webnovel

The Billionaire Butler

Autor: Avaaaaxx
Acción
En Curso · 12.7K Visitas
  • 2 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • N/A
    APOYOS
Resumen

Kung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo? Iyan ang sitwasyong pinagdadaanan ng bilyonaryo at police officer na si Grellen Burnett, isang sirena na handang bumuka sa harap ng pinakamamahal niyang boss na si Inspector William Fukuyama. Dahil sa katangahan nito na naging dahilan para pag-pyestahan siya sa social media, napilitan si Grellen na maghanap ng babaeng ihaharap sa kanyang ama within a month to save his heritance. Sa paghahanap niya sa maswerteng dilag ay nagkrus ang landas nila ng negosyanteng si Barbara Durless. Unang kita palang niya sa dalaga ay talagang namangha siya sa kagandahan nito. So Grellen come up with a decision to get her on instant, and the only way to keep touch with Barbara is to apply as her butler. Posible kayang mahulog ang loob ng baklang si Grellen sa katulad ni Barbara na daig pa ang may dalaw kung makapag-taray? "I don't need a month to make you mine, My Lady. Since the day I saw your pretty face, I thought to myself that you're the one." -Grellen Burnett Inspired by: Black Butler (Kuroshitsuji) and The Millionaire Detective - Balance: Unlimited

Etiquetas
2 etiquetas
Chapter 1Chapter 1

Codaco, Ntiavir

Today's an ordinary day for a billionaire like me. Nagising ako hindi dahil sa alarm clock ko, kundi sa kadahilanang nanaginip ako nang masama kaya ang ending, nalaglag ako sa sahig - una noo.

Another dream where I fell in Skytree tower. Last month, I went in Japan with my friends - Ronald and Eric. Nagbakasyon kami doon ng tatlong araw at talagang tumatak sa isip ko ang toreng iyon. Madalas ko kasing makita iyon sa anime na pinapanood ko. Mula noon, lagi na akong nananaginip na paulit-ulit akong umaakyat sa Skytree saka magpapatihulog. Which is quite weird and creepy at the same time.

I'm yours truly Grell Allen Burnett, but most people call me Grellen. Hindi ko maitatangging isa ako sa pinakamaswerteng tao sa mundo na biniyayaan ng marangyang buhay. Yes, I'm a billionaire. Well, it was actually my family's wealth. Sumasabit lang ako sa kayamanan ng pamilya ko and to be honest, wala akong ambag sa pagpapatakbo ng kumpanya namin.

My father owns the largest hotel chain across the world, The Burnett International. He's the CEO while my older brother Sebastian is the chief operating officer. Plano nang mag-retire ni Dad after three years and I even begged him to hold the company in the near future but you know what he says?

"Buo na ang desisyon ko. Si Sebastian ang gusto kong mag-manage ng hotel chains natin after my retirement. Besides, I can't sense any worth in you in terms of handling my business. Such a trash. Why did your mother labor you in the first place? I want you to enter the police academy and be the high-ranking officer. Para naman magkaroon ka ng pakinabang sa pamilyang ito."

That's how my fate was sealed. Sa takot na bawiin sa akin lahat ng meron ako, sumunod ako sa gusto ni Dad kahit ayoko. No one asked what I wanted to be. Si Dad ang dumidikta ng kapalaran ko at kapag hindi ako sumunod, anytime puwede niya akong sipain palabas ng mansyon at ang mas malala, maaari niya akong itakwil.

Father hates me and so as my brother. Ni minsan, hindi nila ako tinuring na parte ng pamilya nila kahit noong nabubuhay pa si Mom. Isa raw akong sampid. Sometimes, I can't help but to think kung anak ba talaga ako o inampon lang ako ni Mom at walang nagawa si Dad kundi papasukin ako sa mga buhay nila?

Wala naman silang nababanggit tungkol diyan so I jumped to conclusion na baka kadugo nila ako. Gayumpaman, nagpapasalamat pa rin ako kahit papaano kasi hindi nila ako tinanggalan ng karapatan sa kayamanan ko.

