webnovel

24

KABANATA 24: The archive

We were both panting, sweating hard and catching our breathes. Nakikita ko kung paano gumalaw ang muscles ni Lyreb habang ako'y nanlalambot sa kaniyang ginagawa at patuloy na nanghihina dahil sa pagod.

"Faster!" I demanded and wiped my sweats away.

"Wait, ugh!" Lyreb seethed and gripped my arms. "Behave and let me do everything,"

"Ano ka ba? Wala na bang ibibilis pa yan?" Iritado kong saad at nagpaypay ng sarili.

"Maghintay ka, ikaw kaya rito." Maktol niya at pinakawalan ang mga bisig ko.

"Kung pwede lang!"

"Urgh, shit!" Nahihirapan niyang saad.

Naghintay pa ako ng ilang sandali bago niya tuluyang nabuksan ang sara ng tunnel na papasukan namin.

We just arrived at the back of our mansion safe. Napigilan ni Lyreb ang tibok ng kaniyang puso pati na rin ang init ng dalawa niyang ulo, naka-survive din ako sa nakaka suffocate niyang kotse. Hindi nga nagkamali si Lyreb nang sabihing niyang maraming bantay sa mansion, kaya naman sa likod namin napiling dumaan upang tuluyang makapasok.

"Hindi mo ba talaga ako inililigaw dito?" Ani Lyreb bago pumasok sa sekretong lagusan.

Napairap ako at mabilis na sumunod, "Dito ako dumadaan kapag gusto kong tumakas. Maraming bantay sa main gate, nalaman kong may underground tunnel kami, patungo sa basement, aakyat lang sa hagdan pagkatapos ay ang loob na ng aming mansion,"

"I knew it, pasaway ka rin,"

Pumasok kami sa maliit na butas habang ang aming sasakyan ay iniwan sa malayo. We just ran all the way to our backyard, inakyat ang mataas na gate at pumasok sa underground tunnel. Yes, Lyreb was serious when he said he's going to find the black book on our archive, and I was serious as well when I said I wanted to help him.

Madilim ang tunnel, wala kaming makita ni maaniag. Naramdaman ko ang paghawak ni Lyreb sa aking kamay at hinila ako palapit sa kaniya.

"Lapit ka lang sakin," Bulong niya at nagpatuloy.

Kumalabog ang puso ko nang mapagtantong madilim ang tunnel at hindi ako natatakot. Noon kasing tumatakas ako'y kasama ko si Elvie at may dala kaming ilaw o flashlight, samantalang ngayo'y sapat na ang presensya ni Lyreb upang huwag akong matakot.

Nagpatuloy lamang kami hanggang sa makaaniag kami ng liwanag. Ibig sabihin ay malapit na kami sa basement. Doon nakatago ang mga luma at sobrang gamit ng aming pamilya.

"Your mansion is really huge," Lyreb commented, "You must've felt lonely being alone."

My heart raced, nakaramdam ako ng lungkot matapos niyang sabihin iyon. He understood me, akala ko'y walang makakaintindi sa akin, sa pakiramdam na nag-iisa kahit halos nasayo na ang lahat. Materials doesn't matter to me, I want companion. Iyon ang gusto ko na hindi maibigay sa akin ng aking pamilya. They kept me inside the mansion for seventeen years, no friends, no same aged playmates, just Elvie, and the maids.

"I wish I was there when you needed someone to play with," mahinang saad ni Lyreb. "But don't you won't be lonely anymore."

Humigpit ang hawak ko sa kaniyang mga kamay. Sa mga oras na iyon ay gusto ko siyang yakapin, ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil sasabog lamang ang aking nararamdaman at hindi ito ang tamang oras.

Tuluyan naming nasundan ang liwanag at narating ang basement. Hindi parin pinakawalan ni Lyreb ang aking kamay habang lumilinga-linga sa paligid. Ako na ang humila sa kaniya patungo sa hagdanan upang mapasok ang loob ng mansion. Lumabas kami sa storage room. Pinagmasdan ko muna ang paligid bago ko siya tuluyang hinila patungo sa aming library.

Ngunit nahinto ako nang mapadpad kami sa groundfloor, ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Pakiramdam ko'y nagsiakyatan lahat ng dugo sa aking mukha, mabilis na namuo ang luha sa aking mga mata habang pilit na nilalabanan ang memoryang pumapasok sa aking isipan. Kung hindi ko ito mapipigilan ay babagsak ako sa sakit at paninikip ng aking dibdib.

"Belle,"

Pinilit kong kumalma ngunit patuloy kong naalala ang mga nagkalat na katawan at dugo nang gabing iyon. Ang aking pamilya... ang aking mga kapatid, ang aking mga magulang. It's coming back to me, I am about to explode.

