webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Derivados de obras
Sin suficientes valoraciones
48 Chs

chapter 15

KEANNE'S POV

"Sige matagal ko nang hinihintay yan. Matagal ko ng gustong umalis dito at sobrang matagal ko nang gustong hindi na makita ang pangit mong mukha at ang sobrang pangit mong ugali! Bahala ka na sa buhay mo Keanne!" At bago pa ako makapagsalita ay mabilis na tumakbo si Thiam.

Mas mabuti ngang umalis siya dahil ayoko ng taong nagsisinungaling sa akin. Hindi ako naniniwala na siya yung best friend ni Alaine. Isang malaking kalokohan yun… Hindi siya si Cha-cha…

*FLASHBACK*

"Mahal sino yang kasama mo sa picture, kapatid mo ba?"

Napangiti si Alaine sa akin sabay simangot. "Ano ka ba... Wala akong kapatid di ba? Si Cha-cha yung kasama ko sa picture."

Tinitigan ko yung picture para silang magkamukha kaya unang inisip ko na magkapatid sila.

"Alam mo Mahal higit pa sa kapatid ang turing namin ni Cha-cha kahit na magbestfriend kami. Ang bait niya sa akin. Parehas sila ni Mama, mahal na mahal ako. Kamusta na kaya siya? Namimiss ko na siya. Alam kong matutuwa siya pagnakilala ka niya. Magugustuhan mo siya…"

"Pinapamigay mo na ba ang Mahal mo sa iba?"

Napangiti sa akin si Alaine. "Napakapilyo mo talaga... Siyempre hindi! If you will meet her, promise me that you will be nice to her."

"Yes I will."

END OF FLASHBACK

Binuksan ko yung photo album. Matagal na ng huli ko tong nakita… Oo bago namatay si Alaine… Bago ang malagim na bangungot na yun…

Pagkakita ko pa lang ng litrato ni Alaine hindi ko napigilan ang sarili ko na lumuha.

"Why did you left me so early Alaine?" You should not see how much pain inside my heart. I may not be this man who I am today if not that accident happen.

***ROAR***

Napatingin ako sa labas ng bintana at unti-unting bumabagsak yung ulan. Pagkatingin ko ulit sa photo album parang hindi ako makahinga dahil sa litrato na nakita ko… The page is different…

DALAWANG BABAE ANG NASA LITRATO NA MASAYANG NAKANGITI SA KAMERA...

At sa unang pagkakataon naramdaman ko si Alaine. She's just here by my side…

Treated like I don't exist

In a cage you call a home

And it makes me filled with hate

An empty room alone

And you made one mistake

I won't forget

I was treated that way

-Sanity

***TOK***

"Sino yan?"

"Keanne hijo, si Yaya Susan mo eto."

Sinarado ko yung photo album at tinago sa ilalim ng unan ko. "Pasok ho Yaya..."

Pumasok na si Yaya at agad na napatingin sa akin. "Anong nangyari ba sa inyo ni Miss Thiara? Nakita namin siya ni Karyo na nagmamadaling umalis ng bahay. Anak, umuulan ngayon at nag-aalala kami na baka kung saan siya mapunta."

Tinuloy pala talaga niya ang pag-alis... "Wala hong nangyari sa amin... Bahala na kayo sa kanya. Magpapahinga na ho ako Yaya."

Kahit na alam kung nagtataka pa rin si Yaya sa sinabi ko, tinulungan niya na lang ako mahiga sa kama. Gusto ko na talagang magpahinga. Mas masakit pa sa ulo yung nararamdaman ko… Ewan ko pero I felt my body shivered in cold. It's like my body is walking in the rain.

END OF KEANNE'S POV

Akala ba niya babalik pa ako dun! Hindi na talaga, maliban na lang kong hahanapin niya ako ngayon, magsosorry siya at maniniwala siyang best friend ako ni Alaine. Thiara, wag ka ng umasa… Hindi talaga! Sa pag-uugali ba naman niya na yun! Hindi ko nga alam kung paano ako nakasurvived ng 1 week kasama siya!

Ang lamig… Kanina pa ako naglalakad kung saan. Alam kong napakalayo ko na sa bungalow nila Keanne. Hindi ko alam kung nasa gubat ba ako o disiyerto. Kanina kasi marami pa akong puno ng niyog na nakikita at poste ng ilaw ang nadaanan ko pero ngayon wala na ako halos makitang ilaw.

