webnovel

The Day you love me. I die

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging nanjan para sa atin subalit hindi natin siya nakikita... Kelan ba tayo magmamahal kapag huli na ang lahat? Kapag tapos na ang mundo? O kapag pagod na ang puso... Kaya mo ba ang maghintay ng panahon o taon para sa mahal mo kahit walang kasiguraduhan na magiging kayo hanggang dulo? At higit sa lahat ang pinakatanong HANGGANG KAILAN MO KAYANG MAGMAHAL??? Abangan sina Jace ang lalaking minamahal subalit hindi niya kayang magmahal ng pabalik Clarry Ang babaeng handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanyang taong mahal...

Loveisjustashow · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
51 Chs

Chapter 42

Sinundan ni Romina si Clary upang alamin kung saan ito pupunta. Dumeretso lamang si Clary hanggang sa mkarating siya sa tagpuan nila ni Jace.

"Clary... bakit ngayon ka lang... kanina pa ako naghihintay." Ani ni Jace

"Si mama kasi.. hindi ako kaagad makaalis.. sorry na bhie..."tugon ni Clary

"Namiss kita... kulang ang bawat araw at oras na magkasama tayo." Ani ni Jace

Yumakap si Jace kay Clary, nakita ito ni Romina at patuloy pa din siyang nagmamasid sa mga susunod na kaganapan.

"Aba! Bakit niyakap ni Jace ang anak ko?" Sambit ni Romina sa kanyang sarili

"Ako din.. sa bawat minutong nasasayang iyon din ang minuto ng pananabik ko sayo bhie.." ani ni Clary

"Mahal na mahal kita bhie.." tugon ni Jace

"Mahal na mahal din kita Bhie.." ani ni Clary

Nagkatinginan ang bawat isa, hanggang sa umabot na sa puntong nagtama ang kanilang mga mata at unti-unti nang naglalapit ang kanilang mga labi..

Nasaksihan ni Romina ang unang halik na natanggap ng kanyang unica hija. Mangiyak-ngiyak siyang umalis sa gubat.

Nakarinig ng kaluskos ang dalawa kung kaya naawat sila sa kanilang paghahalikan. Nakaramdam naman si Jace na tila hindi lamang sila ang tao sa gubat, kaya minabuti niyang magpasyang umuwi na muna sila.

"Hindi lang tayo ang tao dito.. kailangan na muna nating umuwi." Ani ni Jace

Yumakap ng mahigpit si Clary kay Jace.

"Sige na Bhie.. i love you mag iingat ka." Ani ni Jace

Pinagmasdan ni Jace ang pag-alis ni Clary. Nang matanaw niyang malayo-layo na ito, tinahak na niya ang landas patungo naman sa kanilang bahay.

Pagdating ni Clary sa bahay, bumungad sa kanyang harapan ang kanyang mga magulang.

"Saan ka galing?" Ani ni Robert

"Nagpahangin lang po sa labas Papa.." tugon ni Clary

Hindi naman mapigilan ni Romina ang sumingit sa usapan ng mag-ama.

"Sinong kasama mo?" Ani ni Romina

Kinabahan si Clary sa puntong iyon.

"Po?" Ani ni Clary

"Inuulit ko Clarissa sinong kasama mo!" Pagtaas ng boses ni Romina

Dahil sa kaba at takot na naramdaman ni Clary, wala na siyang ibang magawa kung hindi ang sabihin ang katotohanan sa kanyang mga magulang.

"Si Jace po.." napatungo si Clary.

"At anong meron sa inyo ni Jace?" Tanong ni Robert

"Bo——boyfriend ko po si Jace." Ani ni Clary

Napabuntong hininga ang mag-asawa.

"My God! Clarissa!! Napakababata niyo pa para pumasok sa isang relasyon! Tingnan mo pati kami ng Papa mo ay nagagawa mong paglihiman." Ani ni Romina

"Pero Mama mahal ko si Jace! Mahal din ako ni Jace!" Tugon ni Clary

"No! Hindi pa pwede! Masyado pa kayong mga bata!" Ani ni Romina

"Tama ang Mama mo Clary.. para na din iyan sa ika bubuti ninyong dalawa." Tugon ni Robert

Malungkot ang mga mukha ni Clary, nagdesisyon naman si Romina para sa kanyang anak.