My mother died from a car accident last year. Before she lost, Mother told Dad to take good care of me, na susunod siya sa pangako nito na bibigyan niya ako ng parte sa pera't ari-arian ng pamilya Burnett. Father granted her wish out of love. Pero mas lalong uminit ang dugo nila Sebastian sa 'kin.

Mom is the only one I have except for my money. Siya ang taong kaya akong ipagmalaki sa kahit kanino. Tatlo kaming nakatira sa mansyon pero pakiramdam ko'y mag-isa ako.

They don't care about me and it gets even worse after her death.

***

Hindi pa man ako nakakabalik sa kama ay umalingawngaw na ang ringtone ng cellphone ko. Basta kong dinampot ang phone ko na nakapatong sa bedside. Pagtingin ko sa screen, pangalan ni Ronald ang naka-register. I simply answer the call without second thought, baka importante.

"Hello, Ron. What do you nee--" Bastos 'to, ah? 'Di man lang ako pinatapos!

"Grellen, listen to me. Inspector Fukuyama--" I cut him off. Akala mo, ha!

"What's with Will, anyway? Saka mo na ako balitaan about William kapag na-late na siyang pumasok sa work. First time 'yon, take note," pambabara ko.

We were talking about Inspector William Fukuyama, ang head ng Division 1 ng Metropolitan Police Department sa Codaco. But for me, hindi lang siya basta boss ko. He's my soulmate, the love of my life. Maka-ilang beses na akong nag-confess kay William but he's always rejecting my beauty.

Ang dahilan? Who knows. Quotang-quota na ang tenga ko sa kaka-hindi niya. Tapos bigla siyang aalis at iiwan ako na parang tanga. He's always been like that at ewan ko ba, kahit paulit-ulit niya akong ipagtulakan palayo, mas lalo lang akong nacha-challenge na masungkit siya. Masokista nga ang tawag sa 'kin nila Ronald. Walang kadala-dala.

"No! Makinig ka muna, okay?" he insisted. Napabuga na lang ako ng hangin.

"Ano ba kasing sasabihin mo? Dali, maliligo pa 'ko."

"Andito ako malapit sa desk ni Inspector and I heard a discussion between him and someone on the other line. Nagpapa-reserve siya ng table for two but I don't know where it is."

"SAY WHAT?!" Napasigaw ako sa gulat. Oh, my. What if ito na? Ito na ba ang tamang panahon? Magc-confess na ba si William? Aaminin na kaya niyang mahal niya rin ako? Kyaaaa! I'm so excited, darling!

"I'll do some investigation at ite-text ko sa 'yo ang iba pang detalye. Wait for my queue."

"Ronal--" PInatayan niya ako ng telepono! Ron is rude as ever!

Hinintay ko ang text message ni Ronald at hindi ako nabigo. After ten minutes, natanggap ko rin ang SMS nito.

From: Ronald Santillan

Bayview Restaurant, 7:00 PM

This is gonna be an exciting night! Hmmm... What should I wear for tonight's dinner? Now's my perfect time to buy clothes since it's my day-off. Magpapaalam na lang ako kay Dad na kunwari'y papasok ako sa trabaho. As if alam n'on ang schedule ko eh wala naman 'yong pakialam sa akin!

I did my morning routine before I went downstairs and find something to eat. Naabutan kong kumakain sa dining area sina Dad at Sebastian. Pareho silang tumigil sa pagnguya. Si Sebastian, binaba ang kubyertos na hawak at tinapunan ako ng masamang tingin, daig pa ang kriminal na sabog sa droga kung makapanlisik ng mata.

'Yong totoo, ano bang nagawa ko sa 'yo?

"Good Morning, Dad. Good morning, Sebastian," bati ko sa kanila.

Napalitan ng tawa ang kanina'y inis sa mukha ng magaling kong kapatid. Oo, kuya ko si Sebastian pero ayokong tinatawag siyang kuya. Ni hindi nga ako magawang respetuhin niyan bilang nakababatang kapatid, e. Ano siya?

"Andito na pala 'yong bunso ni Mommy na bakla," pang-aasar ni Sebastian.

