webnovel

5

KABANATA 5: Bearing the beast

HIS livid loud voice traveled all the way through my position. He kept on calling my age, maybe because he doesn't know anything about me but my age. Well, he knows I'm a Beau Monde but he called me Seventeen, he's calling me Seventeen because he wants too.

"Damn!" His raging tone howled as he pulled me up and drag me away from my past position. I couldn't stand, I'm all messy and dirty. "I told you to stay! You stubborn, kaya kayo pinapapapatay kasi ang titigas ng ulo ninyo! Hindi kayo marunong pagsabihan!"

I cried again when he mentioned my massacred family, mas lalong lumakas ang sigaw ko dahil sa paraan ng kanyang paghila sa akin. We're both struggling because of muds, hindi niya ako mabuhat ng maayos dahil madulas, baka parehas lang kaming bumagsak.

"Wag mo'kong iyakan! It's your fault, you're killing yourself! I told you to stay!" He yelled.

Hindi na ako nakapagpigil, "Damn you! You didn't! You made me choose! AARRGH!" I yelled and cried at the same time when he pressed my bullet whole. "ARAY KO!"

"Aray ko? Don't ever answer me that way again!"

"AAARRGGHH!"

Hindi na muling nahinto ang pag-iyak ko at paglikha ng ingay. Parehas kaming madumi. He dragged me to the bathroom and poured the cold water from the pail. I yelled in frustration because of the coldness, I tried reaching anything while squinting my face to breathe.

"IT'S COLD!" Reklamo ko.

"Cold? You're cold? You swam on the damn dirty lake and now you're cold?"

"I didn't swim!" maktol ko habang umiiyak na parang bata at pilit siyang pinapahinto sa pagbuhos sa akin dahil hindi na ako makahinga.

"You didn't? Oh, you drowned yourself!"

Nang maabot ko ang tabong hawak niya'y mabilis ko itong inagaw at malakas na itinapon sa kanya pabalik. "I SAVED MYSELF! I DIDN'T KNOW THAT DAMN WATER EATS HUMAN!"

Gulat niya akong nilingon nang tamaan siya sa kanyang noo. Tumalim ang kaniyang paningin at walang pasabing binuhat ang balde ng tubig atsaka ibinuhos sa akin.

"AAHH, how dare you! Fuck you!" I screamed and looked for an air to breathe. I almost forgot, he's heartless. Wala siyang pakialam kung mapatay niya ako dahil gawain niya naman talaga iyon.

"You! Bad! URGH!" Iritado niyang singhal at saka ibinuhos ang baldeng hawak sa sarili nang mapansing hindi na ako makahinga dahil sa tubig. Patuloy niyang binuhusan ang kaniyang sarili hangga't hindi siya nakukontento.

Umiiyak ko siyang pinanuod, dumako ang aking paningin sa pagbakat ng mga bumabakat sa tulad nila. Ganoon na rin ang kaniyang abs, hindi niya napabayaan ang kaniyang sarili, maganda talaga ang kaniyang pangangatawan.

"Ano'ng tinitingnan mo d'yan?"

Nakasimangot siya habang iritado akong pinagmamasdan. Parehas na puti ang aming damit at parehas na bumabakat ang pang itaas na bahagi ng katawan.

"A-anong tinitingnan mo dyan?" Utal utal at sumisinok kong tanong saka mabilis na tinakpan ang sarili.

"Tsk,"

I screamed again when he lifted me up and went upstairs. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang balikat, natatakot na baka bigla niya akong bitawan at ihulog dahil sa galit. Ang totoo'y wala siyang karapatang magalit, ako dapat ang magalit sa kaniya dahil sa ginawa n'ya sa pamilya ko.

"You broke the door, Seventeen."

"No, I just broke the lock." Giit ko.

Nakita ko ang pag igting ng kaniyang panga at madiin akong sinamaan ng tingin. Umiwas ako at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya, mas lalong natatakot na baka ibagsak niya nga ako ng wala sa oras.

"Don't ever do that again," aniya at ibinaba ako ng marahan.

Kinuha niya ang malaking supot ng plastic bag at patapon iyong ibinigay sa akin.

"Change."

Iyon lamang ang kaniyang sinabi at lumabas ng silid. Binuksan ko iyon at nagulat ng makitang mga puting bistida ang laman niyon. Mayroon ring mga underwear na nakalagay. Isinuot ko iyon at inayos ang nabasa kong damit. Inilagay ko iyon sa bintana at isinampay, saka muling bumalik sa pagkakaupo.

