609 May mali ba sa utak mo?

Traductor: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ngumisi si Ye Wan Wan at inasar si Ye Mu Fan. "Pwede ka maging alipin para sa drayber ni papa, kaya bakit hindi ako pwedeng magtrabaho bilang sangay ng Worldwide?"

"YE WAN WAN!" mabilis na nagagalit si Ye Mu Fan kapag may na-uugnay kay Shen Meng Qi. "'Wag mo namang gawing kayamut-yamot 'yon. Hindi na drayber ni papa si tito Shen at kahit na drayber pa din siya, wala namang dapat ikahiya do'n!"

"Naging mabait si Meng Qi sa 'yo at laging may magandang sinasabi sa 'yo; lagi ka niyang iniisip at nakatayo lang sa likod mo. Umulit pa nga siya ng isang taon pa sa eskwelahan para lang samahan ka pero ano yung natatanggap niya pabalik? Iniinsulto mo siya pati ang magulang niya?"

Nang marinig kung gaano katapat si Ye Mu Fan kay Shen Meng Qi at itinuring na parang pamilya ang mga Shen, at inaatake si Ye Wan Wan para maprotektahan ang mga Shen, halos matawa si Ye Wan Wan sa pagkabigo.

Sa nakaraan niyang buhay, hindi lang siya inapi ni Shen Meng Qi hanggang sa wala ng mabuting balat sa katawan niya, pero direkta niyang sinira ang buhay ni Ye Mu Fan at sa huli, ang magulang niya at pamilya niya ay nadawit sa malaking gulo...

Naalala niya na para makakuha ng lupa ng pamumuhunan ang mga Shen, pinilit ni Shen Meng Qi na papuntahin si Ye Mu Fan para nakawin ang isang mahalagang dokumento sa mga Ye.

At pumunta nga si Ye Mu Fan.

Alas, nakuha ng mga Shen ang piraso ng lupa, pero nalaman ni Ye Shao An at Ye Yiyi ang ginawa ni Ye Mu Fan.

Kahit na pinaghinalaan ang tatay niya na may ginawang mali, si Ye Mu Fan pa din ang panganay ng pamilya. Si Ye Mu Fan din ang panganay na apo, kaya naman malambot ang puso ng lolo't lola niya at pumayag na pabalikin sila sa bahay. Kaya naman ang tito niya at si Ye Yiyi ay laging tinitignan ang pamilya nila Ye Wan Wan bilang mga tinik sa tabi nila.

Gusto laging sirain ni Ye Shao An ang tatay nila at laging naghahanap ng paraan para gawin 'yon. Sa huli, pasimpleng inabot lang sa kanya ni Ye Mu Fan.

Sa huli, galit na galit ang mga lolo't lola nila. Tuluyan na nilang pinutol ang komunikasyon nila sa magulang nila at gusto pa na dumadaan sa mga legal na responsibilidad si Ye Mu Fan. Nakulong ang tatay ni Ye Wan Wan para lang maprotektahan ang kapatid niya, kaya tuluyan nang nanghina ang katawan nito, at iyon din ang panahon na...

Sa buhay na 'to, base sa pagtantiya ni Ye Wan Wan, malapit nang mangyari ang insidenteng ito.

Ang kompitensya sa paghandog ng lupa ay malapit nang maganap...

Base sa mga ginagawa ni Ye Mu Fan ngayon, talagang gagawin niya ang sasabihin ni Shen Meng Qi...

Hindi na nakatiis si Ye Wan Wan. Deretso siyang tumingin kay Ye Mu Fan at sumigaw, "YE MU FAN! Pwede bang gumising ka na? Maliit na assistant stylist ka lang sa Assembly of Stars Entertainment, nagkatago ka sa likod ni He Jun Cheng na parang aso, tumutulong ka sa pag-ayos ng mga artista nila, pero sa huli, lahat ng papuri at karangalan ay napupunta sa kanya. May mali ba sa utak mo? Ano ba yung iniisip mo?"

Hindi nagbago ang itsura ni Ye Mu Fan. "Ano bang alam mo? Ginagawa 'to ni Shen Meng Qi para sa 'kin! Ye Wan Wan, sinasabi ko sa 'yo si Shen Meng Qi ang pinaka-importanteng babae sa buhay ko at kapag nagpatatuloy ka pa sa pagtrato sa kanya sa ganitong ugali, wala nang matitira sa 'ting dalawa!"

Galit na umalis si Ye Mu Fan matapos magsalita.

"Ikaw…" habang pinapanood ang pag-alis ni Ye Mu Fan, gusto siyang pigilan ni Ye Wan Wan at sabihin na 'wag maniwala kay Shen Meng Qi at 'wag magpaloko.

Gayunpaman, walang lumabas sa bibig niya.

Kasi kahit na sabihin niya ito ngayon, hindi siya paniniwalaan ni Ye Mu Fan at mas lalala lang ang relasyon nila.

Kapag naniwala si Ye Mu Fan sa kanya, isang beses niya lang ito mapipigilan, pero hindi niya ito magagawa samakalawa.

Sa oras na 'to, kailangan niyang gisingin si Ye Mu Fan at bigyan siya ng matinding leksyon!

Para sa magulang niya naman… magagawa niya na lang na panandalian silang pahirapan...

Kung hindi, kung hindi niya tuluyang aayusin ang isyu sa kapatid niya, mas masasaktan ang magulang niya sa hinaharap...

avataravatar
Siguiente capítulo