bakit hindi niya ipinakita sa 'kin kung gaano siya ka-demonyo?

I let out a deep sigh and let myself to fall into deep sleep.

NAGISING ako dahil sa naririnig kong ingay mula sa labas ng kwarto ko. Shit! Sino ba 'yon? Ang aga-aga nangbubulabog. Napabangon ako ng 'di oras at naghilamos sa banyo. Pagkatapos no'n ay binuksan ko na ang pinto para tignan kung sino ba 'yong kumakatok sa labas.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa 'kin si Thamia na nakangiti, "Thank God and you're fully awake sleepy head."

"Sinong hindi magigising sa lakas ng katok mo? Kulang na nga lang magiba 'tong pinto ng kwarto ko sa lakas ng katok mo e."

Natawa nalang siya sa sinabi ko at agad akong hinila palabas ng kwarto ko. Whats with this girl?

"Sa'n tayo pupunta Thamia?"

Nilingon naman niya ako at binigyan ng matamis na ngiti, "Sa baba, sabay-sabay daw tayong kakain sabi ni mom."

Napatango nalang ako at sumunod na sa kaniya papunta sa dining area. Nang makababa na kami ay agad akong naupo sa tabi ni Thamia. Bale katapat namin si tita at tito.

Nagdasal na kami at pagkatapos no'n ay nagsimula na kaming kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay napahinto kami sa napanood naming balita sa TV. May TV din kasi na nakasabit sa pader dito sa dining area.

Isang lalaki ang natagpuang patay sa tapat ng palikuran ng Royal Mirage Resort. Hanggang ngayon, hirap pa rin sa pagtuklas kung sino ang salarin dahil sa kawalan ng CCTV sa naturang lugar. Ngunit, may isang kahina-hinalang palatandaan na iniwan ang suspek sa leeg ng biktima at ito nga ang ginawa niyang pagsugat sa may bandang leeg nito na korteng baligtad na letrang C.

"Oh my God! Diyan 'yong resort na pinuntahan natin kagabi Athena. Grabe naman 'yan! Sino kaya ang pumatay diyan? Hindi na naawa sa tao." May diin na sabi ni Thamia.

Dahil sa sinabi niyang 'yan ay nagngitngit ang ngipin ko. Hindi ko mapigilang mainis sa sinabi niya. Wala rin syang pinagkaiba.

"You're right Thamia. A merciless one." Dugtong ni tita.

"Baka naman po kasi may dahilan ang pumatay kung bakit niya nagawa 'yon. Lahat naman po ng bagay ay may dahilan. Malay niyo po, may kasalanan pala ang biktima sa salarin." Seryosong saad ko kaya naman lahat sila ay napahinto sa pagkain at napatingin sa 'kin.

"She has a point." Tito said while pointing his fork on my place.

"Kung sabagay." Pagsasang-ayon ni tita.

"Pero kahit na, 'no. Hindi pa rin sagot ang paghihiganti. Kapag ginawa niya ang bagay na ginawa sa kaniya ng iba. Parang wala na rin siyang pinagkaiba do'n, 'di ba?"

Napairap nalang ako ng palihim at tumayo na, "I'm full, excuse me." And with that, I left them dumbfounded.

Agad akong tumakbo papasok sa kwarto ko. Napag-isipan kong maaga nalang akong papasok sa school ngayon.

"MAUUNA ka na Athena? Hindi na tayo sabay papasok?"

Nilingon ko si Thamia na nakatayo sa likod ko at umiling, "Yeah, obviously right. Aalis na ako."

Lumabas na ako ng bahay namin at agad na pumunta sa garahe at tinungo ang kotse ko. Nang makapasok na ako sa kotse ko ay agad ko iyong pinaharurot papunta sa school.

Few minutes of driving ay agad din akong nakarating sa school namin. Agad kong p-in-ark ang kotse ko sa parking lot at lumabas na din ako. Habang naglalakad ako ay may narinig akong usapan. Hindi ako tsismosa, sadyang malakas lang ang boses nila.