But Lyreb immediately hugged me, at tuluyang bumuhos ang aking mga luha sa kaniyang dibdib.

"Hush, it's okay... we are safe," bulong niya at hinalikan ang aking noo saka marahang hinaplos ang aking buhok, "We are fine, the ground is clear, I am here."

Pinanghahawakan ko ang kanyang mga salita at buong tapang na hinarap ang aking takot. Natagpuan ko na lamang ang aking sariling binabaybay ang aming silid aklatan habang kalmadong nilalampasan ang ground floor.

"That's my baby," Lyreb whispered and kissed my forehead once again.

Pumasok kami sa library. Binitawan ko ang kaniyang mga kamay. Lumingon siya sa akin at hinawakan ako ng mariin.

"Hanapin mo, may titingnan lang ako, mabilis..." Saad ko.

"No," he insisted.

"Trust me this time please, babalik ako, babalikan kita dito. Sasama ako sa'yo pauwi, may titingnan lang ako."

Wala siyang nagawa nang humakbang ako palabas ng library. Kumaway ako at tumango bago tuluyang umalis. Dumeretso ako sa aking silid at tuluyan akong napaluha nang makita ang yellow gown na isinuot ko nang gabing iyon. Iyon rin sana ang balak kong isuot sa aking debut, ngunit walang naganap na bonggang handaan. Gayunpaman ay masaya na ako sa presensya ni Lyreb, at wala na akong mahihiling pa.

Napansin ko ring naroon ang regalo ko para kay Evan. Pinaghirapan ko iyon, hindi man lamang natapunan ng tingin ni Evan, because he never had the chance to do so.

Wala ang mga katawan nila sa aking kwarto, their rooms were locked, nakapagtatakang ang kwarto ko lang ang bukas samantalang ang mga silid nila'y sarado. Malinis na ang groundfloor, hindi ko lang talaga mahanap ang bangkay ng aking pamilya.

Hindi ko alam kung saan sila dinala, I just want to see them once again. Napapaluha na lamang ako habang pinagmamasdan ang family picture namin sa dinging, iyon ang pinakamalaking frame at iyon rin ang pinakamaganda dahil iyon ang litratro kung saan kami buo at sama sama.

Muli akong bumalik sa aking silid at pinagmasdan ang paligid. I missed my room very much. How about Elvie? Ano nga ba ang nangyari kay Elvie? Hindi ko siya nakita noong gabing iyon, did she survived? I hope she did, at least may matatakbuhan pa ako maliban kay Lyreb.

Naningkit ang mga mata ko sa kakaibang drawer sa likod ng aking basag na salamin. It was heart shaped. Noon pa man ay nagtataka na ako kung ano iyon, at kung paano iyon mabubuksan.

Ilang beses ko iyong sinubukang buksan gamit ang susing nakasabit rito ngunit hindi ako nagtagumpay. I guess I was right when I concluded it was placed their to deceive. I wonder what's the key of the drawer and what's in it?

"Oh shit," I squealed when a siren wailed our mansion.

My heart raced. Mabilis akong lumabas sa aking silid at tumakbo patungong library.

The police came, mukhang inaabangan nila ang aming pagdating. O kaya naman ay sumakto lang ang kanilang dating. Walang pakialam sa loob ang mga bantay sa labas, ngunit alam kong ang mga pulis na ito ang may karapatang pumasok kaya papasukin nila ang mansion.

And Lyreb! I need to get him out of this place.

"Lyreb?"

Ilang beses ko nang tinawag ang kaniyang pangalan ngunit walang sumagot. Halos malibot ko na ang malawak naming silid ngunit hindi ko siya nakita.

Iniwan niya ba ako? Nahuli na ba siya? Akala niya ba'y ako ang nang-iwan sa kaniya?

Shit. My mind was messed up, I became depressed with my thoughts. Gusto kong sumigaw dahil hindi ko kayang isipin na iniwan ako ni Lyreb.

"Lyreb?"

Naghuramentado ang puso ko, at mas lalo akong nawala sa aking sarili nang madagdagan ang tunog ng sirena ng mga sasakyan.

Ayokong sumama sa mga pulis, gusto kong sumama kay Lyreb, hindi na mababago ang desisyon ko.

"Lyreb!"

Tuluyan na akong napaiyak. At mas lalo akong nanghina matapos makarinig ng putok ng mga baril.

Are they chasing Lyreb now?

Mabilis akong lumabas sa library upang hanapin si Lyreb. Dumagundong ang puso ko nang magsimulang gumalaw ang malaki naming pintuan, ibig sabihin ay binubuksan iyon.

"Lyreb,"

Tuluyan na akong napahagulgol dahil hindi ko na natagpuan pa si Lyreb. I almost lost myself because I couldn't find Lyreb, but I really lost my mind when a person behind me spoke.

"At last, after the chases, I have found you..."