webnovel

Prologue

-The girl in YOUTUBE-

*Chandler's POV*

Nakatulala ako ngayon sa harap ng cellphone ko. Palipat-lipat din ang tingin ko mula sa phone ko at sa TV. Seryoso? 5 million views and 2 million comments in just a span of one hour? What the hell?

Napasapo ako sa ulo ko. Ako yung artista dito eh, paano nangyari to? Natalo niya ang ratings ko? Sa youtube lang alam ko, at magkaiba ang mundo namin. But still~ wtf? Oo inaamin ko, ang ganda niya. SOBRA. She has this kissable pink lips, heart-shaped face, pointed but small nose, and her eyes. Her beautiful green eyes. I wonder kung contacts lang yun o totoo?

Pero kahit anong papuri ang sabihin ko, hindi parin matanggap ng ego ko na nalamangan ako ng isang nobody! Kung dati ako ang head line sa news, at sa kahit saang social media, ngayon siya na. Alam ko napaka babaw, pero naiinis ako.

Ilang taon akong nagtiis bago makamit kung ano ako ngayon, but what the hell? This girl just pop out of nowhere and *pop* the whole world is into her. Ngayon hinahanap na siya ng media, alam kong marami na ang naghahangad makuha siya. Her swift moves while dancing, and her beauty, wala nga namang HINDI makakapansin dito.

Agad kong pinindot ang call button pagkatapos mahanap ang number ni manager.

"Hello? Chandler~ good thing napa~"

I cut her immediately.

"Alam kong pinapahanap mo rin si youtube girl, do everything to find her. Kailangan ko siya."

Kahit hindi ko nasisilayan si manager ramdam ko ang pagngisi niya sa kabilang linya.

"You love fame that much , huh? I wonder kung kaya mong i-give-up yang pinagmamalaki mong FAME kapag nagmahal ka na chandler. Kaya mo nga kaya?"

Napabuntong hininga ako sa sinagot niya.

"Do what I said." Yun lang at pinutol ko na ang tawag. Walang pag-ibig. Hindi totoo yun. At kahit kailan hindi ko isusuko kung ano ang meron ako ngayon para sa walang kwentang pag-ibig na iyan.

Lumabas ako mula sa private room ko dito sa office sa school. Mula sa malayo ay nakita ko ang isang babae. Buhaghag ang buhok niya, yun ang alam ko. Binubully siya ni Fiona, ang Queen Bee ng School.

Lumapit ako at natigil sila, nilahad ko ang kamay ko sa babaeng nakayuko at humihikbi.

"What are you doing chandler?" Malamig na utas ni Fiona, tama! MALAMIG. Dahil hindi kagaya ng iba, walang gusto sa akin si Fiona. She's as cold as hell.

"Tama na yan, kawawa oh" bumuga ito ng hangin at nilampasan ako. Napasinghap din ang ibang nanunuod at nagbubulungan. Ako ang tinaguriang Smiling devil sa school. Palagi akong nakangiti, mabait, at pala-tawa. Pero kapag nagalit ako, nakakalimutan kong kaya ko palang pumatay ng tao.

"Thanks" hindi niya inabot ang kamay ko at mabilis niyang pinulot ang glasses niya at tumakbo palayo. Napakibit-balikat nalang ako.

Hindi ko man lang nakita ang mukha niya. . .