"That bitch!"

"Yeah, akala mo naman kagandahan. Mukhang talampakan ko lang naman."

"Tss. Ang landi talaga niya."

"Oh well, that's true. Inagaw niya si Zans sa 'yo, 'di ba?"

Nang marinig ko ang pangalan ni Zans sa usapan nila ay agad ko silang nilingon para masiguro ko kung ako ba ang pinag-uusapan nila. At dahil do'n, nakita ko silang nakatingin sa 'kin ng masama.

"Ako ba ang pinag-uusapan niyo?"

Tumayo naman silang dalawa sa pagkakaupo sa bench at agad silang lumapit sa 'kin, "Yes. You heard it right?" Tanong ng isa habang nakataas ang isang kilay.

"Psh! Sa susunod, pag-aralan niyo kung paano mag-usap ng mahina." Dahil sa sinabi kong 'yan ay sinugod ako ng babaeng pinaka matangkad sa kanila. Hinablot niya agad ang buhok ko at hinila iyon. Shit, ang sakit! Nobody dares to ruin my hair.

Nag-init ang dugo ko sa ginawa niyang 'yon, nakakaimbyerna! Sila na nga ang may ganang pag-usapan ang may buhay ng may buhay siya pa may ganang manabunot? How pathetic!

Hinila ko ang dalawang kamay niya at agad ko iyong pinilipit sa may likod niya.

"Ouch! Aray! Ano ba!" Sigaw niya kaya naman naagaw namin ang atensyon ng ibang estudyante.

"Sa susunod, mamimili ka ng kakalabanin mo. Hindi mo pa ako kilala." Sabi ko sa kaniya habang may nanlilisik na mga mata.

Nginisian niya lang ako na mas lalong nagpa-init ng ulo ko. Agad ko siyang tinadyakan sa tiyan na siyang naging dahilan ng pagsigaw niya, "Argh! Fuck you bitch!"

Aba aba! Hindi ba siya nakutento sa binigay kong tadyak sa kaniya? May gana pa siyang murahin ako? Nainis ako lalo sa inasta niya at binigyan ko siya ng suntok sa ilong.

"Don't mess with me, whore." I say and I left them with half-mouth opened.

"CLASS dismissed."

Pagkasabi ni Sir sa mga salitang 'yan ay agad kong niligpit ang mga notebooks ko na nakakalat sa desk ko. Wala naman akong naintindihan sa d-in-iscuss ni sir. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa.

Habang naglalakad ako pabalik sa kotse ko ay nakaramdam ako ng taong sumusunod sa 'kin. Lumingon ako sa likod ko at wala namang ibang tao. Mas binilisan ko pa ang paglalakad at nang makarating na ako sa kotse ko ay halos lumuwa ang mata ko sa aking nakita.

Nakahandusay sa loob ng kotse ko ang isang babae at duguan. Sinong may gawa nito at paano nakapasok itong babaeng ito sa loob ng kotse ko?

Agad kong binuksan ang kotse ko at binaligtad ko ang babaeng nakadapa sa may back seat. Halos masuka ako sa aking nakita. 'Yong babaeng naka-away ko kanina. Shit! Wala na siyang mata at halos madurog na ang mga ngipin nito.

Napasapo na lang ako sa aking bibig. Sinong demonyo ang may gawa nito? Hinila ko ang paa ng babae palabas sa kotse ko. Lumingon ako sa paligid upang tignan kung may ibang tao sa parking lot. Nang masiguro kong wala na ay nilabas ko na ang bangkay ng babae at nilagay ko sa dulo na malayo sa pinag-park ng kotse ko.

'Pag nagkataon na may makakita sa bangkay niya. Tiyak, isa ako sa mga pagbibintangan nito kasi ako ang huling nakitang naka-away niya.

Masyado na akong naguguluhan sa mga nangyayari. This can't be! Sino naman ang may gawa nito? Isa na naman ba 'to sa mga prank ni tanda? Pero kung siya nga, pa'no niya natunton ang pinag-aaralan ko?