Nasaan na ba ako? Eksaktong pagkatanong ko nun sa sarili ko ay may bigla akong narinig na sumisigaw…

"Miss Thiara! Nasaan ka na anak?"

Naku sila Aling Susan! Babalik ba ako o hindi? Kasasabi mo lang kanina na babalik ka tapos ngayon… No choice naman ako. Saan ako pupunta? Isa pa sobrang nilalamig na ako… My body shivered because of the rain.

"Andito ho ako Aling Susan..." Natamaan ako ng ilaw mula sa flashlight na hawak ni Mang Karyo. Lumapit sila agad sa akin.

"Buti nahanap ka namin... Anak bumalik na tayo sa bahay. Nilalamig ka na at aba'y magkakasakit ka niyan." At agad akong pinayungan ni Aling Susan.

Tumango na lang ako. Sobrang nilalamig na talaga ako… Pagod na pagod na talaga ako.

Naligo agad ako pagdating namin sa bahay. Dinalhan ako ni Aling Susan ng gatas para mainitan daw yung katawan ko. Nakahiga na ako sa kama at inaayos na lang yung kumot ko.

"Anak magpahinga ka na. Kung ano man ang naging problema nyo ni Keanne, maayos din yun."

"Salamat ho Aling Susan..." Tumango siya at lumabas na sa kwarto ko. Sana nga maayos na yung problema namin… Umaasa ako kahit na alam kong imposible.

"Anak, magpaalam sana kami ni Karyo."

Napatingin kami ni Keanne kay Aling Susan. Nasa harapan kami ng mesa kumakain ng agahan. Wala ni isa sa amin ang pumapansin sa bawat isa. Hindi ko mahagilap yung mga mata ni Keanne, napakailap. Nakokonsensiya siguro siya sa ginawa niya.

"May problema ho ba Yaya?"

"Si Gracia kasi, kapapanganak lang kahapon pumalaot daw si Tiburcio at di dumating kagabi. Nag-aalala siya anak at ayoko naman mabinat siya kaya kung maari lang ay sasamahan muna sa namin siya Karyo hanggang sa makabalik bukas si Tiburcio."

Anak siguro nila si Gracia... "Sige ho. Ikumusta nyo na lang ako sa anak nyo."

"Salamat anak... Wag ka nang mag-alala sa kakainin nyo ni Thiara dahil nakaluto na ako ng tanghalian at maari nyo na lang initin yun para sa gabihan."

"Sige ho, wag na kayong mag-alala dun." At umalis na si Aling Susan.

Hindi pa natatapos si Keanne na kumain pero pinaandar niya na yung wheelchair niya at umalis na. Ayaw niya talaga akong makasama... Magtiis na lang siya muna, aalis na talaga ako dito pagtumawag si Mrs. Lacey, magpapaalam na ako.

Gusto ko sanang lumangoy kaso napakahangin tsaka may posibilidad na uulan na naman kaya nakapagdesisyon na lang ako na sa library na manatili ng buong araw.

Pagkatanghalian na ng umalis sila Mang Karyo at dumiretso na agad ako sa library. Nakabukas yun dahil hindi ko naman siya nasara kahapon. Pumasok na ako at nagbasa ng libro.

Mag-aala sais ng naalimpungatan ako. Nakatulog pala ako ng isang oras! Tumayo ako at ibabalik na sana yung librong binabasa ko ng patay-sindi yung ilaw.

"Bakit kaya?" Naku baka naman mapupundi na! Nagmadali akong ibalik yung libro at eksakto namang papunta na ako sa pintuan para lumabas ng nawalan ng ilaw!

Oh my God! Kinapa ko yung switch pero hindi ko mahanap. Naku naman! Pinagpatuloy ko na lang yung paglakad ko papunta sa pintuan. Ng naramdaman ko na yung door knob, agad kong ginalaw yun.

Bumilis yung tibok ng puso…

This can't be!

Hindi gumagalaw yung door knob at isa lang ang ibig sabihin nun…

Naka-lock yung pintuan and I'm stuck!

Napaupo ako sa sahig. Ano ba yan ang malas ko! Naku naman! Hindi naman kaya…

"Keanne, wag kang magbiro... Kung galit ka wag ka naman ganyan. Ayokong manirahan dito sa library..." But that's impossible, hindi ko naman naramdaman na may nagsara at isa pa paano makakapunta dito si Keanne?

Baka naman may iba pang labasan dito… Naglakad ako at nag-ingat na hindi matamaan yung mga shelves at cabinet. May bigla akong nakapa sa dingding at pagkatapos nun…