"Hindi ako bakla!" I said using my baritone voice. I lied to them because I'm not ready to prove that he's right. Hindi ko pa kayang umalis sa hawla dahil sa pangambang itakwil ako ng sarili kong ama kapag nalaman niyang ang isa sa dalawa niyang anak ay hindi lalaki kundi isang sirena.

"Talaga?" may paghamon sa boses ni Sebastian. I just avoided his gaze.

"That's enough." Umawat naman si Dad. "Hoy, ikaw. Ayokong maulit ang insidente noong kabataan mo. Oras na mahuli kitang nagsusuot uli ng damit pambabae, magbalot-balot ka na. You know how powerful I am. Kaya kong gawing impyerno ang buhay mo. Tandaan mo 'yan, Grell Allen."

"Yes, Father," I agreed.

It happened during my elementary days when I'm bravely enough to wear my mother's clothes. Mom was in the bathroom at that time. Aksidenteng pumasok si Dad sa kuwarto nito and he caught me standing in front of the mirror, wearing her favorite dress.

Sa galit ni Dad, pinunit niya ang damit ni Mom at nakatikim ako ng matinding punishment na hindi ko makakalimutan. Kung ano man iyon, huwag mo nang itanong. Wala ako sa mood mag-throwback ng mga gano'ng bagay.

I have no freedom in this house and most of the time, sa office ko lang nae-express ang totoong ako. May tiwala ako sa mga kaibigan at co-workers ko na hindi nila ibubuking ang sikreto ko. Don't ask for the price, you can't afford it.

Hihilain ko sana 'yong upuan tapat ni Sebastian nang kumalansing nang malakas ang tinidor ni Dad. Napapitlag tuloy ako sa gulat.

"Can't you see a single spoon in front of you?" Umiling-iling ako. Oo nga pala, ang batas kasi sa 'min, bawal kang sumabay sa hapag-kainan kung walang kahit ano na nakalagay sa parte ng mesa kung saan mo balak umupo. Bihira kong makasama ang dalawang 'to sa kainan, pwera na lang kung may okasyon.

"S-Sorry po. Sa labas na lang po ako kakain," pagpapaalam ko.

Dad is cruel as I expected. Is there a chance for him to change? I don't think so. A Hitler-man like him would never lower his guard over a bastard such as myself. He didn't even treat me like his own blood. Sabi nga nila, hindi mo puwedeng pilitin ang isang tigre na paamuhin kung saksakan ito ng bangis. Tiyak mapapahamak ka lang sa huli.

Ngumisi ito nang nakakaloko. "Do whatever you please. Jump off the cliff if you want," ani Dad. I won't be surprised when I hear those words. Bugbog na ang tenga ko sa masasakit na salitang binitawan niya for twenty-five years of my existence.

Alam kong nakakagigil at parang gusto mong ipagdukdukan sa kanya kung gaano siya kawalang-kwentang ama. I understand how you feel kasi ganyan din ang naramdaman ko noong una.

Pero gaya nga ng paulit-ulit kong sinasabi, sanay na 'ko sa panlalait at pang-aalipusta ng sarili kong kadugo. After all, the reason why I'm still here is because of my heritance. Hangga't may kontrol siya sa pera ko, wala akong karapatang umalis sa pamamahay na 'to.

Ridiculous, isn't it? I cursed my luck. Ito ang nagpapatunay na kahit dumudumi ka ng ginto, you will never be happy if you're gonna stay in the shadow of your enemy.

Money can provide you anything you want. Tasty and exquisite foods, luxurious cars, gadgets, houses. Name it and you'll have it. But not your freedom and happiness.

•••

Reminders from the author:

•Codaco, Ntiavir is a fictional city and country.

•Grell Allen Burnett is played by Grell Sutcliff of Black Butler/Kuroshitsuji.

•I don't own the portrayer and the anime which the story is based.

•In this fanfic, Grell/Grellen is not a transgender, but gay.

"The Billionaire Butler"

Copyright 2020

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording without prior permission from the author.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

También te puede interesar
Tabla de contenidos
Volumen 1

valoraciones

  • Calificación Total
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de Actualización
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Contexto General
Reseñas
¡Guau! ¡Si dejas tu reseña ahora mismo, sería la primera!

APOYOS