Sa sobrang frustration ko ay napasabunot nalang ako sa buhok ko. Pumasok na ako sa kotse ko at agad iyong pinaandar paalis sa school.

Ricko.

"Alam ko na babalik siya dito, alam ko na darating siya para maghiganti! Haha! She gave me a nice game and now, I'm playing with it." Sambit ko habang pinapanuod ang recorded video ng pagpasok ng magaling kong pamangkin sa opisina ko. Magaling na bata, magaling!

Ng araw na 'yon, nagpakabit ako ng mga hidden camera's sa loob ng office ko. Lalo na sa mga lugar na hindi madaling makita at mapansin.

"Hindi ako makakapayag na paikutin mo lang ako Athena. Gusto mo ng laro, 'di ba? Pwes, bibigyan kita ng magandang laro na hindi mo makakalimutan."

"La eme Ricko, ano pong gusto niyong gawin ko kay Athena? Gusto niyo po bang ipapatay ko na siya?"

Napatayo ako sa sinabi ng tauhan kong lalaki. Gago ba sya? E 'di mabilis na matatapos ang laro kapag pinatay niya na ang pamangkin ko. Stupido.

"No! Hindi muna natin siya papatayin. Gumawa ka ng paraan na ikababagsak niya."

Yumuko naman sa harap ko ang tauhan kong lalaki at umalis na sa harap ko.

"Maghanda ka Athena, hindi ako patas makipaglaro. Haha!"

Third person.

Nang makalabas na ng opisina ang tauhan ni la eme Ricko ay agad itong nagtungo sa bahay nila Athena upang magmanman.

Nang makarating na siya do'n ay agad siyang nagtago sa likod ng isang puno. Sa tagal ng kaniyang pamamanman ay may isang itim na kotse ang lumabas sa isang gate. Hindi niya maaninag ang tao na nasa loob dahil tinted ang bintana nito.

Upang makasiguro ay sinundan niya lang ang kotseng itim at nakarating iyon sa isang school. Nang bumukas ang pinto ng itim na kotse, do'n niya napagtanto na si Athena pala ang taong sinusundan niya.

Sa gitna ng kaniyang pagmamanman ay nakita niyang nakikipag-away na sa dalawang babae si Athena.

"Tss. Magandang simula ito." Sambit ng lalaki habang nakangisi.

SINUNDAN lang ng lalake ang babaeng naka-away ni Athena at agad iyong hinila papunta sa isang gilid ng parking lot.

"Omp!" Impit na sigaw ng babae.

"Sshh."

Nagpupumiglas lang ang babae. Hindi na nakapagpigil pa ang lalake at sinuntok niya ng malakas sa tiyan ang babae.

"Sayang ka, maganda ka pa man din. Sorry nalang, kailangan ko 'tong gawin e." Pagkasabi niya no'n ay hinugot niya ang kanyang dagger sa kaniyang bulsa at agad nitong tinusok at dinukot ang dalawang mata nito. Hindi na siya nandiri sa gano'ng eksena dahil sanay na siyang ipagawa sa kaniya iyon ng kaniyang boss.

"Hmmp! Ommp--"

Hindi na natuloy ang sigaw ng babae dahil binaril niya ang bibig nito gamit ang isang silent gun. Hindi pa nakuntento ang lalaki at sinaksak pa niya ito ng sampung beses sa tiyan.

Nang masigura niyang wala ng buhay ang babae ay agad niya iyong hinila papunta sa kotse ni Athena. 'Nakalock pala.' Sambit nito sa kaniyang isipan.

Tinanggal niya sa ulo ng babaeng walang buhay ang isang hair pin at iyon ang ginamit niyang pambukas. Nang mabuksan niya iyon ay pinasok niya na ang babaeng duguan sa backseat ng kotse ni Athena.

Nang masiguro niyang walang ibang tao sa paligid ay sumakay na siya sa sarili niyang kotse at umalis na sa lugar na iyon.