Kinagat ko ang aking labi dahil sa mga alaalang patuloy na pumapasok sa aking isipan. Ang mga dugong iyon, ang mga mukhang iyon, ang mansion, ang aking pamilya, ang lahat ng mayroon ako ay wala na. I'm a total mess. At gusto kong pagbayarin ang taong gumawa nito sa akin, If I would have the chance, I'll make him feel what I'm also feeling.

Pinahid ko ang mga luhang pumatak tungo sa aking pisngi. Napahawak ako sa aking tiyan dahil maingay itong tumunog, nagtiis pa ako ng ilang minuto ngunit hindi ko na kinaya ang gutom ko. Wala naman na akong kadena, wala naman din sigurong masama kung hihingi rin ako ng pagkain.

I went outside and saw him eating at the kitchen, I stopped. Ang lahat ng balak ko'y nawala ng makita siya, nilamon ako ng takot ngunit hindi lang iyon, pinangungunahan rin ako ng hiya.

"What?"

I sighed when my stomach created a sound again, "C-can I eat?"

Napaatras ako ng lumingon siya sa akin at pinasadahan ako ng tingin. "Tsk," he reacted when he saw me wearing the dress he brought.

Napalunok ako at muling nakaramdam ng pag-iyak nang lagyan niya ng kanin ang table na nasa kaniyang harapan. Hindi man lamang nag effort na ilagay sa plato, ano'ng akala niya sa akin, aso? Nakagat ko ang aking labi at pinahid ang luhang pumatak, doon ako kakain. Hindi na ako aarte, nagugutom na ako, gusto ko nang kumain.

Dumeretso ako roon at nakiramdam. Nang mapansing pwede na akong kumain ay kinamay ko ang kanin kahit na walang ulam. Nanginginig ang mga labi ko, pakiramdam ko'y lalagnatin ako, nanginginig rin ang mga kamay ko at ibang init ang nararamdaman ko. Init sa panlabas na katawan ngunit nanlalamig ang pakiramdam, magkakasakit nga yata ako.

"Can you stop shaking?"

Umiling-iling ako nang hindi s'ya nililingon. Hindi ko maiwasang hindi manginig, kusang nanginginig ang aking mga kamay at bibig kahit na anong pigil ko rito. Sumasama lang ang pakiramdam ko kapag pinipigilan ko ang sarili ko sa mga gusto kong gawin. Nahinto ako sa pagkain ng makarinig ng kasa ng baril, gulat akong napalingon sa kanya habang nanlalaki ang mga mata.

"If you don't obey me, I'll shoot you."

Napalunok ako at tumango-tango. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang pag-iyak. I look like a kid who's about to cry in front of her dad, but sadly, I am in front of a killer stranger.

"Stop shaking."

Tumango-tango ako kahit na nanginginig pa ako. Nangatog na tuloy ang mga tuhod ko at muling nagkarera ang aking puso.

"Stop crying."

Napasinok ako at mabilis na suminghot, iiyak na ako. Hindi ko na mapigilan, mabilis kong pinahid ang aking mga luha at umaktong walang nangyari. Napapikit ako ng itutok niya sa ulo ko ang baril.

"Okay, you can cry," aniya, hindi ko magawang magbuntong hininga dahil alam kong hindi lang iyon ang kasunduan niya, May karugtong pa, "But I don't want to hear any sound. Do you understand?"

Ipit akong umiyak at tumango-tango, hindi ko na kaya ang gutom ko. Kahit na natatakot ay nagkamay ako ng kanin at nanginginig itong isinubo, akala ko'y tutuluyan niya na ako ngunit sa huli'y pinanuod niya lamang akong maubos ang kanin na inilagay niya sa mesa.

Sobrang bilis ngang lumipas ng panahon, ang mabilis na kasiyahan, matagal at lubos na kahirapan naman ang kapalit. Kung alam ko lang na ganito ang aabutin ko, hindi na sana 'ko naging masaya pa. I never expect, no one did expect this to happen. Parang kahapon lamang ng kahapon ay marangya ang buhay ko, ngayon ay kumakain na akong parang aso.

Kahit na ano'ng gawin ay may nakabantay na guwardiya, hindi nga lang nakatutok ang baril sa kalaban, kundi sa akin.