1121 Bakit takot ka sa sarili mong asawa?

Traductor: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi naiwasang sabihin ni Gong Xu, "Isang glass lang naman ng wine. Kailangan mo pa bang gawin iyon?"

Ye Wan Wan: "Kailangan kong gawin iyon dahil takot ako sa asawa ko."

Nabigla si Gong Xu. "..."

"Matanda ka na. Bakit natatakot ka pa rin sa asawa mo?!!!" Buong pusong sinigaw ni Gong Xu.

Naramdaman ni Gong Xu na parang may mali sa sinabi ni Ye Bai. Ah, ang "asawa" nga pala ni Brother Ye ay isang lalaki rin...

Hindi pinansin ni Ye Wan Wan ang mga angal ni Gong Xu at pumunta na lamang siya sa isang tahimik na lugar para tawagan si Si Ye Han.

Mabilis na sinagot ang tawag niya.

Ye Wan Wan: "Hi, Ah-Jiu, Ah-Jiu~"

Sa oras na iyon, nakaupo sa sofa si Si Ye Han habang katawagan niya si Ye Wan Wan sa Little House of Rose.

Si Tang Tang na nasa tabi niya, ay naririnig na ang katawagan ni Si Ye Han ay ang mommy niya. Agad siyang lumapit kay Si Ye Han na mah nagmamakaawang mga mata.

Tiningnan ni Si Ye Han ang batang lalaki at nilagay niya sa speaker mode ang phone, "Hm, hindi ba't nasa salo-salo ka?"

Mabilis na sumagot si Ye Wan Wan nang marinig niya ang sexy na boses ni Si ye Han, "Ah, Oo. Kaya… may itatanong sana ako sayo… pwede ba akong…"

Si Ye Han: "Hindi ka pwedeng uminom."

Hindi pa tapos ang sinasabi ni Ye Wan Wan pero alam na ni Si Ye Han ang pinaparating nito. Para siyang isang espiya.

"Uh… konti lang eh! Okay lang ba na uminom ako ng konti? Ang saya ko kasi ngayong araw! Kakatapos lang ng filming ng una naming pelikula! Masayang araw ito kaya malamang may wine. Patay ang selebrasyon ng pagtatapos ng filming kung walang alak!"

Kung wala sanang sinabi si Gong Xu ngayon, naghanda na sigurong uminom si Ye Wan Wan.

Strikto si Si Ye Han kaya hindi siya maniniwala sa mga excuses ni Ye Wan Wan kaya sumagot siya: "Bawal."

Hindi sumuko si Ye Wan Wan. "Patay na ang mga patakaran, pero ang mga tao ay buhay pa! Hindi ba pwedeng hindi muna sumunod sa mga patakaran? Please? Ah-Jiu… Darling… Baby… Hubby?"

Si Ye Han: "... Sigurado ka na konti lang?"

Tumango si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon. "Sigurado ako -siguradong-sigurado. Wala ka bang tiwala sa akin? Ang bait ko kaya!"

Nagdawalang isip si Si Ye Han: "..."

Ye Wan Wan: "Okay lang? Gusto at mahal na mahal kita! Hindi talaga ako iinom ng marami!"

Matapos ang isang saglit na katahimikan, sumagot na si Si Ye Han, "Alamin mo kung kailan ka titigil sa pag-inom."

Pumapayag siya!

Mabilis na binalot ng kasiyahan si Ye Wan Wan. "Ang galing mo talaga!"

Tinititigan ng masama ni Tang Tang si Si Ye Han pagkatapos niyang mapakinggan ang buong usapan nila. Parang sinasabi niya sa ama niya na wala itong prinsipyo sa buhay.

"Hindi ka totoo sa mga salita mo, daddy. Hindi ito tama. Masama sa katawan ang pag-inom ng alak," seryosong sinabi ng batang lalaki.

Sumimangot si Si Ye Han sabay inabot niya ang phone sa batang lalaki at sinabi. "Subukan mo."

Sige, susubukan ko talaga!

Nag-"hmp" ang bata nang kunin niya ang phone. "Mommy!"

Lalong nalugod ang puso ni Ye Wan Wan nang marinig niya ang boses ni Tang Tang. "Tang Tang! Na-miss mo ba si Mommy?"

"Opo, namimiss ni Tang Tang si Mommy!" Sabi ng batang lalaki. Mas naging malumanay at naging cute ang mukha ng batang lalaki habang pinapakinggan niya ang boses ng kanyang mommy.

"Bakit ang bait mo? Matulog ka na baby at huwag ka nang matulog ng late na. Aalis din kaagad si Mommy dito at tatabihan kitang matulog!"

"Hm, huwag kang mag-alala Mommy. Si Tang Tang na ang mag-aalaga sa sarili niya."

"Ang bait naman ni baby. Ikaw ang gustong-gusto ni Mommy! Aalis na din si Mommy, ha? Muah~"

"Hm, bye bye Mommy~"

Masayang binaba ni Tang Tang ang tawag pagkatapos niyang makipagtawagan sa kanyang Mommy."

Hm, hindi sumunod sa sariling prinsipyo ang matanda habang ang bata ay nakalimutang pigilan ang Mommy niya na uminom...

avataravatar
Siguiente capítulo