"Simula ngayon bawal kang lumabas! Dito ka lamang sa loob ng bahay. Naiintindihan mo ba Clary?" Ani ni Romina

"Pero Mama!"tugon ni Clary

"Wala ng pero-pero! Kapag sinabi ko sinabi ko. Next week aalis na tayo ng bansa!" Ani ni Romina

Nagtatakbong nagtungo si Clary sa kanyang kwarto at nagmukmok. Humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot at humagulhol ng iyak.

Labag man sa loob nina Romina at Robert ang kanilang ginagawang desisyon tinanggap na lamang nila ito ng maluwag sa dibdib sapagkat ito ang paraan nila upang mapigil ang pagmamahalan ng mga bata.

Makalipas ang isang linggo, walang Clary ang dumating sa tagpuan nila ni Jace. Naghintay pa rin si Jace maghapon doon.

"Nasan ka na Clary..."sambit niya sa kanyang sarili

Nagdesisyon si Jace na puntahan si Clary sa kanilang bahay subalit laking gulat nito sa kanyang nakita.

"Clary! Aalis ka??" Ani ni Jace

Hindi sumagot si Clary, nangingilid siyang tumingin sa kanyang ina. Kaya lumapit si Romina kay Jace upang sabihin ang totoo.

"Sumakay ka na sa sasakyan Clary!" Ani ni Romina

"Jace, aalis na kami.. sa London na kami titira ng anak ko."ani ni Romina kay Jace

"Ho? Pero tita...magkakalayo po kami ni Clary.." tugon ni Jace

"Oo alam ko. Alam ko na din ang relasyon ninyo ng anak ko. Siguro mas mabuting magkalayo muna kayo, masyado pa kayong mga bata para pumasok sa isang relasyon." Ani ni Romina

Nalungkot si Jace sa sinabing ito ni Romina. Pumasok sa loob ng sasakyan si Romina at saka umalis.

"Jace.... mahal kita... sorry kung hindi na tayo nakapag-usap. Sorry kung hindi kita naipaglaban. Sorry... sorry...." sambit ni Clary sa kanyang sarili

Nakasilip lamang sa likod ng bintana si Clary habang pumapatak ang kanyang mga luha. Nakatanaw naman si Jace habang unti-unting lumalayo ang sasakyan ni Clary hanggang sa bumuhos na din ang kanyang mga luha.

Simula ng araw na iyon, pinangako ni Jace sa kanyang sarili na oras na sila ay muling magtagpo ni Clary, hinding- hindi na niya ito hahayaan pang mawala sa kanyang mga kamay.

🖤+ END OF FLASHBACK +🖤

Hindi nakaimik si Alec ng malaman ang nakaraan nina Jace at Clary.

"Sorry.. kung alam ko lang sana..." ani ni Alec

"Ayos lang.. naiintindihan ko naman." Tugon ni Jace

Batid ni Alec ang lungkot sa mga mata ni Jace.

"Kung kailangan mo ng tulong para mahanap si Clary sabihan mo lang ako." Ani ni Alec

"Salamat bro.. pero kakayanin ko na itong mag-isa.." tugon ni Jace

Tumayo si Jace at umalis ng restaurant. Pagdating naman nina Isabelle sa bahay niya, nagtaka ito at tila wala doon ang kanyang pinsan.

"Bakit wala si Kuya Brian. Isa pa bakit halos wala ang kanyang mga gamit?" Ani ni Isabelle

"Baka naman umalis?" Tugon ni Simon

Nagtungo si Isabelle sa may kusina, naagaw pansin naman niya ang isang resibo na nakalawit sa may basurahan.

"What the heck! Ang dami niyang pinamili pero nasaan?" Ani ni Isabelle

Chineck ni Isabelle ang lahat ng mga lagayan nila ng pagkain at supplies subalit kahit isa wala siyang nakita doon.

Pumasok siya sa kwarto ni Brian at nagmasidmasid, inamoy niya ang jacket ni Brian at naamoy niya ang pabango ni Clary.

"No... kuya... don't tell me alam mo kung nasaan si Clary." Sambit ni Isabelle sa kanyang sarili

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts